Chapter 4
Drip.drop.drip.drop.drip.drop
Hayysst kelan kaya titila ang ulan, kanina pa akong nakatayo dito sa waiting shed. Kanina lang naman ang tindi ng sikat ng araw pero nung nag-umpisa na akong magstroll sa buong park bigla na lang umulan ng malakas. Pati ba naman kalangitan hadlang sa kasiyahan ko? Wala akong magagawa kundi ang maghintay. Sabagay sanay naman na ako joke.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa paglalandi nung tubig ulan na pumapatak, ang boring naman.
Dun sa tabi nung sinilungan kong shed ay may banda na kumakanta, nakuha nun yung atensyon ko dahil sa kinakanta nila.
Now Playing: Malaya Ka Na by Moira
Ang galing namang kumanta nung vocalist nila, pati yung kanta ang ganda. Ang ganda kasi parang bagay na bagay saakin. Oo na ako na ang martir, masokista at kung anu-anu pang naiisip niyong sabihin. Pero wala akong pakialam, I'm stupid? Yes I am.
Kesa naman lokohin ko ang sarili ko, ito ang unang beses kong ma-inlove there I said it kahit korny mang pakinggan. Masyado kasing malalim yung binagsakan ko na ang hirap ng umahon maybe it's too late for me I guess. Sabi nila absence makes the heart grow colder pero bakit opposite yung nangyayari saakin? Bakit sa bawat paglipas ng mga araw, buwan, taon lalo akong bumabaon sa binagsakang kong yun. How ironic.
Gusto kong sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan ayokong sumuko at maging talunan. Gusto ko kapag dumating ako sa puntong yun ay wala akong pagsisisihan atleast masasabi kong ginawa ko naman ang lahat, naghintay naman ako gaya ng sabi niya hindi ako sumira sa pangako.
Mukhang wala ng pag-asang tumila ang ulan na ito sususgod na lang ako sa ulan bahala na. mabuti na lang may hood yung damit na naisuot ko as if namang hindi ako mababasa eh anu? Di bale na pagkauwing-pagkauwi ko liligo na lang ako.
Pero langhiya dahil may biglang humila sa damit ko kaya nabitin sa ere ang akmang pagsayi ko sa ulan, bigla na lang may kumuha sa kamay ko't nilagyan yun ng payong "Malakas ang ulan magkakasakit ka" hindi ako kaagad nakaimik kasi naman nagulat ako nasa state of shock pa ako ganun.
"a-ahh s-salamat"
Nasa gitna na siya ng ulan nung bigla siyang lumingon ulit. I gulped several times ng makita ko yung mukha niya. Yung puso ko ang bilis ng t***k jusko anung nangyayari saakin? Bakit bigla akong kinabahan nung makita ko ang mukha niya? Yung mga matang yun haisst it reminds of someone.
*
"Miss!! Saan nanaman ba kayo nagpunta?" inabot ko yung payong na ginamit ko. Basang basa na nga talaga ako kasi naman ang KJ kasi ng ulang yun. Nakakabadtrip hindi ko nga alam kung kelan pa ulet ako makakatakas sa sangkaterba kong taga-bantay eh.
"Naglakad lang" may nag-abot naman towel saakin, grabe ang lamig sa labas.
"Dahil sa ginawa niyong pagtakas padadagdagan ko ang mga bantay mo Miss" napaface palm ako sa narinig. Seryoso ba siya? Hindi pa ba sapat ang bente kataong baody guards para magbantay saakin. Anu ako bilanggo?
"Pero... Hindi... ahhh bahala ka nakakainis para naglakad lakad lang naman" hindi talaga ako umuubra dito kay Samantha, kahit anung kalokohan ang gawin ko mas matindi naman ang parusang ibinibigay niya saakin. Isipin niyo na lang na walong taon kong tiniis ang ugali niyang pang-lady boss na magmemenopose.
Paakyat na sana ako sa taas mas gusto ko pang matulog kesa marinig ang walang kabuhay-buhay na pangaral ni Samantha. Nakakapagod din yung ginawa ko kanina. Anyway, sa receiving area ay may nadidinig akong nagtatawanan. Anu naman daw kaya yun? Sa pagkakaalala ko wala namang tao dito syempre maliban saamin ng mga maids at butler.
Dahil tsismosa ako ay pinuntahan ko yun. Ang hirap talagang umiwas sa tukso sinasabi ko sa inyo. Para akong minamagnet eh.
Isang masayang mukha ang bumungad saakin, teka Mama ko to ah bakit to---. Ah oo nga pala sinabi ni William na may dinner na magaganap umatake nanaman ang pagiging malilimutin ko psshh. Nginitian ko siya, napadako naman ang tingin ko dun sa kausap niya.
Nanlaki ang mga mata ko. No way!!
*
"Why are you not eating hija? Hindi ba masarap ang luto ni grandmomsy?" Shocks. Hindi ko mapigilang mapalunok ng ilang beses. Kasi naman masyadong suplada ang aura ni Grandmomsy. Para bang kapag hindi ako kumain ay katapusan ko na yikess. Huwag hindi pa ako ready may hinihintay pa ako. Hindi pa ako nakakagawa ng last will.
Si mama kahit na nakangiti iba yung ngiti niya. Parang hindi ngiti ng tao ganun and it's scaring the hell out of me. Gusto ko ng magtago sa ilalim ng mesa.
Hindi kami kumpleto sa hapag dahil wala ang dalawa kong kapatid. Galing ang lakas ng loob mag-invite hindi naman pala darating. Mas masaya sana kung nandito sila atleast kahit papaano hindi ako nakakaramdam ng ganitong kaba.
Ay nandito na pala sila kadarating lang, humalik sila kay Granny tapos kay Mama. Kay Papa? Syempre tanguan lang ang naganap.
Nag-umpisa na silang mag-sipagusap ng kung anu-anu. Sa totoo lang ilang beses ko pa lang nakikita at nakakausap si Granny. At hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kanya. Yung aura niya kasi eh, masyadong intimidating.
Yung bang nagsusumigaw ng kapangyarihan.
"Well well may dahilan kung bakit ako naparito sa Pilipinas despite may busy schedule. You know my duties?."
"Anu naman yun granny?"
Si William ang unang bumasag sa saglit na katahimikang nangingibabaw saaming lahat. Kahit ako na hindi maintindihan kung anu ang mga pinag-uusapan nila ay nakuha din ang atensyon. Sinu nga bang hindi mapapahinto sa striktong pagnanalita ni Granny? Kahit ako na matigas pa sa matigas ang ulo ay parang hindi uubra.
"It's about time para sabihin sa inyo since nasa mga tamang edad na kayo. It's an important matter to discuss na may kaugnayan sa pamilya natin na dapat ay kompleto tayo" nakatitig lang ako sa ginagawa ng Lola na umiinom ng wine.
"Momsy? you gotta be kidding me? Huwag mong sabihing ipipilit mo nanaman---"
Ngayon ko lang nakitang mag-taas ng boses si Mama, most of the time kasi palagi lang siyang kalmado. And she knows how to supress her emotions.
"Felisa Margarete Knight lower your voice, nasa harapan tayo ng pagkain. Manners please."
Huminga ng malalim si Granny seems like it is also hard for her to say the magic words but she have no choice. Si mama hindi mapakali sa kinauupuan niya, anu ba yung gustong sabihin ni Granny na ayaw ipasabi ni Mama?
"I know Felisa, I'm a mother too but your great great grandfather made this promise. Alam mo namang masyadong importante noon ang mga pangakong binibitiwan. It must be you pero masyado kasing matigas ang ulo mo. Alam kong alam mo na darating ang araw na haharapin mo ang kapalit sa ginawa mong pagtakas noon para sumama *tingin kay Papa* ehem sorry Arthur I didn't mean to offend you."
Hindi umiimik si Papa, mukhang marami pa nga akong hindi alam sa pamilya namin. Kawawa naman ako haisst.
"Anu ba talaga ang gusto niyong sabihin Granny? I believe that since you let us hear your converstion, we have the rights to know the "what is that" thing you are talking about."
Si kuya Liam nakisali na rin sa usapan. Hindi ko siya masisisi miski ako hindi makuha kung bakit ganito na lamang ang mga reaksyon ng mga magulang namin.
"It's promise marriage. It must be Felisa but... haisst Wala tayong magagawa it's a promise between two powerful families"
"MA!" sabay pa si Mama at Papa sa pagsabi nun pati sina William at Liam ay napatayo na din sa kani-kanilang mga upuan. Pati sila nabigla sa anunsyo ni Lola miski rin naman ako sinu bang hindi. Akala ko sa mga pelikula lang uso ang mga arranged marriage.
"Kung ganun sinu?" ako lang ata ang naglakas loob na magtanong kahit na malaki ang posibilidad na isa saamin ang mapipili. Napatingin sila saakin lahat, pati si Granny. Ang lakas ng loob kong magtanong anu? Heck bigla tuloy akong kinabahan.
"it's... you"
: