Gilbert(POV) Ako ang naging chaperon ng dalawang bulinggit na ‘to. Hindi kasi puwede si Philip dahil nilalagnat. Pinaubaya niya muna si Benedict sa akin. Kinupal din ako ng ate ni Janina kaya wala na akong magawa. Wala rin si Maine dahil nasa Singapore siya ngayon. Narito kami sa Megamall ngayon at dito kasi magde-date ang dalawa. Nakakainggit man pero okay lang ako. Babalik at babalik din naman si Maine. Habang kumakain kami, nagtatanong na rin ang dalawa sa akin. Gusto kasi nilang matutunan ang tungkol sa relasyon ng mga katulad namin ni Maine. Curious ang dalawa, at alam na alam ko naman ang mga isasagot. “Kuya, paano ba kayo nagkakilala ni Kuya Maine?” Kinuwento ko ang buong pangyayari. Magkaeskuwela kaming dalawa sa Don Bosco noon. May reputasyon si Maine sa pagiging anak ng mily

