Chapter 5

1330 Words
Chapter 5 Siniksik ko lahat ng dapat isiksik sa backpack ko, I'm in my devastated state right now. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kahapon hindi magsink-in sa utak ko ang naging usapan naming pamilya. Para kasing... haisst basta, akala ko pa naman ok na ang lahat. Akala ko kapag nahanap ko na ang totoo kong pamilya happy happy na... I didn't expect that this day will come na maglalayas ako saamin. Yeah naisip kong maglayas, there's no way na papaya ako dun sa kung anu man yun. Kainis ayaw ko na talagang maalala pa yung mga napag-usapn namin kahapon. Nakakabwisit na ewan basta hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyong nararamdaman ko. Flashback... "It's you" Wait tama ba ako ng dinig? Anu daw sabi? Parang nagbuffer ata ang utak ko doon ah. Ang galing namang mag-joke ni GrandMomsy pero seryso hindi siya bumenta saakin, hindi nakakatawa eh. Hndi bagay sa kanya ang magjoke ng ganito. "Huh?" yan lang ang nasabi ko baka naman kasi ginugood time lang ako ni GrandMomsy minsan kasi yung mga seryosong tao trying hard magpatawa masyado. "Hija ikaw ang natakdang magpakasal sa apo ng mga McKenzie. Matagal na itong pinalano bata ka pa lang nakatakda ka na talagang ikasal sa kanya. Dapat nung 18th birthday mo sasabihin at iaanounce sa lahat since yun din ang araw na ipapakilala ka sa lahat." "Mama diba sinabi ko naman sa inyo na huwag munang sabihin sa kanya! She's too young for that kind of thing. Akala ko ba nangako kayong sasabihin muna saakin?" si mama hindi makapaniwala na tinititigan si Lola. Si Lola naman ewan ko ba haisst kaligayahan ko na ang nakasalalay dito pero bakit ganun? Hindi ko magawang magalit o di kaya ay ipaglaban ang gusto ko? "I know I know I don't break my promise pero ang mga Mckenzie, nakarating na sa kanila ang balita na nahanap na ang nag-iisang apong babae namin. They get angry at first for not letting them know pero napakiusapan ko din naman sila kaagad. Kahit ako ayoko na ring gawin natrauma na ata ako sa ginawa mo. Pero kasi alam mo namang malaking bagay sa mga pamilya noon ang pagbibitaw ng isang pangako? At kapag hindi tayo tumupad malaki ang magiging epekto noon satin." "Pero Lola we can't let that happen, Emerald is so young and we don't want her to experience a loveless marriage" pati si Kuya Liam hay mabuti na lang at nagsasalita in my behalf kasi ako hindi makapag-isip ng sasabihin. "Lola wala na ba talagang paraan para maurong ang lahat? Hindi ba nating pwedeng pakiusapan ang mga McKenzie? Siguro naman pakikinggan nila tayo since magkaibigan naman ang mga pamilya natin" si William naman akala mo siya yung nasa hotseat kasi namn frustrated na frustrates siya, haysst diba dapat ako yun nang-agaw pa ng moment joke. "I'm afraid I can't do anything about this matter. It's a promise alam niyo namang ang mga Knight ay hindi bumabali sa kanilang pangako. Meron tayong isang salita" may finality sa paraan ng pagkakasabi ni Grandmomsy. Anu na Narumi hindi ka iimik? Hahayaan mo lang na kontrolin nila ang buhay mo? I heaved a heavy sigh tama kailangan kong ipaglaban kung anung pinaniniwalaan ko. Bahala na basta hindi ako payag pake ko bas a promise promise na yan? Hindi ba nila alam yung kasabihang "Promises are meant to be broken?" Atsaka grabe naman ang pagiging loyal nila sa isa't-isa. Kung hindi papala ako ipinapanganak sa mundong to, nakaplano na ang buhay ko? Nakatakda na ako sa isang taong hindi ko naman kilala. Grabe isa itong napakaling biro "Paano kung hindi po ako pumayag? Siguro naman wala silang magagawa. Ako naman ang magpapakasal atsaka baka naman ikonsider nila yung opinion ko sa bagay na ito. Matanda naman na ako at naiinitidihan ko naman itong bagay na to. Hindi na ako bata at may isip na ako siguro naman may karapatan na akong ipaglaban ang desisyon ko" Himala at hindi ako pinangunahan ng pagiging mainitin ng ulo ko. Siguro kasi