DESPERADO na ako. Hindi ko hahayaang sa kulungan lang babagsak ang ganda ko. Hindi ako bagay roon, 'no! Tsaka isa pa, ako ang biktima sa sitwasyong ito, kaya bakit niya ako ikukulong?
"You really do everything just for your freedom, huh?"
Hindi ko alam kung tungaw lang 'tong pulis na kausap ko o hindi makaintindi ng Tagalog. Kasasabi ko lang na gagawin ko lahat para lang makalaya, 'di ba? Sayang. Guwapo pa naman.
"O-Opo. Promise, gagawin ko lahat."
Matapos kong sabihin iyon ay napagmasdan ko ang labi niya. Marahan siyang ngumisi at mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin. . . or mas tamang sabihin na nakuha ko na kung ano ang kapalit na hinihigi niya.
Lumuhod ako sa harap niya at itinapag ang mukha ko sa harap ng pantalon niya. It was still bulging. Mukha naman siyang relax pero bakit may nakabukol pa rin sa pantalon niya. Tsaka ko lang naisip na baka kaya may bukol pa rin doon ay dahil. . . shocks! Malaki siguro ang alaga niya!
Napakagat ako ng labi at natanong bigla ang sarili. Kakayanin ko ba? Hindi pa man ako nakakapagsimula ay mukhang dehado na ako sa gagawin kong pakikipagbakbakan. Mukhang aabot hanggang ngala-ngala ko ang dulo ng kanyang pagk*lalaki oras na lununin ko iyon. Nalunok ko tuloy ang aking laway hindi dahil sa pagkasabi kundi dahil sa kabang nararamdaman.
Pero wala nang urungan 'to. Kung hindi ko gagawin ang gusto niya, makukulong ako. Which is ayaw ko talagang mangyari dahil wala namang magpapiyansa sa akin. Hindi ko naman gustong sa loob na lang ng kulungan matatapos ang buhay ko. Isa pa, marami pa akong pangarap. At kung hindi dahil sa hindi ko gustong makulong, hindi ko gagawin ang bagay na ito.
Hinawakan ko ang sinturon niya at inalis ang locked. Ilang sandali lang ay lumipat ang mga daliri ko sa Zipper ng kanyang pantalon. Excited ako na kinakabahan sa makikita ko. Ano kaya ang hitsura no'n?
"What are you doing?" tanong niya. Tumingala ako para makita ang reaksyon niya. May pagtataka sa kanyang mga mata noong tingnan ko ito.
"Ginagawa ko 'yong kondisyon na sinasabi mo," sagot ko sa kanya.
Tama naman ako, 'di ba? He wants me to s*ck his d*ck so he would let me go. Kaya lang, natawa siya sa mga narinig sa akin.
"Do you really think I would let you do that? Ganyan ba talaga kayo kadesperada para lang hindi kayo makulong?"
T*ngina! Ang yabang! Hindi ko alam kung anong klase hangin ang pumasok sa utak ng lalaking ito para lang masabi ang mga bagay na iyon. Nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko matapos ang ginawa ko at marinig iyon sa kanyang bibig.
Tumayo ako at pinandilatan siya ng mata. "Eh, ano ba kasi 'yang hinihingi mong kapalit? Aber!" tanong ko.
"Tingin mo ba, pagbibigyan kita sa gusto mo? Manigas ka!" angil niya. "Talikod!" Hinawakan niya ako sa braso at pagkatapos ay pinosasan. Hindi ko na nagawa pang makapalag nang hatakin niya ako.
"Ano ba?! Bitawan mo 'ko!"
Nagpupumiglas ako pero hindi ko magawang makawala sa mga kamay niya. Bukod kasi sa posas, halos mabali na rin ang braso ko sa pagkakahawak niya. Paano ko kaya magagawang takasan ang lalaking 'to?
"Sakay!" utos niya nang makarating kami sa tapat ng isang kotse.
"Teka! Hindi patrol car 'to, ah!" Napaisip ako sa posibleng mangyari. "Saan mo ako balak dalhin?" Hindi ko maiwasang isipin na baka may masamang balak sa akin ang lalaking ito.
"Sa presinto. . . kung saan kanina ka pa dapat naroon," sagot niya.
Hindi ako sigurado kung totoo ang sinasabi niya pero kung doon niya talaga ako dadalhin, bakit hindi kami sa sasakyan ng pulis sasakay. "Personal na kotse mo ba 'to?" tanong ko.
"Oo!"
"Ayokong sumakay diyan!" giit ko.
"Kulit mo!"
Wala na akong nagawa noong buksan niya ang passenger's seat at hawakan ako sa ulo. Masyado siyang malakas kaya nagawa niyang ipasok ako sa loob ng sasakyan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang maupo na lang sa likod niya. Pinangarap ko naman maging passenger princess pero hindi sa ganitong sitwasyon.
"Pagsisihan mo 'tong ginawa mo. Oras na may mangyaring masama sa akin, mumultuhin talaga kita. Tandaan mo 'yan!" banta ko.
"Hindi ako takot sa multo. Marami na akong napatay pero kahit isa sa kanila, walang nagpakita sa akin," nakangisi niyang tugon.
Natahimik ako. Hindi ko na nagawa pang makagalaw sa kinauupuan ko nang makita ang mga mata niya.
"Buwisit ka talaga!"
Natawa lang siya bago isinara ang pinto at umupo sa driver's seat. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita papatayin. Dadalhin lang kita sa presinto for interrogation."
Siguraduhin lang niya na hindi niya ako dadalhin sa masukal na daan at doon pagtatangkaan. Dahil kung hindi, sisigaw talaga ako nang malakas.
Pero hindi pa man kami nakararating sa presinto ay may bigla siyang sinabi. "Magtago ka riyan sa likod."
"Ha? Bakit?"
"Kung gusto mo pa mabuhay, magtago ka riyan."
Natakot ako pero at the same time, sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa kasulok-suloka ng likod ng driver's seat.
Ilang sandali lang ay tumigil kami. Narinig ko na lamang na biglang bumaba ang bintana ng kotse hanggang sa makarinig ng mga nagtatawanan.
"Oh, Pineda, kumusta? Nahuli mo ba 'yong babae kanina sa bar?" tanong ng isang tinig ng lalaki. Ako ba ang tinutukoy niya?
"Hindi, eh. Nakatakas agad," dinig kong sagot nitong lalaking tinawag nilang 'Pineda'.
"Naku! Sayang naman. Ang ganda pa naman no'n at mukhang. . . masarap pa!" Kasunod ng huli niyang sinabi ay malakas na halakhak ang narinig ko mula sa mga lalaking nasa labas.
"Sige na, alis na 'ko, mga brad. May duty pa 'ko, eh," dinig kong sagot ni Pineda.
"Sige. Ingat ka!"
Nagulat na lang ako sa hampas na narinig ko mula sa labas ng pinto ng sasakyan. Marahil ay isa sa mga lalaking kumausap sa kanya ang gumawa noon.
"Wala na sila. Puwede ka nang umupo nang ayos," wika niya, sa wakas ay nakahinga na ako nang maluwag.
"Sino ba ang mga 'yon?" tanong ko habang sinisilip ang likod ng sasakyan.
"Mga kasamahan ko rin sila. Pero lahat ng mga babae sa bar na nahuhuli nila, ginagawa nilang parausan. At kapag sawa na sila sa babae, pinapatay nila."