Matutulog na sana si Alex, alas dyes na gabi. Naalala nga pala nya si Nina tatawagan sya nito dahil pinagbilinan nya.
At di nga sya nagkamali si Nina nga nasa kabilang linya.
" How's your trip?" Bungad nya sa kaibigan.
" Im very fine my dear tatay.!" Biro namang sagot ni Nina kay Alex.
" Sige, sanayin mo ko ng ganyan tingnan natin. Kasi kapag tatay di ba lagi nasusunod?" Giit ni Alex.
" Oo nga pala sige bawiin ko na. So ano nga pala yun work mo ngayon.?" Tanong ni Nina.
" Nasa advertizing company ako!
kahit pano malapit narin sa pangarap ko." Paliwanag nya.
" Hay naku, ikaw lang naman kasi itong mapilit samantala may negosyo naman kayo bakit di nalang yon pagtuunan mo ng pansin tutal sa inyo namang magkapatid iiwan ng parents nyo yon, matanda na sila tito at tita, they need a rest na." Sisi pa nya sa kaibigan.
" Alam mo naman yon dahilan, kahit pa mahilig ako sa art iba pa rin yon maabot ko pangarap ko.
Graduate ng Fineart si Alex dahil yon ang gusto ng mommy nya para na rin daw sa negosyo nila. Pero sa bandang huli mas pinili parin nya sundin yon pangarap nyang mag adverTise ng kung anong product. Sya kasi yon tipong mahilig makipag dayalogo magpaliwanag ng kung ano ano. Kahit pwede naman nya gawin sa company nila ay mas gusto pa nyang tumayo daw sa sarili nyang paa.
" Hay naku, oo na di naman ako mananalo sayo eh, kahit anong paliwanag ko yon pa din sayo ipipilit mo." Halong tampo ni Nina.
" Di naman sa ganun, I just want to learn on my own journey! Yon mapatunayan ko sa kanila na kaya ko kahit mahirap maging consiquence non, ok lang kakayanin ko. Part ng buhay ko yon eh. Para na rin sa maging family ko." seryoso sabi ni Alex.
" Sus, umiral nanaman yan pagka tatay mo noh,? Bakit yon kapatid mo walang pangarap sa buhay, samantala ikaw.." Naputol sasabihin ni Nina ng marinig buntong hininga ng kaibigan.
" Sorry!" sabi nalang nya.
" Ok lang totoo naman yon.!
Ewan ko ba sa kapatid ko na yon, palibhasa bunso yon lagi pinaiiral nya. Kontento na sya sa ganung buhay nya, kaya nga gusto ko kahit pano may maabot ako para naman di masira mga pangarap ng papa at mama samin magkapatid." Paliwanag pa ni Alex.
" Asus, tatay na tatay ang dating ng bestfriend ko. Yaan mo pag uwe ko, kahit ano sabihin pasalubong ko sayo name it and you will have it.?! bawi nya sa kaibigan, alam nya kasi ang kaibigan kapag ganun usapan seryoso na'to kya lagi nya iniiba usapan.
"Sabi mo yan ha!" halong exciment na sabi ni Alex.
" Oo naman ikaw pa lakas mo sakin. Gusto mo especial delivery pa dyan sa apartment mo?"
" Tagala lang ha,?sige now palang iisip na ko ng pasalubong ko, eH ilang araw ka ba dyan.?" excited pa nyang tanong kay Nina.
" Mga 3 days or 4 days depende matapos agad mga meeting ko.! saad ni Nina.
" Ok cge,.Message mo nalang ako kapag uuwe ka malay mo wala ako work nun sunduin kita sa airport."Himig paglalambing ng binata kay Nina.
" O sus, ok lang wag ka na mag abala I can manage." sabay tawa ng dalaga
" I insist!" pilit naman ni Alex.
" Pano nga kung may work ka.?
" Di absent ako.!"giit ni Alex.
" Naku wag na lang, kaya ko umuwe basta message nalang kita kapag uuwe na ko ha!" sabi nyang may halong alala dahil mag absent pa ito para lang masundo sya.
" Ok sige ikaw bahala, sige na tulog ka na din at baka maaga meeting mo bukas,!" sagot nalang ni Alex sa sinabi ni Nina.
" Ok ikaw din, best..bye!" yun lang at nag end call na sya kay Alex.
