EPISODE 4

1869 Words
     Habang lulan sya ng eroplano papuntang manila ay naalala nya ang kanyang kapatid malapit na nga pala mag birthday ito.       Augost 09,2012 isang buwan nalang pala mag debut na ang kapatid nya. Ulila na sila magkapatid sa ama at nag asawa muli ang kanyang ina dalawa lang silang magkapatid.Swerte naman mabait ang napangasawa nito at may kaya din sa buhay may sariling hacienda matandang binata ito at nagkaanak sila ng isa lalaki.Sa ngayon ay doon nakatira ang kapatid nya magkakasundo naman sila pati ang kapatid nya sa ama.       Naputol ang kanyang pagmumulay mulay ng mag announce ang stewardist na lalapag na eroplanong sinasaksakyan nila. Ilang minuto matapos malapag ito isa isa ng nagsisilabasan ang mga pasahero at sumunod narin sya. Matapos makuha ang bagahe diretso na syang lumabas at naghanap ng sasakyan pauwe ng apartment nya sa Bicutan.Nagsisi pa sya ng kung bakit di nya sinubukan tawagan si Alex dahil sobrang traffic,di nya napigilang mainis maalala nya madadaanan nga lang pala nya apartment nito dali dali nyang sinabihan ang driver kung saan sya baba. At tinawagan nya si Alex. Di naman sya bigo dahil dalawang ring lang sa cellphone ay sumagot na.          " Nasan ka tol, papunta ko sa apartment mo traffic eh, pwede ba dyan na muna ko tumuloy."walang preno nyang sabi.        " Naku dito pa ako office may nirarash ako, pero kung gusto mo tumuloy ka nalang dun alam mo naman yun sisi ko diba?       Konti nalang ito uuwi na rin ako kelangan kasi to saturday pa naman bukas."sagot nito.      " Ok sige, bili ka makain ha wala ako dala eh!" biro nya dito.      " Ok sige, ako na bahala, sige na ng makatapos na ko hintayin mo nalang ako dyan."Halatang nag-aapura na ito. Maya-maya ay huminto na ang taxi sabi ng driver nandun na daw sya. Sumilip muna sya at ng makita ang stracturang madalas nyang babaan kapag nagpupunta sya ay nagbayad na sya sa driver at bumaba ng sasakyan. Pumasok sya sa isang eskenita medyo alangan sya palinga linga dahil alam nya baguhan sya at madaling araw na isa pa Paranaque lugar ito ng mga halang din ang kaluluwa. Ilang hakbang lang at nandun na sya sa harap ng bahay ni Alex dali dali nya kinapa ang lalagyan ng susi ni Alex at tyempo naman agad nya nakapa ito, mabilis nya nabuksan ang pinto at pumasok sya agad at sinara ang pinto. Binaba nya ang mga daladala at kinapa nag ilaw, binuksan nya ang ilaw at ng magliwanag ay inilibot nya ang paningin, wala pa ring nagbago sa bahay nito maayos maliban sa isang maliit na flat screen t.v. at isang sofa maliit. Napaka sinop sa bahay ni Alex daig pa ang babae, yon nga lang mainit ginala nya ang kanyang mata at nakita nyang may aircon na rin pala ito.In on nya ito, inayos nya ang kanyang mga dala sa sofa at naupo sinindihan nya ang t.v. mga kalahating oras syang nanonood ng marinig nyang may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay ni Alex. At maya maya ay may kumatok.      " Nah!" tawag nito sa kanya. Saka palang sya tumayo at pinag buksan ito.      " Hay sa wakas umuwe din ang tatay ko." bungad nyang biro dito.       " Musta Davao?" bungad nito sabay diretsong pasok sa maliit na kusina. Sya na may bumalik sa pagkaka upo at panood ng t.v.        " Ayon successful naman. Napa aga nga uwe ko kasi yon isang ka meeting ko sana,dito nalang daw sa manila." paliwanag nya.       Lumapit ito sa kanya at naupo din.        "Ahmm, buti naman. Ano gusto mo na kumain?" tanong nito sa kanya.       "Maya pa, musta kana ang tagal na'ting nagkwentuhan eh. At mukha ngang ang tagal na nila di nagkasama sa cellphone lang sila nag uusap di tulad ng mga kaibigan nyang babae lalo na si Crissa madalas sila mag usap nito kaya halos lahat ng detalye ng buhay nya ay nalalaman nito. Si Alex, eto malaki pinagbago, gumanda pangangatawan in short nag matured ang itsura lalo gumuwapo naging matipuno ang katawan.       My god, ganun na ba katagal di nya nayayakap ang best friend nya. Ganun kasi sila para mag boyfriend minsan aso'tpusa din.        " You look good now, tol mukhang inlove ka?" sabay tawa nakipag kaladyaan dito.         " Oo tol, papakilala ko sya sayo kapag nagpunta tayo sa engagement nun dalawa sasama ko sya. O ikaw wala ka ba balak isama yang Jhay na yan." tanong nito sa kanya. Sa narinig ni Nina ewan ba nya bakit parang may kumirot sa dibdib nya na hindi nya maintindihan. Di nalang sya nagpahalata at pinakitang masaya pa sya para sa kaibigan.      " O talaga papakilala mo? Naku di ko pa nga nakaka usap si Jhay yaan mo kakausapin ko sya para naman magkilala na mga magkukumpare.        Si Alex man ay ganun ang naramdaman sa kanya di sila pareho nagpahalata.       "Ok yan!" at tumayo na ito at nagpunta sa banyo para maligo. Maligo muna ko ha, bago tayo kumain.Sabi pa nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa banyo.     Parang may anong gamot na nainom si Nina bakit sa ganun kabilis na oras ay nahulog sya sa pagtulog. Trenta minutos natapos naligo si Alex paglabas nya ng banyo nagsalita sya ngunit walang sumasagot sa kanya nilapitan nya ito dahil akala nya nagbibiro lang. Nakalapit sya dito di man lang ito kumilos, tulog na si Nina.        At sa pagkakataong yon natitigan nya ang kaibigan,sa tingin ni Alex ay angel ang nasa harapan nya.Napaka simple nito, ni hindi marunong mag make up natuon ang mata ni Alex sa labi ni Nina para may magneto humihila sa kanya para halikan ito.        Pero pilit pinigil ni Alex ang sarili ang pula ng labi nito animoy wala pang kung sinong labi ang dumampi sa mga labi nya.       Maya maya ay kumilos ito, at dali daling lumayo si Alex para di sya makita titig na titig sya dito. Kunwari ay inaayos nya ang kanilang pagkain.      " O naka tatlong gabi ka na yata. Lika na miryenda tayo ano gusto mo kanin o miryenda nalang." Tanong nya dito. Nagmamaktol na bumangon si Nina sa pagkakahiga.       " Parang wala ako gana kumain,gusto ko matulog nalang umaga na o!" maktol pa nito. Alas dos na nga ng madaling araw.         Nilapitan sya ni Alex,hinipo sa noo.       " Nilalagnat ka eh, ang init mo o." hipo nya sa noo ng kaibigan. Hinipo din ni Nina ang sariling pisngi.        " Kaya pala nakatulog ako agad. Sa byahe siguro, init siguro tapos lamig sa kwarto." At akmang hihiga ulit.         " Oooopppss, kumain ka muna at inom ka ng gamot buti may paracetamol pa ako dyan.bawal pa Alex sa kaibigan. Ngunit tuloy tuloy na nahiga ulit si Nina.              " Halika na." pangungulit nito.                 " Wala nga ako gana." maktol pa nya. Nilapitan sya nito at akmang bubuhatin.        "Halika na sabi." Para silang mga batang ngpipilitan.           " Ayaw ko." At sukat sa sinabi nya binuhat sya nito papunta sa kainan. Nagpupumiglas man sya ay wala sya nagawa nabuhat na sya nito wala sya nagawa kung di kumain, kumain sila ng tahimik. Kaunti lang nga ang nakain nya, dahil masama pakiramdam nya saka nalang sya uminom ng gamot na bigay nito sa kanya.      " Sige matulog kana, wag ka mag aksaya ng panahon na bumangon ng maaga saturday bukas.dun kana sa kama ko at dito ako sa sala." bilin pa nito sa kanya.         " Opo tatay." biro naman nya. At pumasok saglit sa banyo upang maghilamos. Paglabas nya naligpit na lahat ni Alex ang pinag kainan nila styro lang naman kasi kaya tinapon na nya ito lahat. Nasa kwarto ito at kumukuha ng gamit sa pagtulog nakita rin nyan nasa loob na ng kwarto ang dalahin nya. Pumasok din sya at kumuha ng damit pantulog sa bag nya isa lang ang kwarto ng apartment nito tamang tama lang para sa isang tao o kaya naman ay magka relasyon. Bumalik sya sa banyo at nagbihis pagbalik nya nsa sala na ito at nanonood ng t.v. pumasok sya sa kwarto at kinuha ang pasalubong nya para dito.     "O tol,pasalubong ko." sabay abot sa paper bag na may lamang t-shirt na binili nya. Sabay talikod.       "Tnx tol, nag abala kapa." sabay ngiti sa kanya di naman to yon gusto ko pasalubong eh, ikaw. How i really miss you Nina,how can forget you.alam ko may pangako tayo magkakaibigan kaya ayaw ko mangyari to pero di ko mapigil di ko alam gagawin ko. I always miss the way you embrace me even if it is only for a friend..my god Nina how can i..." wika ni Alex na sya lang ang nakakarinig.        "Wala yan, ikaw naman." dinig pa ni Alex na sabi ni Nina na nasa loob ng kwarto. Yun lang at natulog na silang pareho.        Kinabukasan nagising si Alex sa katok ng nasa pintuan mag alas onse na pala ng tanghali.Bumangon sya at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.Nagulat pa sya si Lyndon at si Bryan.       " Brod tanghali na, nakalimot ka sa usapan natin." bungad niBryan at pinansin ng mga ito kung saan sya nakahiga.         " Bat dyan ka nagtyaga matulog, wag mo sabihin pinarentahan mo na rin kwarto mo,sobrang business minded ka single ka palang sobrang payaman na ginagawa mo mahabang biro ni Lyndon sa kanya at nagtawanan pa mga ito bagay na nakapag alala ky Alex at pilit na binawal mag ingay ang dalawa.         "Sssstttt." sabay tutok pa ng daliri sa labi.       Nagtaka si Bryan bakit ganun nalang ang pag alala na magising kung sino man ang nasa kwarto,kaya di sya napigil ni Alex na sumilip sa kwarto. Nakita nya si Nina na himbing pa pagtulog.      " Naku, kaya pala. Nandito ang pinaka mamahal nyang reyna." biro nito sa kanya. Syang lalong alala ni Alex na marinig ni Nina ang sinasabi ng mga ito.Bakit nga ba kasi nakalimutan nyang may usapan nga pala silang tatlo,para sana di nagpunta mga ito dito.        " Ingay mo pare" inis na sabi ni Alex.      " Ano kayo na? naka score na ba." Sunod sunod na tanong ni Lyndon.          " Hindi ano ba!" at namumulang wika nya sa dalawa. Sa kwarto may naulinigan naman na mga boses si Nina kaya bumagon sya upang alamin kung sino mga kausap na iyon ni Alex.        Sumilip sya at nakita nyang si Lyndon at si Bryan ang mga ito. Di alam ni Nina kung lalabas ba sya o mananatili sa loob sa huli nagpasya syang wag na muna lumabas at nakinig nalang sa usapan ng mga ito.  THANK YOU for reading! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD