Maine (POV) Carpe diem. Baka ako ang nahuli. Ayaw kong sirain ang gising ko pero hinding-hindi makakalimutan ang panaginip ko. Nakita ko si Gilbert sa Glorietta na kasama si Charee. Nagpapalitan sila ng tamis sa bawat tingin. That feeling na parang nasagasaan ako nang hindi ko man lang nakita kung sino ang bubunggo sa akin. Walang makakaalam; kahit ako pa. Kahit nakikita ko ang sarili na sinusubukang hayaan na mangyari ang lahat para sa aming dalawa ni Gilbert, hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka maulit ang dati. Nanginig ako sa takot. Tumutulo ang pawis ko kahit naka-todo na ang AC. Nakatulala ako sa isang banda kung saan nakikita ko si Gilbert na nakangiti sa akin. Isang katok ang bumulaga sa akin. And then Kuya Rodney calls. "Hello, Maine!" si kuya Rodney lang pala! "O, kuya, b