Nahulog sa malalim na pag iisip si Nina..
" Hay naku, Alex bakit ba lagi ka nalang ganyan sakin. Pilit ko man isiksik sa isip ko na bestfriend lang kita bakit lagi ganyan trato mo sakin.
I hate this feeling." sabay hawak sa isang stop toy na maliit na napanalunan nila ni Alex sa isang arcade nun minsang maglibot silang magkakaibigan sa mall. At bigla nya naalala pano nakuha ni Alex yon.
***throwback ni JANINA***
" Nakakainis naman, pano ba kita makukuha.! gigil ni Nina habang naglalaro ng arcade.
Napansin pala sya ni Alex nun.
" Ganito kasi,.! sabay agaw sa pinipihit ni Nina. At isang saglit lang nakuha ni Alex yun maliit na stop toy na yon.
" Tyempo lang yan eh.!" sabay irap.
" Haha, tyempo man o hindi atlis nakakuha ako, eh ikaw?" Pang-aasar nito sa dalaga.
" Ewan sayo! Sayo na yan saksak mo baga mo." At inis na tumalikod sa kaibigan.
" Pikon nanaman yon bata, alangan naman bigay ko sayo ako naghirap magsungkit." Pang iinis pa Alex kay Nina habang papalayo ito sa kanya.
Lumapit nalang ang dalaga sa ibang kaibigan na naglalaro pa, nakuntento nalang syang panoorin ang mga ito.
Sa gilid ng mata nya nakita nyang inilagay ni Alex yon stop toy bag nito.
" O isang bakol mukha mo dyan? tanong ni Crissa sa kanya.
" Wala, nang buska nanaman kasi pinsan mo paborito ko inisin ng lalaking yon." simangot ni Nina kay Crissa.
" Para kang lagi bago dun.?" sabay ngiti ni Crissa.
Alam mo girl, di ako boto dyan sa girlfriend nya, sa lahat ng naging gf ng pinsan ko yan ang di ko feel." Sabay pa silang napatingin sa babaeng katabi ni Alex habang naglalaro ng arcade.
" Sus, eh yang pinsan mo basta yata naka daster papatulan na." sabay ngiting maanghang ni Nina.
" Selos ka noh?" Biro nito sa kanya.
" Ha,ako magseselos?" tinuro pa nya sarili nya..Hindi siguro, paborito lang ako talaga awayin ng pinsan mo kaya nagiging close kami masyado.
" Hmmmm, sabi mo eh." putol ni Crissa sa pagbibiro sa kanya.
Kilala na kasi sya nito basta pagdating kay Alex kahit anong sulsol, biro at utos nilang si Alex nalang ay di nya magawa. Dahil lagi nya sinasabi magkaibigan walang tuhugan.
" C.R muna ko" paalam nya kay Crissa sabay talikod.
Nagulat pa sya ng paglabas nya ng C.R naka abang si Alex sa kanya at hawak yun stop toy na napanalunan nila sa arcade.
Iiwas pa sana sya ng sinundan sya nito at sinabayan sa paglalakad.
" O eto na, baka mapanaginipan mo pa mamayang gabi tapos pagpasok sa school sa monday sakalin mo pa ko."
Pagbibiro nito sa kanya.
Inirapan nya ito bago sya sumagot.
" Di ko ikakamatay yan, sayo nalang." Pagmamatigas nya.
" Para binibiro ka lang kanina. Eto na kunin mo pera mo yon tinaya mo kanina di ba, saka tinulungan lang talaga kita." sabi ni Alex na may kasamang ngiti.
" Sigurado ka? " tanong nya.
" Ayaw mo". biro naman nito.
Walang sabi sabi hinablot nya ito. Walang bawian! sabay lakad nya.
Tara na uwe na tayo gabi na yaya sa kanya ni Alex. At sabay sabay na silang umuwe maliban kay Lyndon at Tanie.
Na humiwalay sa kanila kaina.
Maaga nagising si Nina,ng umagang iyon alas dyes kasi ng maga may meeting sya sa isang business tycoon sa isang sikat na hotel malapit din sa hotel na tinutuluyan nya.
Pagtapos maligo naghanap sya ng maiisusuot sa dala nyang maleta.
