Alliyah's POV Humarap ako sa kaniya at ito 'yung lalaking pamilyar sa akin ah. 'Yung lalaking umalalay sa babae kanina sa bangka. "I'm luke." Pagpapakilala niya at naglahad ng kamay. "Alliyah." Sabi ko at tanggap sa kamay niyang nakalahad. "Pamilyar ka." Saad ko habang pinakatitigang mabuti ang mukha niya. Natawa siya ng mahina. Black hair, black eyes. Black na black pati 'yung kilay niya black na black din ang bawat hibla maging ang pilik-mata. "I'm yhuan's friend. 'Yung nasa resto." Sagot niya at napapitik ang kamay ko at umaaang ang labi ko. Tama! Siya 'yun! 'Yung naka-formal attire! "Ikaw nga! Eh anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at humarap nnag muli sa dagat. "Hindi ako na-inform na bawal pala ako dito." Sagot niya naman. "Kidding." Habol niya nang makita niya ang i