hindi na ako yung Narumi noon. Sa totoo lang maniwala man kayo sa hindi dahil wala naman akong pake ay nagbago na talaga ako siguro mga 10% Uminom ng wine si GrandMomsy, si Mama at Papa parang nagbubulungan at seryoso sila at ang dalawa ko namang kapatid umupo na sa kani-kanilang upuan at nakatingin saakin bale ako na lang talaga ang nakatayo ngayon. Sinu ba namang hindi eh kani-kanina lang ang saya-saya ko na nakatakas ako tapos bigla akong dadalihan ni GranMomsy ng Ikakasal ka ng peg. Seriously? Wala pa nga akong naiging boyfriend kasal kaagad? "Calm down hija, wala pa tayo sa puntong yun. We can still make a move to cancel that promise marriage lalo na kung tatanggi ang apo ni McKenzie" With that ay tuluyan na akong pinaghinaan ng loob. Isinumpa ba ako? Bakit pa parang tragic ata ang storya kong ito? End of flashback... Alas-tres pa lang ng madaling araw, tulog pa ang mga tao sa mga ganitong oras dahil kalimitan mga alas-singko pa ang gising ng mga maids dito. Ito lang naman ang naiisip kong paraan para makatakas sa bangungut ng buhay ko na iyon. Aba hindi ako naging si Narumi Gail Cruz ng walang dahilan. Hindi porket ako na si Emerald Asuna ay magiging sunud-sunuran ako sa kanila. I love my family and there's no doubt about that pero kung ang kapalit naman nun ay ang kaligayahan ko ewan hindi ko alam. Pati ako naguguluhan na rin. Wala akong naiisip na pupuntahan basta lang akong sumakay sa taxi. Panigurado kapag natunugan nilang nawawala ako ay baka pagbali-baliktarin nila ang buong Pilipinas para lang mahanap ako. Ang OA lang eh anu? Akala mo naman anak ng president anu. Anak ka lang naman ng isang prinsesa at business tycoon sabi ng konsensya ko pssh pati konsenysa nakikisali sa Pov ko eh. Bumaba na ako sa taxi at isinakbit ang backpack ko na may lamang konting damit at pagkain incase. Saan nga ba ako napadpad? Sa bahay lang naman ni hulaan niyo. "NAK NG WHAT THE HELL NARUMI!!" Napapikit naman ako sa sobrang lakas ng pagkakabulyaw niya saakin, grabe yung tenga ko parang nilipad eh pakihanap nga. Siguro naman may idea na kayo. Isa lang naman ang gumagawa saakin ng ganito eh. Nginisian ko lang siya bago ako kumaway, sarap talagang inisin ng babaeng to. "Hi?" iniharang ko kaagad yung paa ko nung akmang isasara niya yung pinto "Wait lang ito naman, may gusto lang akong sabihin" at yun labag sa kaloob-looban niyang pinagbuksan ako ng pinto. * "ANO?? Nababaliw ka na that's for sure" Napatakip ako sa tenga kainis baka hindi ako makalabas ng buhay dito sa bahay ni Joanna. "Ngayon lang naman, hindi ka ba naaawa sa sitwasyon ko?" "Hindi pero seryoso Narumi pwede ka namang tumanggi ah? May bibig ka naman para magsalita baka naman pakinggan ka nila" Kung alam lang talaga niya, "Kung ganun nga lang kadali edi sana hindi ako nakipagsaplarang pumunta sa lungga ng isang sss—ahhh ang sakit joke lang naman eh" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay binaukan niya na kaagad ako. Ang sakit seryoso. "Baka naman kasi may iba pang paraan" Sana nga haisst kung meron lang sanang alternaibong paraan gagawin ko talaga---- bigla akong may naalala. "Tama ka Joanna, May naisip na akong plano" napatyao talaga ako sa upuan ko dahil sa naisip kong yun. Bakit nga ba hindi ko yun naisip? "Ano naman yun? Huwag mong iisiping magsuicide sa bahay ko at makakatikim ka talaga mandadamay ka pa" nawala naman yung matagumpay kong ngiti, grabe talaga mag-isip ang babaeng to masyadong wild. As if namang magpapatiwakal ako no, mahal ko kaya buhay ko. "Hindi yun, may nabanggit kasi si GrandMomsy nung nag-uusap kami sabi niya pwedeng maurong ang kasal nay un kung tatanggi yung McKenzie na pakakasalan ko gets?" "Paano mo naman gagawin yun ha? Aber?" "Simple lang pupuntahan ko siya" Nakikipaglaro talaga saakin ang tadhana pwes makikipag-laro ako at sisiguraduhin kong ako ang magchachampion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD