Chapter 3

1242 Words
Chapter 3 "Malalim ata ang iniisip natin ah?" inabutan ako ni William ng juice na tinggap ko naman kaagad "Maaga kayong natapos ni kuya?" Tumutulong na si William sa kapatid ko para sa negosyo namin, hindi pa ako ganun ka fulltime kasi nagtetraining pa lang ako. "Bakit siya tinatawag mong kuya ako hindi?" nakasimangot siya habang sinasabi yan pero parang nagpipigil ng tawa isa pa to eh simula ng lumabas ako ng hospital plagai na kaming tatlong magkakasama. Hindi na nga kami mapaghiwalay kaya sobrang close nanamin sa isa't-isa kahit puro ilangan pa nung una. "Dalawang taon lang naman ang tanda mo saaken" "Really? Hmm bakit nga ba malungkot ka?" Nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba o hindi paano kung maging ganun din ang reaksyon niya? Pero kapatid ko naman siya kaya baka hindi naman siguro. "Pakiramdam ko may tinttago saaken ang buong S-10" pinakatitigan ko si William tinitingnan ko kung anung magiging reakyon niya pero parang naguluhan lang siya sa sinabi ko. Kung ganun wala siyang nalalaman sa kung anu man yung itinatago nila. "What do you mean?" nagtataka niya akong tinignan "Hindi ko alam, I'm not yet sure basta ang alam ko lang may kailangan akong malaman" kung anu man iyon importante man o hindi kailangan ko pa ring alamin. Na bakit kailagang hindi ko malaman. "Kung kutob lang yan make sure na hindi ka gagawa ng mga kung anu-anong conclusion alam mo namang kaibigan natin sila and we have no right to accuse them without a proof" tumango lang ako sa sinabi ni William alam ko yun kaya nga hindi ako umiimik. Nagpaalam na siya saaken na aakyat na samantalang ako kay nandito pa rin sa may pool. * Maaga akong nagising dahil binilin saakin ni Samantha na maaga daw niya akong susunduin, ewan ko ba kaya ko namang magmaneho ng kotse pero ayaw nila akong payagan. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko pero hindi pa rinyun sapat para pakiusapan silang luwagan ang security saakin. Feeling ko tuloy para akong isang ibon na nakakulong sa hawla. I don't have my freebom, freedom to spread my wings and fly. Bagot na bagot akong nakatingin sa napakalaking overlooking glass window ng office. Hindi naman ako nakikinig sa mga sinasabi ni hindi ko alam kung sinu man siya kamalayan ko ba diyan sa mga sinasabi niya. Mas gusto ko pang kausap ang asong regalo saakin ni Tatay Ben na si Bruno. Speaking of tatay ben hindi ko nga pala siya natatawagan, pero kasi busy siya, siya na kasi ang bagong head ng security. Oo siya ang may pakulo ng sangkaterbang bodyguard na palaging nakabuntot saakin na kulang na lang sundan pa ako sa banyo. Aba matatadyakan ko sila kapag sinubukan nila. "Miss are you listening?" feeling ko napipikon na saakin ito pero pinipilit lang niya akong ngitian akala mo naman endorser ng toothpaste. Obvious namang hindi ako nakikinig, pwede naman kasing ibigay na lang saakin at ako na mismo ang babasa. "Hindi, pinapagod mo lang ang sarili mo kung ako sayo magququit na lang ako" pinayuhan ko na lang kesa sigawan. Kapag nalaman to ni Samantha naku uusok nanaman ang ilong nun haha. At gaya ng inaasahan ay lumabas na nga siya sigurado ako isusumbong din ako nung isang yun, sumbungera tss. Ilang minute na ang nakakalipas pero wala pa ring Samantha ang nagpapakita saakin asan nanaman kaya ang babaeng yun? Kung san saan palagi nagpupunta kaanu-anu niya kaya si Dora? Eh si Diego? Bigla akong napangiti wala si Samantha ibig sabihin walang nagbabantay saakin, tingnan mo nga naman ang pagkakataon nilayasan pa ako ng tutor ko kuno. If the cat is away the mouse will play. Walang kahirap-hirap kong nalusutan ang mga nagbabantay saakin, napalit kasi ako ng damit mula sa formal attire ay nakapangsivilian na lang ako plus the cap para hindi ako makilala ni manong guard. Si Samantha kasi ang talas talas ng mata kaya palagi akong nahuhuli, mahilig kasi sa kalabasa pssh. Nagpara ako ng taxi para makalayo na sa lugar na yun, komportable kong isinandal ang likod ko sa sandalan ahh this is life. "Saan po tayo ma'am?" tanong nung mamang driver "Kahit saan po basta malayo sa lugar na to" Sa isang parke ako ibinaba ni Manong sabi niya malayo ng daw ito sa lugar na sinasabi ko. Maganda naman dito actually ang dami ngang bata eh at masaya silang naglalaro. Naalala ko tuloy yung sa ospital. Lahat ng mga sinabi ni Tyron ay tumatak sa isip ko, nakatulong saakin ng malaki yung mga sinabi niya at nagpapasalamat ako dahil doon. Nakapagdesisyon na ako, I want to make things right ayoko ng tumakbo pa at magtago na parang duwag. Gusto kong harapin ang kinatatakutan ko kagaya ng pakikipag away ko sa mga mas malaki pa saakin. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko hindi ko alam kung sinu ang pumasok pero nung lumingon ako doon ay biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Pakiramdam ko naputulan ako ng dila dahil walang lumalabas na kahit anung salita sa bibig ko. Para akong naubusan ng mga salita na pwede kong sabihin. She's staring at me like she's seeing a ghost and those eyes, it's so warm. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, it's like I was in front of a mirror at nakaharap ako sa sarili kong repleksyon. Bigla na lang siyang tumakbo papalapit saakin, walang pakialam kung matapilok man siya sa suot niyang high heels. Sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap na nagpagulat saakin. She whisper something na nagtrigger sa isang emosyon na kanina ko pang pinipigilang makawala. Halo-halong emosyon, yan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na yakapin siya ang aking ina. Na mahigpit akong niyayakap habang nagsasabi ng mga salitang mas lalong nakapagpapaiyak saakin. Ang tagal kong hinintay ang oras na ito, akala ko sa panaginip ko lang ito mararanasan at natutuwa ako dahil mali ako. Yumakap ako ng mahigpit sa Mama ko, wala na akong pakialam kung mukha man akong batang uhugin dahil sa ngayon ang mas iniisip ko ay galak na nararamdaman ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin at hinaplos ang mukha ko at pinakatitigang maigi na para bang nakatingin siya sa isang larawan. She smiled at me na ginawa ko rin. "Hindi mo alam kung gaano ko hinintay ang pagkakataon na ito anak ko, ang tagal ka naming hinanap. Akala ko hindi na kita makikita pa" Hinimas ko ang likod niya para pakalmahin siya, ito lang ang magagawa ko sa lahat ng kalungkutang naramdaman niya sa pagkawala ko. Para saakin isa yun sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Yung nagkaroon ako ng pagkakataong mayakap ang Mama ko na matagal ko ng gusting makita. Kung noon naiinggit ako sa mga ganito ngayon hindi na. Kasi kahit wala na akong privacy dahil sa klase ng pamilya namin atleast buo kami. A sudden beep on my phone caught my attention, anu bay an kalalabas ko pa lang pababalikin na kaagad ako? Tss Binuksan ko yung message at galin yun kay... William akala ko kay Samantha na. Kapag pa naman nawawala ako sa paningin nun halos pati eskinita ipahalughog makita lang ako. Maypagka OA din. To: Will Bro Hi sis, pinasasabi ni Mama na may dinner tayo mamaya sa bahay you should go home early k. BTW enjoy your trip Napakunot ang nook o sa huling sinabi ni William paano niya nalaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD