Chapter 2

1074 Words
Chapter 2 Emerald Asuna Isang nakakabulahaw na katok ang nagpagising sa napakahimbing kong tulog, nahulog tuloy ako sa kama sa sobrang pagkagulat. Humanda saaken ang kung mang pangahas na yun na nangistorbo sa mahimbing kong tulog. "Ma'am gising nap o ba kayo?" "Sa tingin mo?/!!" tinanong pa talaga ako? Siya kaya ang katukin ko ng ganun kalakas tingnan ko kung hindi siya magising. Isa lang naman ang taong kayang magpagalit saakin ng ganito. Si Lala ang nakaatas na mag asikaso saaken. Hindi talaga natatakot ang isang yan saaken, hindi lang yun may pagkaweirdo rin ang isang yun. Dumeretso na ako sa banyo bago pa magbago ang isip ko. Mahirap pa namang kalabanin ang tukso. * Pagkababa na pagkababa ko pa lang ng hagdanan ay isang katebang mga katulong at butler ang nakahilera. Lahat sila aynagsibait saakin na siyang ginawa ko rin dumeretso na ako sa dining room sabi kasi naghihintay na sila saakin. Aba't ako pa talaga pinagmadali anu? Ako nga nakayang maghintay ng siyam na taon and still counting sila ilang minuto lang. Umayos sila joke. "Kamusta ang tulog ng prinsesa?" "Ang sarap naman ng mga cupcakes dito" "Umayos ka nga Monica mukha kang patay-gutom diyan sa gingagawa mo" Hindi pa ako nakakalapit sa hapag alam ko na kaagad kung sinu ang mga nandoon. At tama nga ako ang S-10 ay masayang nagsisikain at nagtatawanan. Kanino bang bahay ito? Bakit hindi ata ako nainform na may mga sugod bahay gang na darating? Edi sana napasara ko na yung gate. "Bakit ba sibangot na sibangot yang mukha mo?" naiiritang tanong ni Joanna habang umiinom ng tsaa, sinenysan ko yung chef sa tabi ko ipaghanda na rin ako ng pagkain. "Anung ginagawa niyo dito? Wala ba kayong mga bahay? An gaga-aga nang-gugulo kayo" Nandoon din sila sa party kagabi hindi nga lang ako nagkaroon ng pagkakataong makipag-kwentuhan at makiparty daw sa kanila dahil dun sa sagutan namin ni Kit. Atsaka bigla akong nawalan ng gana, palagi namang ganito sa una excited pero biglang malulugkot. Anyway, dito sila natulog sa bahay dahil masyado ng late marami namang kwarto dito kaya ok lang. "Bakit nga pala hindi ka nanamin nakita kahapon? Sayang kasi ang saya pa naman namin nasaan ka ba?" napatingin ako bigla kay Akira tapos kay Kit na seryosong nakatingin saakin. Hinihintay niya siguro kung anung isasagot ko sa tanong nay un. Uminom muna ako ng kalalagay pa lamang na kape "Hmm, inantok na kasi ako atsaka alam niyo namang ayaw na ayaw kong sumasali sa mga ganun. Napilitan lang ako dahil kay Mama alam niyo naman yun gusto ata pati mga daga at ipis sa bahay kilala ako" balewala kong sabi, hindi ko na sinabi pa ang nangyaring yun ayoko ng magtanong pa sila at baka kung saan pa mapunta ang usapan. Tinawanan ako ni Chris "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, still the silly girl we know" nginisian ko lang siya, wala namang dahilan para magbago ako diba? Nagbago lang ang estado ko sa buhay pero ako pa rin naman yung Narumi 8 years ago minus mo nga lang sa gulo. Halos lahat kilala na ako kaya hindi na ako pwedeng maghamk pa ng away, alam niyo na mga reporter konting mali mo lang palalakihin na dapat sa kanila nagiistorytelling na lang eh may future sila doon, swear. Nag-umpisa na ako sa pagkain sila naman ay masayang nagkukwentuhan, minsan nakikitawa ako pero kadalasan ay nakikinig lang. "Pwede bang mag-usap muna tayo saglit?" nasa harapan ko lang si Kit ng tawagin niya kaagad ako "Ok, mga kababayan labas muna kami" tumango naman sila mukhang wala ngang pakialam eh dahil enjoy na enjoy sa mga pinaguusapan nila pero maliban kay Xian. He seriously look at us specially to Kit. * Sa garden kami nagpuntang dalawa may gusto kasing sabihin ewan ko ba pwede namang sa loob na lang ganun din naman. "Narumi, I mean Emerald gusto ko sanag magsorry dun sa kagabi wala ako sa posisyon para sabihin yun" mataman lang akong nakikinig sa kanya actually hindi naman na kailangang magpaliwanag, it's just that siya lang talaga sa kanilang lahat ang nagsalita tungkol sa topic nay un. "Pero seryoso ako sa sinabi ko, masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo pa ang ginagawa mo. Bilang kaibigan, nag-aalala lang ako para sayo palagi kang malungkot you rarely smile karamihan pa doon peke" nakatingin lang ako sa malayo mukha nga ako hindi nakikinig. Masasaktan? Hindi pa ba obvious? Matagal bago ako nagsalita, since pinipilit niyang pag-usapan bakit hindi pagbigyan para tumigil na siya. Huminga ako ng malalim. "Anung gusto mong gawin ko magpakaplastic sa harapan niyo? Magpanggap na masaya kahit na hindi? Magpanggap na ayos lang kahit sa loob loob ko wasak na wasak na ako? Ganun ba ang gusto mo? Kung kaibigan talaga kita sana kahit katiting maiintindihan mo. Hindi kasi ako yung tipo ng taong magaling magpanggap dahil sa totoo lang diyan ako talagang nahihirapan." Gusto ko yang sabihin kaso nga lang hindi naman niya kasi maiintindihan ang pinupunto ko. At kahit ipaintindi ko wala rin naman itong patutunguhan. "Ewan ko, siguro kai hindi ako robot? Dahil may damdamin din ako at hindi ako pusong bato gaya ng inaakala niyo?" I said calmly as much as possible I want to control my emotions. Magsasalita pa sana siya ng biglang nagsidatingan ang iba "Anu bang pinag-uusapan niyo dito?" sabi ni Chris Hindi sinasadyang uan kong napansin si Xian, nangunot ang noo ko na parang yung mga titig na ibinbigay niya kay Kit ay may pagbabanta. Anung problema nun? "Anu ba yan ate malungkot ka nanaman?" nilapitan ako ni Monica tapos ay sinuklay-suklay ang buhok ko gamit yung mga daliri niya. "Kung pwede ko lang talagang sabihin sayo---" nagitla ako ng biglang hilahin ni Joanna si Monica para takpan ang bibig. May ibinulong siyang kung anu na nakapagpakunot sa noo ko. Why are they acting weird? Una si Kit pnagalawa si Xian pati ba naman ang dalawang to? "Anung dapat sabihin?" nagising bigla yung curiosity ko sa katawan matagal bago nakasagot si Monica. Bakit parang nag-aalangan siyang ibuka ang bibig niya? "Ah, wala wala ang gusto ko kasing sabihin is bakit hindi pwedeng sabihin sayo na ang sarap tumira dito sa bahay niyo, alam mo na para samahan kita" "Bakit pakiramdam ko hindi yan ang gusto mong sabihin" "Your just imagining things Narumi alam mo naman tong si Monica may pagkaweird" assure ni Joanna na parang wala siyang ginawa kani-kanina lang. May itinatago sila, I can feel it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD