EPISODE 3

1590 Words
          Nag-aapurang tiningnan ni Alex ang kanyang cellphone, sa isip nya bakit wala man lang mesasge si Nina. Nagulat pa sya ng may makita syang isang unread message mula dito at dali-dali nya itong binuksan. Mag aalas onse na ng gabi nun, at tiningnan nya ang oras ng mensahe ni Nina,!         " Alas tres pa pala ito, sigurado naghihintay ng reply ko yon!" kausap nya ang kanyang sarili.    At tinawagan nga nya ito, naka tatlong dial sya bago ito sumagot.   Pupungas pungas pa ang dalaga ng sagutin ang tawag. Nakita nyang si Alex ang nasa kabilang linya.      " O, bat ngyon ka lang, busy ka yata maghapon TOL.?" sabi nya dito sa mahinang boses dahil antok na antok pa sya alas onse na pala ng gabi ni hindi pa sya naghahapunan.       " Bat ganyan boses mo?" at sabay bukas ni Alex ng video upang makita itsura ng bestfriend nya.    Inopen din naman ng dalaga ang video sa kanyang cellphone.      " Nakatulog na kasi ako." sagot nya.      " Pasensya nagising pa kita!" hingi pasensya ng binata.       " O napatawag ka dis oras na ng gabi naka tulog na pala ako. Tingnan mo alas onse na pala, bakit ngayon ka lang ba nagresponse sakin?"mahabang tanong nya dito.      " Mayron kasi mga bago patakaran kaya nagmeeting kami, dami dayalogo kaya ayon medyo nagtagal kakarating ko lang." tugon naman ni Alex sa dalaga.      " Ganon ba tol?" antok na sabi nya ngunit di naka ligtas kay Alex yon pet name na tinawag nya dito kaya biniro sya ulit.     " Wow, san mo nanaman natutunan yang TOL na yan, antok ka na ba?" Dahil kita nyang pikit ito ulit.      " Oo eh, kung kelan nandito ko saka gustong gusto ko matulog magdamag maghapon." sabay hikab.       " Dinner ka na ba?" tanong nya.     " Di pa nga, nagmiryenda naman ako bago matulog." para na lang di na ito mag alala.     " O sige, sige tulog kana ulit pasensya na sa istorbo ulit." Hinging pasensya nya dito.      " Sige tol, tawag nalang ako bukas!" putol nya sa usapan nila at nag bye na sya dito.     Kinabukasan nagising si Nina sa tunog ng kanyang telepono. Mag alas dyes na ng umaga.Ang boss nya ang nasa kabilang linya.   Ng makita nya dalidali nyang sinagot kahit pikit pa isang mata nya.      "Sir,  good morning po!"bati nya dito.       " O good news for you, uuwe kana dahil si Mr.Tan ng pa schedule na ng meeting for me dito sa Manila. Pero kung gusto mo maglibot dyan okey lang di pa naman kita inaapura. Gusto mo mamayang gabi ka nalang byahe pabalik dito." bungad nito.    Tingin muna sya sa oras bago sumagot.        " No sir ipa book mo nalang ng 7'oclock mag alas onse na ng tanghali kakain lang ako shopping konti diretso nako sa airport para naman maka pahinga ako." Bilin nya sa kanyang boss.        " Masyado ka yata napa sarap na dyan Nina, nakalimutan mo saturday tomorrow and we have no work for two days." natatawang sagot nito sa kanya. Napakamot pa sya ulo sa sinabi ng boss nya.      " Ay oo pala sir." sabay tawa.       " Pero ipa book nyo na po ako ng 7'oclock makauwe ako maaga.       " O sige kung yan gusto mo, message nalang kita kung may reservation kana ha!" Pagwawakas nito sa usapan nila.      " Opo." at naputol na nga usapan nila.   Bagamat antok sinikap nyang bumangon naghanap ng pagkain. Naalala nya bumili nga pala sya ng biscuit kagabi.       " Hay di ako tatagal sa biscuit na to'." Ngumuya lang sya ng ilang piraso at nagpasyang maligo na at sa labas nalang sya kakain.    Nang mayari sya maligo inayos na nya ang kanyang sarili at mga gamit. Bibitbitin na rin nya ng sa gayon diretso na sya sa pag-uwi. Sakto naman nayari nyang iayos ang mga gamit nya ng mareceive syang mensahe mula boss nya at kinumpirma na naka book sya ngayong gabi at 8'oclock ang flight nya. Tulad ng nakagawian nya simpleng pantalon at blouse lang suot nya, minsan asiwa pa nga sya kapag blouse suot nya dahil bakat ang hubog ng katawan nya. Maganda ang hubog ng katawan nya sa edad bente singko ay ni wala syang alam sa bagay na ginagawa ng mga magpartner in short virgin pa kaya lagi syang nakakantyawan kapag magkakasama silang magkakaibigan na babae. Tatanda na daw syang dalaga, oo nga naman sa edad nyang yon ay bilang ang mga naging boyfriend nya, lagi nya kasi sinsabi LOVE NEVER RUNS OUT, kaya di sya nagmamadali para doon at di pa itinakda ng dyos para mag settle down sa lovelife. May mga manliligaw sya pero madalang ang sinasagot nya minsan yon iba sila na mismo ang sumusuko sa kanya. Maganda naman sya,matalino sabi nga nila swerte daw mapangasawa nya yon nga lang manang daw sya.     Pagbaba nya sa lobby ng hotel nag check out na sya agad dahil gutom na gutom na sya alas dose na ni wala pa syang almusal. Swerte naman agad natapos at agad sya nakalabas ng hotel, naka sakay sya ng taxi ng tumunog cellphone nya.    Si Tanie.         " Musta.? bungad nya.        " Excited girl. "tuwang tugon nito sa kanya.        "Ha, excited saan?"tanong nya.       "Engagement party namin ng mahal ko." halos maglulundag pang kwento nito sa kanya.        " Wow, congrats. Kelan? Saan?" sunod-sunod na tanong nya at na excite na rin sya.        " The good news is, tayo lang dun sa rest house nila Lyndon sa Batangas." Swerte rin matuturing si Tanie dahil si Lyndon ay settled na ang buhay may kaya naman kasi pamilya nito. May sarili na din itong fastfood na mina-manage.       " Nxt week girl, sana maka pag leave naman kyo kahit one week lang tayo dun sagot namin lahat." pakiusap ni Tanie sa kanya. Nag-isip sya yon nalang hihilingin  nya sa boss nyang komisyon para sa approval ng business  transact nya kay Mr.Litangco.      " Ah,ok sige magpapaalam ako sa boss ko.How about the other ano sabi nila?" tanong pa nya dito.     " Si Crissa ok na, alam mo naman yon hawak nya oras nya." May sarili kasing botique si Crissa na sya mismo nagpapaTakbo.       " Si Alex, di ako sure dun kasi bago palang sa trabaho nya. Si Joseph ok na rin, si Pam alangan din." paliwanag nito sa kanya.      " So wala na pala kami poproblemahin one week sagot nyo lahat?" tanong nya dito.      " Oo nga, basta sure kayo nandon nasan ka ba ngayon?"tanong naman nito sa kanya.       " Dito ako sa Davao but Im on the way pauwe kakain lang ako tapos diretso airport na, 8'oclock flight ko." paliwanag nya sa kaibigan.       " A ganun ba, ingat ka sa byahe. Pasalubong gusto ko girl yon Pastillas dyan." paglalambing pa nito sa kanya. Pababa na sya ng taxi matapos iabot ang bayad sa driver ay itinutok ulit sa tenga ang cellphone.       " Anong sabi mo, pastillas ba?Wow meron na ba?" excited na tanong nya.        " Delay na ko girl, and I think meron na nga lagi ako nag food craving eh." masayang sagot ni Tanie sa kanya.       " Wow naman, Im so happy for you. Im going to be Ninang na pala?" Masaya din nyang tugon na may  halong inggit.        " O ano nanaman yan, darating din yon. Ay, let me clear my self to you, nandyan na pala sya di mo lang pansin." sabay tawa.        " Ha, grabe ka ha.! At sino naman yon.?" inis nyan tugon sa kaibigan.      " Ay naku, di ka naman sana bulag malamang na manhid ka lang!" Diretsong sabi nito sa kanya.      " Hay naku, ewan sa inyo sige saka na mag chickahan kapag nandun na tayo, baka ma late pa ko sa flight ko update nalang ha. Bye...!" pinutol na nya pag uusap nila. May sinasabi pa ito pero pinatay na nya cellphone nya.     Pumasok sya sa isang fastfood umoorder sya ng spaghetti at drinks lang. Pag upo nya inisip nya ang sinabi ni Tanie.        Sa kakaisip nya nawalan sya ng gana kumain konti lang nakain nya inubos lang nya ang drinks at tumayo na. Naghanap sya ng mabibilan ng bilin ni Tanie sa kalayuan natanaw nyang may stall ng pasalubong goods, diretso sya dun. Dinagdagan na nya ang pinamili para babaunin din nya un iba sa out of town nilang magkakaibigan.    Palabas na sana sya ng may madaanan syang shop ng mens wear.        Nakita nyang may mga naka sale pumasok sya dun at namili, pumili sya ng isang color black alam nyang favorite color ni Alex ang black. Napa ngiti sya ng makita nyang ang cute ng napili nya. Agad nya itong binayaran at lumabas ng stall, bumili din sya ng isang blouse para naman sa kanya. Lumabas ng mall diretso na sya ng airport. Sakto dumating sya ng airport alas kwatro ng hapon. Konting oras lang hinintay nya at ng check in na sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD