CHAPTER 2 - ATHENA VELASQUEZ

2080 Words
"Good morning, cute!" nakangiting bati nung lalaking sumundo kay Hyacinth, ang bago kong classmate. First day ng klase ngayon. First year High School kami ni Hyacinth. Pero itong lalaking to ay parang higher year sa amin. "Huy, Jett... huwag mo ngang takutin si Athena!" saway sa kanya ni Hyacinth. "Takutin? Mukha bang nakakatakot itong mukhang ito ha, Hyacinth? Ang guwapo ko nga di ba, Athena cute?" baling niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung papatulan ko ang pagbibiro niya, kaya tipid na lang akong ngumiti. "Jett!" Sabay-sabay kaming lumingon sa tumawag. Pero sa aming tatlo, ako lang ang nagulat. Paano ba naman, iyong lalaking tumawag kay Jett ay carbon copy niya. Kambal sila? "Cute, alam kong magkamukha kami, pero dapat ako lang ang guwapo sa paningin mo," sabi ni Jett sa akin. "Huh?" "Ang cute mo talaga..." sabi ni Jett, sabay pisil sa isang pisngi ko. "Kaya naman pala... Pinasundo ko lang si Blaire sa 'yo, hindi na kayo nakarating dun," masungit na sabi naman nung kamukha ni Jett. Galit ba siya? Binalingan ni Jett si Hyacinth. "Hyacinth, bakit ba ganito itong future boyfriend mo? Gusto niya, siya lang ang masaya!" Biglang namilog ang mga mata ni Hyacinth kay Jett. "Huy, Jett!" saway nito kay Jett, pero tinawanan lang siya ni Jett. "Tara na, Blaire. Uwi na tayo," sabad nung kamukha ni Jett, sabay kuha sa gamit ni Hyacinth. Nagtataka man ako kung kaano-ano ni Hyacinth ang dalawang ito ay nahihiya naman akong magtanong. Hello! Oras pa lang ang binibilang na magkakilala kami ni Hyacinth, 'noh! "Ay, Athena. Saan ka ba umuuwi?" tanong ni Hyacinth. "Sa Francisco Homes." Sasagot sana si Hyacinth, pero naunahan siyang sumagot ni Jett. "Tamang-tama. I-drop by ka na namin dun. On the way naman 'yun pauwi sa amin," sabi niya. Nakita kong bahagyang tinaasan ng kilay si Jett nung kamukha niya, pero binalewala lang ito ni Jett. "Tara na, Athena! Baka magbago pa ang isip ni Jett," natutuwang sabi ni Hyacinth, sabay hatak sa kamay ko. Nakababa na kami sa ground floor. Nasa unahan naming naglalakad ni Hyacinth iyong kambal, nang magsalita si Hyacinth. "Ay, Athena, si Josh nga pala ito. Kakambal ni Jett. Obvious naman, di ba?" sabay tawa ni Hyacinth sa sinabi niya. Tiningnan ko iyong Josh sa unahan, sa pag-aakalang lilingon siya sa akin. Pero ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin nung Josh. Mukhang may pagka-suplado. Samantalang si Jett ay nagpahuli ng lakad, at pumantay sa amin ni Hyacinth. "Saan ka nag-elementary, Athena?" tanong ni Jett sa akin. "Sa Don Antonio kami galing. Bagong lipat lang kami dito,"sagot ko. "Ahh...." sagot lang niya. Nahihiya akong magtanong sa kanila kung saan kami pupunta, kaya nagpatianod na lang ako sa paglalakad nila hanggang sa makarating kami sa parking ng school. "Josh sa harap ka na muna. Mamaya na tayo magpalit," narinig kong sabi ni Jett. "Baby, pasok ka na," sabi ni Josh kay Hyacinth. Baby?? Walang pagrereklamong sumunod naman agad si Hyacinth kay Josh, at umakyat na sa passenger seat. "Sakay na, cute!" sabi naman ni Jett na nasa tabi ko na pala. Agad naman akong sumunod na sumakay. Pagkaupo ko ay sumakay naman si Jett, at naupo sa tabi ko. Magkakatabi kaming tatlo ni Hyacinth sa likod, at nasa unahan iyong Josh na napansin kong kalong ang mga gamit ni Hyacinth. May driver din silang kasama. Ano bang meron talaga kay Hyacinth at doon sa Josh? May relasyon sila? Pero ang babata pa nila. "Magkapitbahay kayo?" Hindi ko na natiis na itanong kay Hyacinth, pero si Jett ang sumagot. "Hindi. Pero same subdivision." "Ah. Okay... Mukhang close na close kasi kayo kay Hyacinth." "Tama ka naman diyan. Saka, baby ni Josh itong si Hyacinth," sagot uli ni Jett. Natigilan ako sa narinig kong sagot ni Jett, at hindi na ako nakaimik pa. "Jett!" may halong inis na tawag ni Josh sa kakambal niya. "Jett...." sabi naman ni Hyacinth, sa tonong sinasaway niya si Jett. Ano ba kasing talagang meron sa dalawa? Parang ang bata pa naman nila para magkaroon ng relasyon? "Ibig kong sabihin Athena, baby pa lang si Hyacinth magkakilala na sila. Kami pala. Kasama pala ako dun," natatawang sabi ni Jett. Mabilis na lumingon si Josh sa gawin namin at saka pinaningkitan niya ng mata si Jett, samantalang hinampas naman ni Hyacinth si Jett sa braso niya. Tumawa nang tumawa si Jett, habang sinasalag ang mga hampas ni Hyacinth. "Inaano ko ba kayong dalawa?" natatawa pa ring sabi niya. Obvious naman na niloloko ni Jett ang kakambal niya at si Hyacinth. Nang tumigil na si Hyacinth sa paghampas sa kanya, ay binalingan ako ni Jett. "Ganito kasi 'yun, cute. Magkakaibigan kasi ang mga parents namin. Sila ang mga close noong mga kabataan pa nila, kaya damay na rin kaming mga anak," paliwanag pa ni Jett. Napatangu-tango na lang ako. "Eh tayo, pwede rin tayong maging close?" nakangiting tanong sa akin ni Jett. "Huh?" "Good morning, boss!" nakangiting bati ni Jett nang ipinatawag ko siya sa opisina ko. I remembered that same smile years ago, nung una ko siyang makilala. No! Bahagya kong ipinilig ang ulo ko, para luminaw ang isip ko at mabura ang mga imaheng doon. Tumuwid ako ng upo sa swivel chair ko, at saka nakahalukipkip na matalim na tiningnan si Jett. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Jett?" mahina pero may gigil na tanong ko sa kanya. Hindi na ako nag-abalang paupuin pa siya. Kanina pa ako nanggigigil na tanungin siya. Sinadya ko lang na palipasin ang ilang oras para pakalmahin ang sarili ko. Kumunot ang noo ni Jett, na tila nag-iisip. "Nag-greet ako sa 'yo, boss. Iyon naman ang dapat kong gawin, di ba boss? Work ethic," kaswal na sagot niya. Mariin akong napapikit. Umagang-umaga, sinisira ng Madrigal na ito ang araw ko. Nagdilat ako ng mga mata, at matamang tumingin kay Jett. "I know... that you know what I am talking about, Mr. Jett Calvin Madrigal. Ano'ng... ginagawa mo... sa kumpanyang ito?" tanong ko uli sa kanya. Nagkibit-balikat muna siya bago sumagot. "Magtatrabaho," cool na cool na sagot niya, kaya nakaramdam ako ng pagkainis. "Are you making a fool out of me, Jett?! Magtatrabaho? That's b*llsh*t! Isang Jett Madrigal, na anak ng may-ari ng tatlong car dealerships sa Pilipinas, magtatrabaho sa isang advertising company?! At ano naman ang malay mo sa advertising?" inis kong sagot sa kanya. "Boss, wala namang batas na nagbabawal na magtrabaho o mamasukan ang isang tao, kung meron silang negosyo o kumpanyang pag-aari, di ba?" Tumaas pa ang isang sulok ng bibig niya, pagkasabi niya nun. "Pinipilosopo mo ba ako?" pagtataray ko sa kanya. "I am just stating a fact," cool pa rin na sagot niya. Hindi ba niya alam na habang nagpapakita siya ng pagiging kalmado niya, ay lalo namang nag-iinit ang ulo ko sa kanya? "Please do resign, Jett. As early as today," utos ko sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha na nakatingin lang siya sa akin. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na ito para dagdagan pa ang paghikayat ko sa kanya. "Just go to HR Department, and tell Agnes. Tell her also na okay na sa akin. Wala na tayong pag-uusapan pa, Jett. Wala akong ire-require sa iyo. Hindi mo kakailanganing pang mag-turn-over ng trabaho. Wala. Just go and leave this company." Mataman pa ring nakatingin lang sa akin si Jett. Nung una ay nakipaglabanan ako ng tingin sa kanya. Pero nang tumagal na ay hindi ko na kinaya pa ang makipagtagisan ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay unti-unting bumabagsak ang depensa ko, at pakiramdam ko ay para akong matutunaw sa titig niya. Pinutol ko ang titig ko sa kanya. Dinampot ko ang sign pen na nasa ibabaw ng mesa ko, at naghanap ng kung anumang pwedeng gamitin sa mesa ko, para kunwari ay may kailangan akong pirmahan. "Alam mo ba boss na bawal iyang ginagawa mo? Forcing me to resign? Pwede akong magreklamo sa Deaprtment of Labor niyan." What the... "Also, I think it's up to me to decide where I will be happy." Bigla akong natigil sa ginagawa ko. Where I will be happy? Is he pertaining to this company? Pero, bakit? Sa ano'ng dahilan? Biglang parang nabawasan ang inis na nararamdaman ko kani-kanina lang sa sinabi ni Jett. Pakiramdam ko ay may nasaling siya sa akin, dahilan para lumambot ako kay Jett. Pero hindi pwede, Athena! Don't let your guards down! Muli akong napatingin kay Jett. Nakatingin pa rin pala sa akin si Jett sa ganoon pa ring intensidad. Marahan akong tumayo mula sa upuan ko, at saka naglakad papunta sa kinatatayuan ni Jett. Tumigil ako sa harapan niya. "You think this company will make you happy? Nag-iisip ka ba ng tama, Jett?" may pagkasarkastiko kong tanong. "Why not, boss?" seryosong sagot ni Jett, habang nakatitig sa mukha ko. