Gilbert(POV) Walang kamatayang harana. ‘Yan na naman ang naiisip ko para mapasaya si Maine. Alam kong sirang plaka na ako pero gusto ko pa ring gawin. Pinaplano na namin nina Kenneth at King ang mga mangyayari. Buong period, nagpapalitan kami ng text sa cellphone. Mangyayari ang harana sa bahay nina Maine. Tamang-tama at narinig ko galing kay Jynx Carol na pupunta silang apat sa bahay ni Maine. Asar na asar pa siya sa amin kasi ginagawa raw namin siyang intel. Buong araw kong iniiwasan si Maine para hindi siya makahalata. Bigla namang tumawag sa akin si Carol. “Hoy, Gilbert! Punyeta ka. Ang trabaho ko lang e para magbalita sa inyo, hindi na para mag-comfort ng boyfriend mo. Umiiyak siya ngayon dahil sa kakaiwas mo.” “Jynx, kakausapin ko.” “Mabuti pa.” Mukhang inabot niya na ang phon