Simple lang si Nina,di sya mahilig sa sosyalan lalo na sa mga pasosyal n gamit kontento sya sa kung ano meron sya.Sinuot nya formal nyang damit color gray na sluck with matching white blouse sa loob. Simpleng make-up konting lipstick saka nya nilugay ang hanggang lampas nyang balikat na buhok na pinakulayan nya ng dark brown kelan lang. Sa taas nyang 5'3 minsan kelangan nya talaga mag heels para bumagay sa mga suot nya.
Di nagtatagal tumunog cellphone nya si Mr.Ramon Sanchez ang nasa linya ang boss nya.
" Good morning sir!" bungad nya dito.
" Good morning din, nasa venue ka na ba?" tanong nito sa kanya.
" Im on my way sir!" sagot nya dito.
" Ok Nina, just do your best ok. Balitaan mo ko kung ano maging lagay ha." Bilin nito.
" Yes sir.!" tugon nya.
" I trust you! dugtong pa ng kanyang boss.
" Ayan ka nanaman sir, kaya takot ako mag failed baka sisantihin mo ko agad. But I don't promise anything sir, all I can say is I will do all my best."
Yon lang at naputol na usapan nila. Habang lulan ng elivator ay nagsisimula ng kabahan ang dalaga.
Kaba, na baka di magustuhan ni Mr.Litangco ang maging business endorse nya. Sa loob kasi ng isang taon at kalahati nya sa company nila ay ngayon lang sya mag isa makikipag meet up at sa isa pang biggest business tycoon sa Davao.
Sobra irretable talaga sya sa nerbyos. Kelangan nyang iendorse ng maayos at maliwanag ang kompanya nila para pumayag itong mag supply sila ng product nito sa mga negosyo ni Mr.Litangco at ilang minuto nasa venue na sya. Wala pa doon si Mr.Litangco pumasok sya sa hotel at nilapitan sya ng isang babae na mukhang secretary ni Mr.Litangco.
" Miss Janina Rose Artiende.." Diretsong sabi ng babae sa kanya..
" Yes, I am!" maikling sagot nya at pinakita pa nya ang kanyang i.d.
Ngiti ito sa kanya at iginaya sya papasok sa isang resto,.
" This way po tayo."At habang papasok sila ay nagpakilala ito sa kanila na sya ang secretary ni Mr.Litangco di nga sya nagkamali.
" On the way na po sya."dagdag pa nito. Mga kinse minutos siguro ay dumating ang businessman at di nya akalain na bata pa ito.
Pinugurahan nya ito, sa tangkad nito ay bagay ang katamtamang katawan nito na tinernuhan nga kayumanging kulay, matangos ang ilong napaka ganda ng mata na kapag tinitigan ka parang lulusaw sa katauhan nya. Sa kabuuan perpekto sa paningin nya.
Paglapit nito sa kanya ay naglahad ng kamay at nagpakilala.
" Orlando Litangco".pormal nito sa kanya.
" Janina Rose Artiende."sabay kamay dito.
" Have a sit". at umupo na sila.
" So can I start sir,!?simula nya.
Di sya pinansin nito bagkus ay kinawayan ang waiter para lumapit. Umorder ito para sa tanghalian. Sa sobrang kaba yata nya ay nakalimutan nyang tanghalian na nga pala maski gutom sya ay nakalimutan na nya.
" MISS ARTIENDE lunch muna tayo bago mo simulan yan." Bawi nito sa kanya.
" I just want to start lang sir para mapaliwanag ko sayo lahat, pero ok lang naman po, besides its lunch time na nga." Sabay tingin sa wrist watch nya mag aalas dose n pala ng tanghali.
" Don't be too formal miss. Just call me at my first name, di ako sanay na tinatawag ng full name, and beside I think we're at same age lang maybe." Paliwanag nito.
" Ah sir, kasama po sa trabaho ko maging formal. At I think you deserve to treat like a powerful person." Tugon nya kay Mr. Litangco.
" Ah, ok dahil sa sinabi mo bawas points sa company nyo!" Biro nito sa kanya.
" Ganun po"? Irita nyang sagot.
" Oo, so I told you kung itutuloy mo pa paging formal mo baka mapunta sa pagbaback out ko." Dugtong pa nito.
" Sir naman, ok as you wish!" Inis nyang sabi.
Dumating ang mga inorder nito, at kumain na sila ng sabay.
Makalipas ang kalahating oras nagsimula na silang mag dayalugong dalawa. Sa una asiwa sya sa gusto nitong pangalan nalang ang itawag nya, pero di naman nagtagal ay nasanay sya. Masarap itong kausap minsan di nya mapigilang maasiwa dahil sa tingin nito di sya sanay ng tinititigan sya sa mukha. Nasabi din nitong unang taon palang nitong nag mamanage ng company nila.
" Kaya pala nagtaka ako akala ko matanda na yon ka meet up ko sa meeting na'to." Biro nya kay Orlando.
" So nagulat ka at ang bata ng nakaharap mo at plus da looks pa." Pa cute nito sa kanya na syang ikinapula ng pisngi nya sa palagay nya.
" Medyo." sabi nalang nya. At iniba na nya ang usapan.So pano whats your answer Mr.Orlando Litangco.pagiging formal nya ulit.
" Well, as I can hear to you everything is clear lets meet at the Manila. Papatawag nalang ako inyo sa secretary ko kung kelan ang luwas ko ng manila so we can settle everything." Maikling paliwanag nito.
Parang nanalo sya sa lotto sa narinig at halos mabulol pa sya sa pag salita sa kaharap nya.
" Ta-talaga sir." Abot tainga nyang sabi.
" Your formality, babawiin ko sinabi ko.!" pansin nito sa sinabi nya.
" No...ay ok as you said thanks for the chance and sana di kayo magsisi." tuwang sagot nya.
" Kung di lang ikaw ng endorse sakin baka malabo ko tanggapin yan."sabi nito sa kanya.
" Wala naman ganyanan, business lang."alangan na sabi nya.
" So gave me your contact number so we can update about the meeting."
Di na sya nagtanong bakit yon personal na number nya ang kinuha gayong pwede naman ito tumawag sa office nila. Pagtapos nun ay nagpalaam na sila sa isa't isa may meeting pa daw kasi ito.
" Nice to meet you Janina"!sabay bigay ng nakakamatay na ngiti sa kanya at abot ng kamay.
" Ganun din ako." tugon nya sa pakikipag kamay nito.
At naghiwalay na nga sila. Sya naman ay nagpunta sa malapit mall para mamili ng konting gamit. Tingnan nya orasan nya alas tres na pala ng hapon. Huminto sya saglit at naalala nya si Alex, kinuha nya cellphone nya at nag simula mag type ng message.
" Lex, so ano na gusto mo pasalubong.?" Pagtapos nyang mag message ay binalik nya sa bag ang cellphone nya at nagpatuloy sa paglakad.
Natapos na syang mamili ng gamit nya at konting pasalubong ay wala pa rin reply si Alex.
" Busy siguro!" nagpasya na syang bumalik sa hotel na tinutuluyan nya.
Habang nasa taxi sya naalala nya ang boss nya, tatawagan na sana nya ngunit nagpasya syang pagdating nalang sa hotel dahil malapit na rin sya.
Pagbukas nya ng pinto diretso sya sa kama at pabagsak na nahiga kinuha nya cellphone nya at dinial ang number ng kanyang boss.
Unang tunog palang ay sumagot na agad ito halatang hinihintay na sya ay tumawag.
" Nina. "bungad nito sa kanya.
" Mission accomplish sir." Maikling paliwanag nya.
" Congrats, Nina good job." tuwang sagot nito.
" Thanks sir, sabi nya update nalang sya sa office kung kelan maging meeting nyo." Dagdag nya.
" Ok di talaga ko nagkamali sayo." Pang uuto pa nito.
" Oo na sir, so what about the next meeting?" tanong nya dito.
" Ah, tawagan nalang kita bukas standby ka nalang muna dyan, ok lang ba?" tugon nito.
" Eh ayaw ko man sir may magagawa ba ako. Its my job." biro naman nya dito.
" Don't worry Nina, you catch a big fish so I'll gave you a score for that." uto pa nito.
" Thanks sir." At pinutol na nya usapan nila.
Wala pa rin reply si Alex sa kanya, dismayang sinindihan nalang nya ang t.v at ngsimulang magpalit ng damit. Pagkatapos nya ay nahiga sya ulit at di na nya namalayang nakatulog na pala sya.
tnx for voting poh...