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Ayokong ipakita kay Jett na may epekto pa siya sa akin. Oops, Athena! I think you need to re-phrase your sentence. May epekto is an understatement. Mas tamang sabihin na may malaking epekto siya sa iyo. Of course not! Pasimple akong nagbuga ng hangin. I mean... sige. May epekto nga. Pero epekto na hindi tungkol sa pag-ibig ito. Epekto ng sobrang inis ko sa kanya. Pakiramdam ko nga, konting-konti na lang, at sasabog na ako sa lalaking ito! Sa pagkakatingin ko ngayon kay Jett, hindi ko napigilang bumalik uli ang mga alaala. Ang galit na kinimkim ko sa dibdib ko nang ilang taon. Naikuyom ko ang kanang palad ko. "You know what, Mr. Madrigal?" "Yes, boss?" Bahagya pa itong ngumiti, na para bang ipinagbubunyi niya ang isang pagkapanalo. Ganun ang itsura niya. "Ang kapal-kapal ng mukha mong magpakita sa akin! After what you've done in the past? Eto ka ngayon? Nasa harapan ko, para sabihing nag-apply ka bilang assistant ko? That's bullshit!" galit na galit na sabi ko. Buti na lang at soundproof ang kuwarto ko, kaya hindi kami naririnig sa labas. Huminga muna ito nang malalim, at saka nagsalita. "In the first place, Ms. Velasquez... when I applied in this company, I have no slight idea na ikaw ang magiging boss ko. So, alisin mo sa isip mo, na ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa kumpanyang ito ngayon." Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. The nerve of this jerk! Alam kong nagsisinungaling lang siya! Really, Athena? O nasaling ni Jett ang ego mo? Hindi mo matanggap na hindi ikaw ang reason kung bakit siya nandito ngayon sa kumpanyang ito. Ngumiti ako ng peke kay Jett. Hindi ako magpapadaig sa kanya. HIndi na ako si Athena na iyakin noon. "Is that so, Mr. Madrigal?" "Yes, boss," seryosong sagot naman niya. "So, ngayong nalaman mo na... that I will be your boss, you might want to consider tendering your resignation immediately?" Ngumisi ako sa kanya, baka sakaling mainis siya sa mukha ko ngayon, at makumbinsi ko siya to resign. "And why would I do that?" Nagulat ako sa isinagot niya. Bahagya pang nakataas ang isang kilay niya na tila kinukuwestiyon ang sinabi ko sa kanya. Konting-konti na lang talaga sa akin itong lalaking 'to. Humugot ako nang malalim na hininga. Kalma, Athena.. kalma... "Why? Because you're my ex-boyfriend. Oh, wait. Let me re-phrase it. Because you're my psychotic, inhuman, horrible, worst, evil ex-boyfriend! At hindi ako komportableng ka-trabaho ka dito sa kumpanyang ito. And worst, bilang assistant ko! Period!" inis na inis na sabi ko. Nakita kong mapamaang si Jett sa sinabi ko, pero bigla din itong napalitan ng ngiti. I can not believe it! Nginitian niya lang iyong mga sinabi ko??? This... this monster! "Come on, Athena... oh! I mean, boss.... or Ms. Velasquez? Just forget the past. I can see now that you're still affected. Move on! Let's leave those feelings behind. Work lang tayo dito," kaswal na sabi ni Jett. "Hah! Move on? And yet, up to this day, I have no idea why you broke up with me in the past? You dropped me then like a hot potato, fyi lang ha..." kunot-noong tanong ko sa kanya. Nakita ko na tila nag-alanganin siya sa isasagot niya pero bigla rin itong nakabawi. "Boss... fyi din. Didn't you know, that people just fall out of love because they let it happen?” Napatanga na lang ako sa sinabi niya, pero hindi ko ipinahalata. Instead, pinaningkitan ko ito ng mga mata. Anyway, I am his boss! At gagawin ko ang lahat, mapaalis ko lang siya dito sa kumpanyang ito! By hook or by crook! ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD