Chapter 6
Nakakainis bakit ayaw niyang sagutin, psshh. Ilang ring pa ang ginawa ko at sinagot na niya kaagad mabuti naman saw akas.
"Hello"
"Hello William ako to kapatid mo huwag kang mag-alala hindi to scam" sa kabilang linya narinig kong parang bigla siyang napa-upo sa kama niya mukhang nagising ata ang diwa. Tulog mantika kasi ang isang yun at kailangan mo talagang mag-effort ng todo para magising siya. Speaking of effort.
"Kuya"
"Oh anung nangyari sayo? Akala ko baa yaw mo akong tawaging kuya because of the 2 year age gap na sinasabi mo? Anyari doon? O baka naman may kailangan ka hindi mo ako maloloko Emerald" napatampal ako sa nook o kainis naman kahit ako naiilang sa pag-sasabi ko noon no, hindi kaya ako sanay.
Huminga ako ng malalim hindi ako pwedeng mag-sungit tama naman kasi siya may kailangan nga ako sa kanya. Ganun naman talaga eh.
"Grabe siya oh, pero totoo naman may kailangan nga ako"
"Spill it" yan naman ang gusto ko sa kapatid kong ito kahit anung hingin ko binibigay
"Saan nakatira yung McKenzieng yun? Be specific kung maari" feeling ko nag-iisip siya ako naman hindi mapakali, paano kung hindi niya alam? Sana naman alam niya hindi ko kasi pwedeng pagtanungan strikto kasi ang isang yun. Palibhasa feel na feel ang pagiging kuya.
"I don't know the exact address but I know the place it's somewhere in London. Teka bakit mo natanong? And can you explain why are we talking in the phone? Don't tell me—" hindi ko na siya hinayaan pang mag-salita.
"Bye. Thanks" pinatay ko na kaagad ang tawag.
Somewhere in London pala ha. Well saan mang panig ng mundo siya nakatira pupuntahan at pupuntahan ko talaga siya. Gagawin ko ang lahat mapa-urong lang siya by hook or by crook.
*
Deretso kaagad ako sa airport ayoko na kasing mag-aksaya pa ng oras. By now sigurado akong nagpapanik na ang mga yun sa pagkawala ko. May tiwala naman akong hindi ako ipagkakanulo ni William si Samantha pa masyadong honest sa buhay. Kung may matapat na award nga lang eh baka puno na ang kwarto nun sa dami ng award niya.
Hindi na ako nagpabook ng ticket bakit? You know connections ang saya nga eh nung pagkasabing-pagkasabi ko sa buo kong pangalan wala pang isang minuto may masasakyan na kaagad ako at take note VIP pa. Hahaha ngayon ko nga lang nalaman na may awtoridad si Papa dito. Bakit? Dahil isa siya sa share holders ng airlines at dahil sa Mama ko. You know princess thingy?
Akalain mo nga namang magagamit ko pala ang posisyon kong yun.
Haisst kung alam lang ni Niccolo itong ginagawa ko sigurado akong pagtatawanan ako ng ugok na yun. Pero anu nga kayang magiging reakyon niya kapag nalaman niyang ikakasal na pala ako? Magagalit kaya siya? Ipaglalaban niya kaya ako gaya ng mga napapanood ko sa tv?
Third Person's POV
Gaya nga ng sabi ni Narumi ay tama nga siya, nagkakagulo na nga sa kanila simula ng matugunan nilang nawawal siya. Sinu ba namang hindi magpapanic kung ang prinsesa ay nawawala syempre marami na kaagd papasok sa isip mo. Na paano kung nakidnap achuchu na imposible namang mangyari dahil hello si Narumi Gail Cruz?
Oo nakidnap siya noon pero tyamba lang daw yun.
Anyway, lahat ng body guard ay naglilibot-libot na sa bong mansion ng mga Takahashi bawat sulok ay maigi nilang tinitingnan. Mahirap na at baka maloko nanaman sila nito. Minsan kasi madalas itong magbiro na nawawala pero ang totoo ay nagtatago lanag naman ito. Magaling mag-tago eh palibhasa maliit opps sorry.
Nadala na talaga sila kaya naman gusto muna nilang makasiguro. Mas mabuti ng naninigurado ika nga nila.
Samatala ang magkapatid na Takahashi naman ay nasa receiving are ng kanilang bahay. Parang wala lang sa kanila na nawawala ang kapatid nila. Imbes aay cool na cool lang silanag naka-upo sa couch habang busy sa kani-kanilang ginagawa.
Ang mga magulang kasi nila at si GrandMomsy ay kagabi pa umalis patungong London kung saan talaga sila nakatira. Not knowing na papunta na din pala ang unikahija ng mga Takahashi.
"Bakit may pakiramdam akong may alam ka sa pagkawala ni Emerald" casual na sabi ni Liam bakit ganun ang gwapo gwapo niya kahit na medyo messy hair pa siya?
William just shrugged "Mukhang ganun na nga"
Si William kasi, noong highschool pa sila ay madalas na inoobserbahan si Narumi. Yun kasing unang kita pa lang niya dito he feels something alam niyo na yung lukso ng dugo.
Si Narumi kahit puro kalokohan kapag naging seryoso sa isang bagay hindi mo yan mapipigilan. Gagawa at gagawa yan ng paraan. Kahit na minsan sablay nga lang pero wala namang taong perpekto hindi ba? We are not faultless anyway. Lahat ng tao may mga flaws at yun dahilan ng pagiging unique nila.
"Bakit hindi mo sinasabi? William baka mapaano yun bakit hindi mo kaagad sinabi saakin?"
Yup, masyadong protective brother itong si Liam kay Narumi na kung tutuusin ay mas maton pa sa kanya. Pero hindi naman natin siya masisisi minsan ng nawala si Narumi you know history repeats itself kung nakidnap siya noon hindi malabong mangyari ulit yun.
At dahil nga medyo may background na si William sa behavior ng kapatid ay medyo nasasabayan niya kung anung tinatakbo ng utak nito. Masyado rin kasing weid ang isang yun, akala mo puro biro at kalokohan lang ang alam pero kapag nagseryso aba matakot ka na. Sabi nga nila nakakatakot magseryoso ang mga ganung kalseng tao.
"She knows what to do. Let's just trust her she may be stubborn and hard headed sometimes pero alam naman niya ang ginagawa niya. Ang kailangan lang nating problemahin ay sina Mama"
Medyo hindi kumbinsido si Liam sa mga sinasabi ni William pero isang buntong hiningan lang pinakawalan niya na ibig sabihin ay naiintindihan niya.
Sa totoo lang kasi tama naman si William eh atsaka syempre hindi naman sa lahat ng oras palagi mong aalalayan ang isang tao kasi pag ganun hindi siya matututo. Kung madapa man siya edi pabayaan mo siyang tumayong mag-isa kasi kapag palagi mong ipinaparamdam na palaging may sasalo sa kanya sa tuwing matutumba siya, magiging dependent siya.
Mahirap yun no. Kasi naman in the end of the day sarili mo lang ang maasahan mo.
Yun yung punto ni William, kahit na kayang kaya niyang pigilan ang kapatid niya pinili niyang manahimik dahil gusto niyang matututo si Narumi. Matutong ipaglaban kung anung nararamdam niya. Medyo hindi kasi vocal sa nararamdaman niya si Narumi mahirap para sa kanyang iexpress yung nararamdaman niya. Siguro kasi wala naman siyang mapaghihingahan noon dahil wala naman siyang kaibigan hindi tulad ngayon.
"I can manage that one"
Tumango si William kay Liam na bumalik na ulit sa paglalaptop.
Sana naman mahanap na niya ang dapat mahanap, mapigil ang dapat mapigil at makunbinsi ang dapat makumbinsi. Yan ang tumatakbo sa isipan ni William.