Chapter 5 - Let Me Know If You Need Me

1001 Words
WALA akong ideya kung totoong nangyayari nga sa mga kasamahan ko ang pinagsasasabi sa akin ng pulis na ito. Hindi ko rin sigurado kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Maraming gumugulo sa isipan ko habang nakasakay sa kanyang sasakyan. Hindi ko magawang makipag-usap sa kanya. Baka kasi oras na may itanong ako, magalit siya at makulitan sa akin, hangang sa kitilin na lang ang buhay ko na walang kalaban-laban. "Kung nilalamig ka, may extra jacket ako riyan. Gamitin mo muna," alok niya, nakita ko ang isang black leather jacket na nasa tabi ko. Actually, kanina ko pa ramdam ang lamig dahil sa suot ko. Hindi naman ganoon kalakas ang aircon sa sasakyan niya pero nanunuot pa rin sa balat ko ang hanging ibinubuga nito. Kaya lang, paano ko naman maisusuot 'yon sa ganitong sitwasyon. "May posas ako sa kamay, remember?" paalala ko sa kanya. Saka lang siguro niya naalala na pinosasan niya ako dahil biglang tumigil ang kanyang sasakyan. Bumaba siya sa driver's seat at binuksan ang pinto ng passenger's seat kung saan ako naroroon. "Talikod," utos niya. Hindi ako paladasal pero noong mga oras na iyon, halos tawagin ko na ang Diyos. Ano bang balak ng lalaking 'to sa akin? "B-Bakit?" Nanginginig na 'yong panga ko sa takot. Sanay naman akong may lalaking tumitira sa likod ko pero mukhang pagkatapos niyang makaraos sa akin ay literal na titirahin niya ako. "Basta! Tumalikod ka!" Wala akong nagawa. Dumapa ako at tumalikod sa kanya. Pumikit na lang ako at hinintay ang susunod niyang gagawin. Kaya lang, sa halip na maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa puwetan ko, narinig ko na lang na ang saglit niyang pagtawa. May nakakatawa ba sa pinagawa niyang tumalikod ako sa kanya? Heto na, oh! Hinahanda ko na nga ang sarili ko sa kung ano'ng gusto niya. "Ano'ng ginagawa mo?" Nilingon ko siya. Nakangisi pa ang mokong. "Hindi ba, sabi mo, tumalikod ako?" He shook his head while smirking. "Oo, pero aalisin ko lang 'yang posas sa likod mo para maisuot mo ang jacket ko." "Ah, gano'n ba?" Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko: disappointment ba o relief. "Oo! Kaya tumayo ka riyan." Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa ko. Kaya kaagad akong umupo nang ayos. Mas gugustuhin ko pa yatang lamunin na ako ng lupa nang buhay kaysa tingnan siya sa mga mata. Bakit ka kasi tumuwad na lang bigla sa harap niya? Kinuha naman kaagad niya ang susi ng handcuff na nakasabit sa baywang niya at inalis pagkakaposas sa kamay ko. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Hinimas ko na lang ang palapulsuhan ko dahil medyo masaki at para na rin doon mapunta ang atensyon ko. "Hindi ako katulad ng ibang pulis tulad ng iniisip mo," sabi niya. Akala ko noong una, hilig niya lang magpakasasa sa katawan ng tulad kong babae. Pero mali ang akala ko. May mga pulis pa rin pala na ganito mag-isip sa panahon ngayon? Hindi isanaalang-alang ang trabaho nila para lang sa mga bagay na magkapagpapasarap sa kanila. Matapos niyang alisin ang posas sa kamay ko ay muli siyang sumakay sa driver's seat at nagmaneho. Parang gusto kong tumakas noong mga oras na iyon, buksan itong pinto at tumalon sa sasakyan. Pero iniisip ko pa lang na gagawin ko ang bagay na iyon, hindi ko ma-imagine ang sarili kong magkalasog-lasog ang katawan dahil lamang tumalon ako habang umaandar ang sasakyan na ito. "Suotin mo na 'yan?" tukoy niya sa leather-jacket. "H'wag kang mag-alala. Kung may balak ako sa 'yo, malamang nasa liblib na lugar tayo at wala sa high-way." Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Kung talagang kanina pa niya ako gustong patayin, sana ay nasa masukal na gubat kami o kaya naman ay bakanteng lote. Pero hindi, tinatahak ng sasakyan ang mailaw na daan at maraming taong dumaraan. Doon ko napagtanto na kahit papaano'y dapat ko pa rin siyang pagkatiwalaan. "Salamat," sabi ko. Inabot ko ang leather-jacket na inaalok niya kanina pa at sinuot iyon. Kahit paano'y nabawasan ang ginaw na nararamdaman ko. Ipinatong ko muna sa katabing upuan ang sapatos na kanina ko pang hawak. Hindi ko iyon binibitawan kahit nakaposas ako. "Bakit ba hindi mo mabitawan ang high-heels na 'yan?" sita niya nang mapansin ang sapatos ko. Nakatingin lang siya sa akin sa rear-view mirror habang kausap ako. "Mahal kaya 'yan. Pinagtrabahuhan ko ang pambili ko sa sapatos na 'yan," sabi ko. "Sa paanong paraan mo 'yan pinagtrabahuhan?" Hindi ko alam kung nang-aasar lang siya sa akin o genuine ang tanong niya. "Seryoso ka ba?" Nagkibit-balikat siya. "Honestly, I don't know you nor your passed, kaya tinatanong ko kung paano mo pinagtrabahuhan ang pambili ng sapatos na 'yan. Malay ko ba kung dati kang construction worker o tindera." Sa ganda at sexy kong ito, gagawin pa niya akong construction worker? Bigla tuloy akong napaisip kung dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan. Iyong pag-i-interrogate niya, parang wala na sa lugar. "Nang-aasar ka, 'no?" "Nope." "Sampung taon na akong entertainer sa bar. Simula nang maulila ako, iyon na ang naging trabaho ko. Kaya itong sapatos na sinasabi mo, pinagpaguran ko 'to sa pagbebenta ko ng. . ." Itutuloy ko ba? ". . . katawan." Nagawa kong bigkasin ang huling salita na naisip ko pero pabulong na sa pagkakataong 'yon. Ang akala ko, tatawanan niya ako matapos ang aking sinabi pero saglit niya lang akong tiningnan sa rear-view mirror bago muling nag-focus sa pagmamaneho. "Saan ka nga pala nakatira?" tanong niya. "Ha?" Bakit niya tinatanong iyon? "Ihahatid na kita sa inyo." Akala ko ba, sa presinto ang diretso namin? Bakit bigla siyang nagpresintang ihatid ako pauwi. Pabor naman sa akin ang bagay na iyon pero hindi niya ba talaga ako huhulihin o ikukulong? Hindi ba, iyon ang trabaho niya? Pero hindi, mas gusto kong magpalipas ng gabi sa apartment ko kaysa sa kulungan. "Diyan lang. Malapit lang dito ang apartment ko," saad ko bago pa magbago ang isip niya. "Okay." simpleng sagot niya. "Kenzo Pineda nga pala, just let me know if you need me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD