Chapter 38 Walang umiimik saamin ni Al sa biyahe. Siguro ay alam niyang wala akong planong makipag-usap sa kanya. Wala rin naman akong planong sumama sa kanya kaya lang naisip ko na paano kung may dahilan kung bakit niya iyon ginawa atsaka may gusto rin akong itanong. Gusto kong malaman kung anu ba iyong pinag-usapan nila ni Liam kanina. Anu iyong napagkasunduan nila? May kinalaman ba iyon sakin? Nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin basta ang alam ko hindi niya ako kikidnapin o hohostagegin. Nakakailang at ang awkward kahit na naging ka-close ko naman siya noon. Siguro totoo nga talaga yung kasabihan na kapag may nangyaring hindi maganda sa pagitan ng mga tao hindi mo masisiguro na ganun pa rin yung magiging turingan nila sa isa't-isa.

