Chapter 19

1173 Words
Alliyah's POV Mabilis na lumipas ang oras. Masaya dito at sobrang nakakagaan ng pakiramdam. Nakakapagpahinga kami dito nila Mama. Sabay-sabay kaming kumakain at nag Island Hopping kami kahapon. This is what you called vacation. Isinasama ni Mama si Sean kahit mukhang labag sa kalooban ng mga kuya ko ang pag-oo. Nalaman ko rin na siya pala 'yung Mr. Harashima, 'yung gustong mag try ng iba't ibang dish. This is our last day here. Katatapos lang namin mananghalian at nasa villa si Mama dahil gusto niyang umidlip. Sila kuya naman ay naglalaro ng billiards. Ako, ito nandito na naman sa tabing dagat. Hindi ako magsasawang tignan ang tanawin na 'to. Medyo mataas pa ang sikat ng araw kaya nandito ako sa isang puno para sumilong. May duyan pang nakasabit sa puno kaya ngayon ay naka-upo ako dito habang umiihip ang hangin at pinanonood ko ang ilang bangka na lumalayag. Hindi lang pala kami ang tao dito. Siguro ginawang exclusive 'to for a day pero ngayon may dumating pang ibang tourist. Kagaya ng dalawang couple na 'to. Pinapanood ko silang dalawa na sumakay sa bangka, pamilyar nga 'yung mukha nung lalaki, parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan at kailan. Inaalalayan nung lalaki 'yung babae na makasakay pero dumulas ang paa nung babae kaya nahulog pero nasalo naman siya nung lalaki. Nagkatitigan pa sila na parang nasa isang palabas. Psh! Iniwas ko ang tingin ko at tumingin nalang sa isang malaking rock formation, ramdam na ramdam ko kasi ang pagiging single habang pinapanood sila. Mapayapa akong nakatingin sa rock formation ng biglang may humawak sa balikat ko kaya napatayo ako at napalayo ng kaunti, sapat lang para hindi ako mahawakan ng pangahas na tao na 'yun. Sisigawan ko na sana ang pangahas pero si sean lang pala. Nakahinga ako at hinampas siya. "Bwisit ka! Kinabahan ako! Akala ko kung sino." Bulyaw ko habang nakahawak sa bandang puso ko dahil sa mabilis na pag t***k niyon. Tumawa siya ng malakas at napahawak pa sa tiyan niya. Inirapan ko siya. Nang mahimasmasan siya umayos siya ng tayo bago nagsalita. "Hindi ka naman delikado dito. Ang seguridad ng mga bisita namin ang nasa unang listahan. Kaya trust me. Hindi ka delikado dito." Aniya at bumuntong hininga para mawala na ang pagtawa niya. Alam ko naman 'yun pero ang inisip ko ay engkanto ang humawak sa akin. Engkanto nga talaga. "Tara?" Aya niya sa kung saan. Nangunot ang noo ko. "Saan?" Tanong ko habang inaayos ang buhok ko na nililipad ng hangin. "Hidden falls. May hidden falls ang isla na 'to. Doon kita dadalhin, tara?" Tanong niya sabay taas baba ng dalawa niyang kilay. "Mag papaalam muna ako sa mga kuya ko. Baka hanapin nila ako at mabatukan pa ako kapag hindi nila ako nakita." Sagot ko at nagsimulang maglakad papunta sa kinaroroonan nila kuya. Mabilis naman na sumunod si sean sa akin. Pumasok ako sa arcade keneme room na 'to at nakita sila kuya na nandoon at naglalaro ng billiards. "Punta muna akong falls. Kapag hinanap ako ni mama nandoon lang ako." Paalam ko sa kanila. "Sinong kasama mo?" Tanong ni kuya ruther. "Si sean." Sagot ko at sabay-sabay silang napalingon sa akin, nakita ko pa kung paano napa-arko ang kilay ni kuya cj at prente namang nakatayo si kuya matt habang nakatingin sa likod ko. "Ikaw ba, Anong kailangan mo sa kapatid namin? Nanliligaw ka ba? Huh?" Seryosong tanong ni kuya ruther na ang pansin ay na kay sean. Hinila ako ni kuya sa braso at nilagay ako sa likod niya. "Kuya, anong klaseng tanong 'yan?" Bulyaw ko dahil ang panget ng pagkakatanong niya. Ang panget ng tanong niya. Psh! "Tumahimik ka, hindi ikaw ang tinanong ko." Pambabara niya sa seryosong tinig. "Kuya pwede ba? Tigilan mo 'yan. Kaibigan ko lang 'yung tao. 'Wag kang mag isip ng kung ano-ano diyan." Sagot ko. Hindi ako pinansin ni kuya ruther at hinintay ang sagot ni sean. "Hindi po, hindi niya po ako manliligaw. Pasensiya na Mr. Gutierez kung hindi niyo po gusto na ako ang kasama niya papunta sa talon, ayos lang. Sige mauuna na ako." Sagot ni sean at nag bow bago mabilis na tumalikod. "Ingatan mo 'yung kapatid ko, Mr. Harashima. Ayokong babalik na may kaunting galos ang kapatid ko." Ani kuya ruther kaya napahinto si sean sa pag alis. Hinarap ako ni kuya ruther at bumulong. "Alam ko na nasa tamang edad ka na pero 'wag mong kalimutan na may mga kuya kang mag aalala." Paalala ni kuya ruther at nilagay ang kanyang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko bago ako binigyan ng ngiti. Nginitian ko siya pabalik at humarap sa dalawa ko pang kuya, tumango sila at sabay na nagsabi ng "Ingat." Umalis na kami doon at sinundan ko lang si sean dahil siya ang may alam ng daan. I am blessed to have my brothers. They're not affectionate like they don't say iloveyou pero bawing bawi naman sa mga gawa nila. They always make sure that I'm comfortable, lagi dapat silang updated sa buhay ko. Same kay mama, lagi nilang inaalala ang kalagayan niya, kapag umuuwi sila hahanapin agad nila ay si Mama at titignan kung maayos ba pakiramdam. Lahat naman yata kami ganoon, si mama lagi ang nasa isip. Siya dapat ang mauuna sa kahit ano. I am blessed to have my brothers. Napahinto ako nang lumabas kami sa maliit na parang gate tapos ay nandito na kami sa maraming puno, gubat. "Huy, dito 'yung daan?" Tanong ko at lumapit sa kaniya dahil medyo natakot ako baka may ahas dito. Lumingon siya sa akin at tumango. Lumapit ako sa kaniya, 'yung saktong mahahablot ko siya if may ahas dito. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin ng lumapit ako. Binigyan ko siya ng alanganing ngiti. Nangunot ang noo niya bago parang may ilaw na sumindi sa ulo niya na nahulaan niya na kung bakit ako mas lumapit. Tumawa siya at halos mapahiga na sa sobrang tawa, 'yung mga kamay niya nasa tiyan niya pa. Saya ka? Sampalin kaya kita. "Walang ahas dito, don't worry! Before ako maglapag ng tao dito pina-cleaning ko na 'to ng tatlong beses!" Aniya para mawala ang takot ko. Psh! Umirap ako at sumunod nalang sa kaniya. Malinis namna ang gubat siguro kaya lang ako natakot kasi medyo dim dito pero may tumatagos pa ring mga araw. Saglit lang na minuto at nakarating na kami doon. Paghawi niya ng parant baging na pintuan ay lumitaw ang falls na kanina ko pa naririnig. Wow ang ganda, para siyang bahagdan falls kasi meron sa pinakamataas tapos para niyang sinasalinan ng tubig 'yung susunod at sa susunod pa. Wow, apat siyang ganoon bago isang pababa. Wow. Nakatingin lang ako sa falls at saka inilibot ang paningin sa binabagsakan ng tubig, malinaw siya. May naliligong mag kakaibigan siguro, tatlong babae at apat na lalaki. May limang staff doon sa gilid na mukhang napansin kami at nagbigay galang. Hindi kami masyadong pansin dahil nasa gilid lang kami at kadarating lang namin. Wow lang, ang ganda dito sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD