Nalaglag Ang Picture Frame.

1947 Words

Gilbert (POV) Maganda sa UP. Ang problema ko lang siguro e masyadong malawak. Pero dahil mahilig akong maglakad, puwede kong ikutin ang buong campus para mawala ang stress sa katawan ko. Mapuno pa at magkakaiba ng tangkad. Mapamaliit o mapamalaki, lahat halos ng familiar na halaman sa akin, narito na. May nakita pa nga akong malunggay. Gusto ko sanang kumuha kaso kinurot ako ni Maine sa tagiliran. “Cute naman. Libreng malunggay din ‘yon.” “Sira ka talaga, Chonggo. Hindi mo siguro nakita ang signage na bawal pumitas ng tangkay doon.” “Sige na, hindi na ako magkukulit.” “Mabuti pa. Akala ko naman kasi sa saging lang mahihilig ang mga unggoy na katulad mo.” “Ikaw rin naman, ha.” Kinurot niya na naman ako. Tinawag pa akong manyak at walanghiya, pero humagikgik din naman siya pagkatapos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD