Chapter 25: Sino siya sa buhay ko? France De la Fuente Napakaraming paper works ang nadatnan ko sa opisina. Nakakainis bakit feeling ko imbis na mabawasan ay parang padagdag ng padagdag ang mga ito? Wala na akong sinayang pang oras at umupo na sa swivel chair. I need to focus, kakalimutan ko muna ang mga nangyari kanina. Sa ngayon magfofocus muna ako sa trabaho. Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ng bigla na lang may kumatok sa pintuan. Ilang beses ko bang sasabihing ayoko ng istorbo. Saang parte ng ayaw ko ng istorbo ang hindi nila maintindihan? Ilang magkakasunod pa na katok sa pinto ng office ko ang gumawa nanaman ng ingay. Are they really want to see a devil right now? Padarag kong binitiwan ang mga papeles na binabasa ko. Dahil sa tingin ko ay walang balak na tumigil sa pagkatok

