CHAPTER 1 - JETT CALVIN MADRIGAL

2099 Words
"Welcome to the club!" masayang bati ko kay Hyacinth, ang bestfriend ko. It's her eighteenth birthday today at napakagarbo ng celebration kumpara noong debut ko. Naalala ko nung araw ng debut ko, dalawa lang kami ni Mama na nag-celebrate. Bumili lang siya ng pancit canton, fried chicken, at saka ice cream pagkagaling niya sa trabaho. Ang gusto nga ni Mama ay ipaghanda ako, at mag-imbita ako ng mga bisita. Pero ako na rin ang kumontra. Wala naman kasi akong mga kaibigan na maiimbitahan. Wala naman akong ibang naging kaibigan kung hindi si Hyacinth lang. Si Hyacinth lang ang nagtiyagang makipag-kaibigan sa isang tulad ko, na isang ordinaryong babae sa school. Hindi naman ako nagrereklamo, pero nakikita ko ngayon ang kaibahan sa birthday celebration ni Hyacinth. Hindi rin naman ako naiinggit sa kanya. Deserve naman niya ang ganito kagandang selebrasyon. May kaya naman ang mga magulang niya, samantalang kami ay sapat-sapat lang. "I know right!" sagot naman ni Hyacinth, habang malapad ang ngiti. Ikaw ba naman ang prinsesa at nag-iisang anak na babae ng isang kilalang negosyante na si Adam Zuniga. Magkahawak ang mga kamay naming dalawa. Tapos na ang program proper at nagkakasayahan na sa dance floor ang mga bisita. "Grabe, Athena! Ang saya-saya ko!!!" impit na sigaw niya. True! Kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan. "Dahil ba 'yan sa expected na unexpected na last dance mo?" nakangiting tanong ko, pertaining sa love of her life na si Josh Cedric Madrigal. "Ano pa bang mahihiling mo kung natupad ang hiling mo? Hay...." sabi pa niya na parang nagdi-daydream. Natatawang nailing ako. Masaya ako para kay Hyacinth. "Wait! Nagtapat na ba si Josh sa 'yo?" curious na tanong ko sa kanya. Bigla itong natigilan. "Ummm... parang oo na parang hindi? Ewan ko, Athena! Sabog ako kanina. Hindi masyadong nagsi-sink in sa utak ko 'yung mga nangyayari, saka 'yung mga sinasabi niya sa akin! Mamaya ko pa siguro mare-realize kung ano talaga ang nangyari. Basta sa ngayon.... masayang-masaya ako!" kinikilig na sagot niya. "Wait," biglang sabi niya, at saka nagpalinga-linga. "Asan pala si Jett? Nakakapagtaka. Hindi siya nakabakod sa 'yo? Eh, para kayong kambal-tuko nung lalaking yun!" sabi pa niya. "Ummm?" Nagpalinga-linga rin ako. Actually, one week na akong may napapansin kay Jett, ang identical twin ng super crush ni Hyacinth na si Josh. "Baka nag-CR lang 'yun. Andiyan lang din 'yun sa tabi-tabi. Mamaya lang andito na 'yun," sagot ko na lang kay Hyacinth, para may maisagot lang ako sa kanya. "Wala pa tayong picture na tatlo! Kainis naman... saan ba kasi nagpunta 'yun?" pagrereklamo ni Hyacinth . "Buti pa, tayong dalawa muna ang mag-picture, tapos hahanapin ko si Jett para sa picture nating tatlo. Tapos, tawagin naman natin si Josh para foursome picture tayo," suggestion ko pa kay Hyacinth. "Sige, tara!" Hindi ko na mabilang kung ilang shots at posing ang ginawa namin ni Hyacinth, bago niya naisip na ipahanap na sa akin si Jett. "Huy, tama na. Masyado tayong nasiyahan. Hanapin mo na si Jett para hindi ka masyadong gabihin. Baka magalit sa akin si Tita," tukoy ni Hyacinth sa Mama ko. "Ikaw kasi. Masyado mo akong na-miss," natatawa kong sagot sa kanya. "Wait. Hanapin ko na 'yung kambal para isang hanapan na lang. Huwag kang lalayo!" bilin ko pa kay Hyacinth, bago ako umalis sa tabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan hahanapin si Jett. Sabay nga kaming dumating dito sa venue, pero pagka-upo ko ay iniwan na niya ako. Bumalik lang uli siya nung nag-announce na ng dinner tapos ay umalis uli pagkakain. Nung sinundo niya naman ako sa bahay ay tahimik din si Jett sa loob ng sasakyan. Pinilit ko na lang magkuwento. Naiilang kasi ako sa katahimikan niya. Siguro, kailangan na naming mag-usap ngayon. Kung ano man ang problema ay maayos na namin hanggang maaga pa. Halos naikot ko na ang mga mesa, pero hindi ko nakita roon si Jett. Inilabas ko ang phone ko, at saka lakas-loob ko siyang tinext. Pagka-send ko sa message ko, napagpasyahan kong lumabas doon sa venue. May nakita ako kaninang mini garden doon sa may gilid. Although may kalabuan na magpupunta doon si Jett ay sinubukan ko pa rin. Madilim doon, at baka mamaya ay malamok pa. Nang palapit na ako sa mini garden ay may naaninag akong dalawang bulto. Parang nag-uusap ang mga ito. O nag-aaway? Napahinto ako, at medyo pilit inaninag iyong dalawang tao doon. Tutuloy ba ako? Bahala na. Titingnan ko lang talaga kung wala roon si Jett. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ako masyadong nag-focus sa kanila, at baka sabihing tsismosa pa ako. Pero nang malapit na ako sa kinatatayuan nung dalawang nilalang ay nakita kong biglang kinabig palapit nung lalaki iyong babae. Sa pagkakatingin kong iyon sa dalawa ay bigla akong kinabahan. Para kasing pamilyar iyong bulto ng lalaki. Naglakad pa ako palapit. This time ay hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila, habang magkayakap sila at naghahalikan. Habang palapit nang palapit ay palakas nang palakas ang t***k ng puso ko. Hanggang sa ilang hakbang na lang ako sa kanila. Ayaw ko mang i-confirm pero kusang lumabas sa lalamunan ko ang pangalan niya. "J-Jett?" Nag-angat ito ng tingin sa akin. Kitang-kita ko ang mukha niya kahit na iyong konting liwanag lang galing sa mga post lights mula sa di kalayuan sa kinatatayuan namin. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam na alam kong si Jett siya, at hindi si Josh. Identical man sila, pero merong feature ang mukha ni Jett na malalaman mong siya si Jett. Nakatingin lang si Jett sa akin. Walang expresyon sa mukha. Ni walang pagsisisi. Walang bahid ng guilt. Isa-isa nang nagbagsakan ang mga luha ko. Ni hindi man lang niya ako nilapitan. Ni wala akong narinig na sorry mula sa kanya. Ganun lang 'yun? Parang sasabog na ang dibdib ko, kaya tumalikod na ako at saka halos lakad-takbo na lumayo doon. Nakarating ako sa lobby ng venue. Pinili ko ang isang medyo tagong upuan sa may sulok. Ayoko rin namang makaagaw ng atensiyon sa mga taong naroroon. Tahimik lang akong umiyak. Pilit kong ipinakayuko-yuko ang ulo ko. Mayamaya ay may naramdaman akong umupo sa tapat ko. "Athena, come. I'll take you home." Nag-angat ako ng mukha. "Josh?" Kahit na nanlalabo na ang paningin ko sa mga luha, alam kong si Josh ang nakatayo ngayon sa harapan ko, "Tara na," sabi niya, at saka ako inalalayang tumayo. Nagpatianod na lang ako. Hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Sa biyahe namin ay walang umiimik sa aming dalawa. Panay lang ang sulyap niya sa akin paminsan-minsan. Nang huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay namin, nagpasalamat lang ako sa kanya bago bumaba ng sasakyan niya. Halos hindi nga dumaan sa lalamunan ko ang sinabi ko. Hinintay lang niya ako na makapasok ng gate namin, at saka umalis na rin. Mula nung gabing iyon, wala na akong narinig pa mula kay Jett. [Athena] "For goodness sake, Agnes! Anong ginagawa ng lalaking iyon dito?!" Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng swivel chair ko, habang inis akong nakatingin kay Agnes. Hindi nagkakalayo ang edad namin ni Agnes Soriano, ang HR Manager ng kumpanyang ito, ang Strategy, Inc.. Halos sabay din kaming pumasok dito. Iyon nga lang ako, self-appointed ako ng may-ari ng kumpanya. Isa pa, si Agnes lang ang nakakatagal sa kasungitan ko. At dahil halos magka-edad lang kami, kaya first name basis ang tawagan naming dalawa. "Nakikinig ka ba, Athena? Kakasabi ko lang kanina. Siya ang Assistant mo. Wala kasing tumatagal sa iyo na assistant na babae, so this time, kumuha ako ng lalaki. Baka sakaling tumagal sa kasungitan mo. And besides, wala ka namang sinabi sa akin na hindi pwede ang lalaking assistant. Huwag ka nang choosy. Hindi ka na lugi kay Jett Madrigal. Ang yummy kaya," nakangiti pang sagot ni Agnes. Dalawa na lang kami ngayon sa kuwarto ko. Pinalabas ko muna si Jett para makausap ko nang solo itong magaling naming HR Manager. Nakatayo lang ito sa harap ng mesa ko. Hindi ko na rin siya magawang ayaing maupo dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na itinama ang akala ni Agnes na ayaw ko sa lalaking assistant. Hindi ko masabi nang deretsa sa kanya na ayaw ko mismo sa lalaking 'yun! Kay Jett Calvin Madrigal! Ang first boyfriend ko, at first heartbreak ko. Napailing ako. Hindi ba niya kilala ang mga Madrigal? Especially Josh and Jett Madrigal? Hindi ba niya nakita ang credentials n Jett? He's super, over qualified for the position, in the first place! Paano'ng nangyari na naging Assistant ko siya? Mariin akong pumikit. Pilit kong kinokontrol ang nagising na galit sa dibdib ko. Ilang beses akong nag-inhale at exhale, para pakalmahin ang sarili ko. Mayamaya ay nagdilat na ako ng mga mata ko. "Agnes. Please do something. Humanap ka ng ibang assistant. Sige. A male assistant will do, but not Jett Madrigal. Kahit sinong may magandang credentials, except him." Walang reaksiyon si Agnes sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin. "Athena?" Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Marahas akong dumukwang sa mesa ko. "In other words, ayaw ko sa kanya! Iterminate mo na! ASAP!" utos ko kay Agnes. May karapatan naman akong mag-demand. After all, I am the Marketing Head of this company. This time, naupo na si Athena sa isa sa mga upuan na nasa harap ng mesa ko. "I think that's not possible. Pumirma na siya ng contract sa atin. Gusto mong mareklamo tayo sa DOLE?" kalmadong sabi ni Agnes. Nasapo ko na lang ang ulo ko. Pumikit ako, at saka sumandal uli sa sandalan ng swivel chair ko. "Ilipat mo siya sa ibang department," suggestion ko, habang nakapikit pa rin. "Ha? Wala namang vacant position sa ibang department. Ito lang department mo ang may kailangan ng tao," sagot niya. "Aarrrrgghhhh!" Hindi ko pa rin magawang dumilat. Hindi ko rin mapigilang hindi manggigil sa inis. Dumilat ako, at saka hinarap si Agnes. "Bakit naman kasi hindi mo ako tinanong, Agnes? O kaya, sinabihan mo muna ako kung sino ang nakuha mong assistant ko," pigil ang inis na tanong ko kay Agnes. Pinipilit kong maging kalmado ang pakikipag-usap kay Agnes. In the first place, hindi naman talaga sa kanya ako naiinis. Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon. Ganunpaman, kalmado lang si Agnes sa kabila ng pagsusungit ko sa kanya. "Oy, Athena. Ang sabi mo sa akin, ako nang bahalang pumili. Ang sabi mo pa, ang importante, pagdating ng May 16, may assistant ka na. Kasi kailangan mong matapos iyong Lingap Pag-ibig campaign mo, dahil gahol ka na sa oras. Those were your exact words. May I remind you..." Napasubsob ako sa mesa ko, nang maalala ko iyong project ko with the Department of Tourism. Kailangan ko na talagang tapusin ang Lingap Pag-ibig Campaign. Kailangang may mapatunayan ako kay Don Arnulfo, para sa akin mapunta nang buong-buo ang Strategy, Inc., ang advertising company na ito. Pero hindi ko iyon kakayanin kung mag-isa lang ako. Naka-ilang assistants na rin ako. But sad to say, they are all sensitive. Masigawan mo lang nang konti, nagre-resign na agad! I do not need those kind of people in my team. Tumingin ako sa nakasaradong pintuan ng kuwarto ko, na para bang tumatagos ang tingin ko dito, at nakikita ko si Jett sa labas sa upuan niya. Na-imagine ko iyong mukha niya. Defined cheekbones, concrete jaw, broad shoulders, masculine na masculine ang tindig. Athena, stop!!! Huminga ako nang malalim. "Okay, I concede." "Hay salamat naman... kanina pa ako nag-iisip kung paano kita mapapakiusapan kay Jett," sabi ni Agnes, na may kasama pang pagbuga ng hangin na para bang kanina pa niya pinipigilang huminga. Hindi ko tuloy napigilang mag-react. Pinaikot ko ang mga mata ko. And why do I have this feeling na sinadyang mag-apply ni Jett dito bilang assistant ko? "Well, I guess... sa ngayon... wala akong magagawa para dispatsahin si Jett." "Wala talaga," sang-ayon pa ni Agnes. "Sa ngayon." This time, tumirik naman ang mga mata ni Agnes sa sinabi ko. "Okay na ba? Pwede na akong bumalik sa mesa ko?" "Sige na, Agnes." Tumayo na si Agnes, at naglakad na papunta sa direksiyon ng pintuan ko. Pansamantala, I will take advantage of the situation. Gagamitin ko muna ang kakayahan ni Jett sa project ko, habang nag-iisip ako kung paano ko siya mapapaalis dito sa Strategy, Inc. Kung anuman ang dahilan ni Jett sa pagpasok niya dito, sinisiguro kong hindi ako maaapektuhan nun. Sisiguraduhin kong ilang buwan lang ang bibilangin ko para maging akin ang kumpanyang ito. At kapag napasaakin na nang tuluyan itong Strategy, Inc., patatalsikin na kita dito, Jett Calvin Madrigal! . ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD