Chapter 20

1737 Words
Alliyah's POV Umupo kami sa isang maliit na cottage sa may gilid. Nilapitan kami ng staff para asikasuhin. Ngayon ko lang din nalaman na part pala ng mga pwedeng puntahan dito ang falls. Nag serve ng drinks ang mga staff at nag lapag din ng mga pwedeng ngataain. They serve seafoods at may kakainin din, at may mga prutas na nakahiwa na. "Anong pangalan ng island mo?" Tanong ko kasi wala talaga yata akong alam sa pinuntahan ko dahil sinama lang ako dito nila kuya. Ganito mag celebrate ng birthday si kuya eh. Bond, ayaw niya ng cake and all that. Bonding lang. "Hmm? Pangalan ni Mama. Pero gusto ko sanang ibahin, wala palang akong naiisip." Sagot niya sabay dampot ng shrimp. Tumango ako at humigop sa buko juice. Ano nga bang magandang ipangalan dito? Magandang tanawin, nakakahinga ka dito. Bakasyon talaga kung bakasyon. Teka, ano bang pangalan ng Mama niya? Paang ayokong tanungin kasi iwas siya sa topic na 'yun. Baka umiyak pa. Ayaw ko din naman na nauungkat ang masasakit na ala-ala ko syempre ganoon din sila. Tumahimik nalang ako at nag isip ng pwedeng ipangalan sa isla na 'to. Hangin kaya? Kasi nakaka-relax ang hangin at nakaka-relax din ang lugar na 'to. Fresh air. Breathe. "Fujin?" Suggest ko, oh diba? Japanese word of wind or air. Napakunot ang noo niya sa akin. "Anata wa nihongo o hanasu hōhō o shitte imasu?" Dere-deretso niyang sabi kaya napakunot ang noo ko. "Huh?" Kunot noo kong tanong. Pinagsasasabi nito? "Akala ko maranong kang mag salita ng nihongo." Sagot niya at bahagyang natawa. "Hindi. Ilang words lang alam ko. So, ano? Fujin? What do you think? Wind or air meaning niya diba? Similar to breathe so yeah." Explain ko kung bakit ayun 'yung napili kong name. "Pwede rin. I'll consider that. Fujin Island." Aniya at parang inimagine sa utak niya kung bagay ba. Psh! Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang mga pagkain habang nakatingin sa rumaragasang tubig galing sa talon. Busy ako sa pag appreciate ng falls ng biglang may narinig akong pag flash ng camera kaya tinignan ko si sean at nakitang nakababa na ang cellphone niyang hawak. "Hoy! Pinicturan mo ba ako?! Delete mo 'yan!" Bulyaw ko habang nakaturo sa cellphone niya. "Luh? Assuming ka! 'Yung falls 'yung pinicturan ko!" Sagot niya sabay layo ng cellphone niyang sinusubukan kong abutin. "Sean Patingin nga!" Sabi ko kaya ipinakita niya sa akin at nag swipe siya sa kabila para makita ko na 'yung falls talaga ang pinicturan niya. Psh! "Call me Riki." He said. Napakunot ang noo ko at umupo ng maayos. "Huh? Bakit? Sean pangalan mo diba?" Tanong ko at nginata 'yung pakwan. Napangiti siya. "Nickname ko 'yun na binigay ko sa sarili ko. Kapag nagpapakilala ako ayun 'yung ginagamit ko. Ang pogi ng name ko diba?" Aniya at taas baba pa ng kilay. Napairap ako sa kaniya at inubos nalang ang kinakain. Nanatili pa kami doon ng 30 minutes hanggang sa naglakad na kami pabalik sa villa. Kulay kahel na ang langit na sumasalamin sa karragatan. Ang ganda. Hindi nakakasawang pagmasdan. "You're fun to be with. Friends?" He suddenly offered. Huh? Hindi pa ba kami friends? "Friends." Sagot ko nalang. Nag punta na akong villa at lumiko na din si sean dahil may kakausapin daw siya. Naabutan ko si mama sa may parang veranda na naka-upo. May kape na nakalapag sa ibabaw ng maliit na lamesa, habit talaga ni mama na magkape sa hapon. Pero nakuha ng pansin ko ang hawak niyang picture frame. Alam na alam ko kung sino 'yun. It's Papa. As always. Kahit saan yata dinadala 'yan ni Mama. That's her and Papa's picture, together. Nakapikit si Mama habang yakap ang picture frame nila ni Papa. Tumatama sa mukha niya ang kulay nang papalubog na araw. Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin at pinahid ang luhang hindi ko napansing nahulog na pala. Kapag masaya ka may kapalit na kalungkutan. Nakakatakot na ring maging masaya. Pumasok ako sa bathroom at sinabuyan ko ng tubig ang mukha ko. Pinunasan ko 'yun ng puting towel bago ko hinarap ang repleksiyon ko sa salamin. Tinignan ko ang bawat parte ng mukha ko. Tumitig ako sa mga mata ko at hinayaan kong makita ko ang AKO. Hinayaan kong makita ko ang totoong AKO. Ang mahinang AKO. Nakatitig lang ako sa mga mata kong walang buhay, namumula at pinaliligiran ng luhang nagbabadyang tutulo na. Sa pagpatak ng luha ko ay ang kasabay ng pagpikit ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko na parang gripo. Tinignan ko ulit ang repleksiyon ko sa salamin. "Ikaw. Ayan ka. Ikaw talaga 'yan." Mahina kong bulong sa habang nakaturo sa salamin at umiiyak. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili bago ko pinuno ng tubig ang bath tub. Maligamgam na tubig lang para mapakalma ako. Tinanggal ko ang lahat ng saplot ko sa katawan at lumusong sa tub. Humiga ako doon at ipinatong ang ulo ko sa gilid ng tub. May bula ang tubig dahil sa body wash na nilagay ko. Bumuntong hininga ako dahil sa ginhawang hatid ng medyo mainit-init na tubig sa aking katawan. Pinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang dumaloy sa aking memorya ang mga kasayihan ko nung bata ako. Mga laro na itinuro sa akin ni Papa. Mga bagay na siya ang gumagwa para sa akin. "Tsaran! Halika dito dali, anak." Tawag sa akin ni papa matapos ipakita ang bagong bili kong bisekleta. Lumapit ako sa kaniya at kinarga niya ako at inupo doon sa bisekleta ko. Muntik akong matumba dahil bahagyang hindi abot ng paa ko ang lupa dahil medyo mataas ang upuan ko. Mabuti nalang at hawak ako ni Papa. "Ganito ha? Ipadyak mo lang at aandar siya." Sabi ni papa habang nakaturo sa aapakn ko. Tumango ako at kahit na natatakot na baka matumba ako ay ipinedal ko ang bisekleta. Nang bitiwan ako ni papa ay muntik na akong masemplang kaya napahiyaw ako. "Papa!" Hiyaw ko ng muntik na akong matumba. Tatawa-tawa si papa habang hawak ako at ang bisekletang sinasakyan ko. "Nandito si Papa. Huwag kang mag-alala." Sabi niya at hinaplos sa buhok ko. Naririnig ko pa ang bahagya niyang pagtawa. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata kong patuloy na lumuluha sa ala-ala na 'yun. Basang-basa na ang pisngi ko sa mga luha. "Huwag kang mag-alala. Nandito si Papa..." mahina at puno ng lungkot akong natawa nang maalala ang sinabi niya. "...Nasaan ka ngayon?" Tanong kong puno ng sakit. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng papa ko. Sabi niya noon, hindi ko kailangang matakot o mag-alala dahil nandyan siya. Ngayon? Nasaan ka? Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakababad dito, minuto o oras? Naka-idlip din ako. Hinahayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Nang maalala si Mama ay mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo na at nagbanlaw. Hindi siya matutuwa na makita akong mukhang umiyak. Matapos magbanlaw ay hindi muna ako lumabas ng bathroom. Nanatili lang ako dito na pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Hindi na rin naman masyadong halata na umiyak ako. Naka robe ako at nakapusod ang basa kong buhok. Magulong pusod. Napag-desisyunan kong lumabas na dahil nasilip ko na madilim na sa labas. Ilang oras na ba akong nandito. "Nasaan ba?! Wala siya dito! Saan ba siya pupunta? Si sean ba? Hindi niya ba kasama?! Kanina pa?! Eh mag-iisang oras na ah! Madilim na sa labas! Nasaan na ba iyon?! Wala ba kahit saan?!" Rinig ko ang malakas at mangiyak-ngiyak na boses ni Mama. Nag panic ako dahil mukhang paiyak na siya habang may kausap sa cellphone niya. "Ma, bakit?" Tanong ko sabay haplos sa likod niya. Mabilis ang pag lingon niya sa akin at nabitawan niya pa nga ang cellphone niya at bigla nalang akong niyakap at umiyak sa balikat ko. Nagulat ako at hinaplos nalang ang likod ni mama upang kumalma siya. "Ma, bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko. Suminghot-singhot siya bago ako tinigala at hinawakan ang mukha ko. "Por Dios, Por Santo! Alliyah Heart Gutierez mababaliw na kami sa pag-aalala! Saan ka ba nanggaling?!" Sermon ni Mama. Halata ang pag-aalala sa mga mata niya gayundin sa luha na lumalabas sa mga mata niya. "Nasa bathroom lang ako, nag relax lang ako doon. Shhh, tama na. Nandito na ako." Sabi ko at niyakap siya habang hinahaplos ang likod niya. Ilang sandali pa bago kumalma si Mama. Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pintuan. Lumitaw sila kuya doon at sa likod nila ay si sean at ilan pang staff. Lahat sila ay may mga nag-aalalang mukha. Tumakbo palapit sila kuya sa amin. Nagulat ako ng bigla silang yumakap sa akin. Anong nangyari? Katatapos ko lang umiyak at dahil sa mga yakap nila baka maiyak na naman ako kaya humiwalay ako at nagtanong. "Anong nangyari? Napaano kayo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. "Ikaw ang napaano? Saan ka galing?! Mamamarat na kami kahahanap sa'yo! Muntik na naming masuntok 'yang lalaki na 'yan!" Bulyaw ni kuya ruther at itinuro pa si sean. "Tinatawagan namin ang cellphone mo, hindi mo pala dinala! Saan ka ba galing?!" Si kuya Cj naman. "Saan ka galing?" Mahinahong tanong ni kuya matt. "Nasa Bathroom." Sagot ko at inirapan sila. Psh! Halos sabay-sabay silang napabuntong hininga sa naging sagot ko. "Saan-saan na kami napadpad kahahaluglog ng isla, tapos ikaw nasa bathroom lang pala?! Buti naman." Si kuya ruther na nakahinga na nang maluwag. "Sorry naman. Ilang oras na ba akong nawala? Parang dalawang oras palang naman." Sagot ko at humalukipkip. Nakita ko kung paano umarko ang kilay ni kuya ruther. "Anong dalawa? Mag-lilimang oras ka nang nawawala. Muntik na naming suntukin 'yung huling lalaking kasama mo. " aniya at hinilot ang sintido. Limang oras na akong nasa bathroom?! Wtf Nakatulog ako, Oo. Pero ang alam ko idlip lang 'yun. Inaya na kaming maghapunan nila kuya. Sabay-sabat kaming kumain at bumalik sa kaniya-kaniya naming villa. Sinigurado ko munang maayos nang nakahiga si Mama bago ako humiga. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame. Ngayon alam ko na, hindi lang pala talaga idlip 'yun. Nakatulog pala talaga ako dahil hanggang ngayon hindi pa ako dinadalaw ng antok. Napagdesisyunan kong tumayo at maglakad-lakad sa dalampasigan. Lumabas ako at nilapitan ang dagat pero hindi ko binasa ang paa ko. Tinapak ko lang ang paa ko sa buhangin. Hinayaan kong salubungin ng balat ko ang hangin. Napapikit ako sa lamig nito. "Hey..." tawag sa akin ng kung sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD