Chapter 37 Lahat ng mga sinabi ni Niccolo kahapon, lahat ng iyon paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. Anung ibig sabihin nung huli niyang sinabi? Nakakaalala na ba siya? Pero kung totoo man iyon alam kong sasabihin niya kaagad saakin at hindi na niya iyon papatagalin pa. Pero hindi ko maitatanggi na lumundag ang puso ko sa saya nung tinawag niya akong bunny. Kahit na alam ko naman hindi niya pa din ako naalala kahit papano yung isang salita na iyon binigyan ako ng pag-asa at panghahawakan ko yun. Bumaba ako mula sa kwarto magdamag akong nagkulong at hindi lumabas pati pagkain hindi ko na rin magawa sa pag-iisip. Mag-aalasdyes na ng umaga pero hindi pa rin ako kumakain ng kahit na ano. Lahat ng dinadala nila sa kwarto hindi ko ginagalaw. Wala akong ganang kumain lalo na't marami pa rin a

