Chapter 23: Sorry, hindi ko sinasadya Narumi Gail Cruz Ngayong araw ang simula ng unang project ko at ang nakakabwisit ay sa kompanya ni Niccolo ito gagawin. Ang saya lang eh no? Araw-araw kong makikita ang pagmumukha niya. Naiisip ko pa lang kinikilabutan na ako ng bongga. Hindi lang yun ang naiisip ko ngayong papunta na kami ni Samantha sa kompanya. Nandun din kaya si France? Don't tell me pati siya kailangan ko ring pakisamahan at tiisin. Aba, eh mapapaaga ata ang pagtanda ko kapag nagkataon. Unang kita ko pa nga lang sa kanya nag-liliyab na ako sa galit, ang makasama pa kaya siya? Anu to torture? Geez. I can't believe this, if only I have a choice. Hindi naman kasi ako pwedeng lumapit kay Mama or kay Papa dahil once na sabihin ko ang hinanakit ko sa buhay ay baka magduda ang dala

