Chapter 18

1162 Words
Alliyah's POV Nanatili pa kami roon hanggang sa makita ang araw na mag sabog ng napaka gandang kulay bago lumubog. Matapos ay sabay-sabay kaming pumunta sa isang cottage kung saan may mga pagkaing nakahanda na. Sabay-sabay kaming kakain, Oo kasama si sean. Sinalubong kami ng iilang staff na nandoon at bumati. Pansin kong masyado silang pormal pagdating kila kuya at kay sean. Pormal din naman sila sa amin pero iba pakiramdam ko mas mataas ang pagkapormal nila sa mga kuya ko pati kay sean. Umupo na ako sa tabi ni mama. Kaharap ko si kuya cj, sa tabi niya ay si kuya matt, sa tabi ni kuya matt ay nakaupo doon si sean, at ang kaharap ni sean ay si kuya ruther. "How was your stay here so far, Madamè?" Pormal na tanong ni sean kay Mama. Natawa pa ako ng mahina sa sobrang pormal niya. "Good. We're good. Maganda dito, sobrang sariwa ng hangin at presko. Bakasyon talaga kung bakasyon dito. At tawagin mo nalang akong 'tita', masyado ka namang pormal, hijo." Sagot ni Mama. Mahinang natawa si sean at tumango. Biniro-biro pa ni sean si mama ng kaunti. Natatawa naman si mama sa mga corny niyang jokes at bulok na lumang istorya. Tss. "Alam niyo po ba ang Alamat ng kawayan?" Tanong pa ni sean na parang bata. Natawa si Mama bago sumagot. "Aba`y oo naman! Ayan ang paboritong istoryang pampatulog ni Alli nung bata pa siya." Sagot ni mama, dinamay pa ako. Natawa si sean sa nalaman at sumulyap sa akin. "Talaga po? Mahilig din po pala sa mga Alamat si Alliyah." Sabi niya na parang nakarinig ng trivia at bahagyang tumango-tango pa. May multo siyang ngiti sa mga labi na parang gusto niya nang tunawa. Tss. "Ay naku, hijo! Sinabi mo pa! Hindi 'yan makatutulog nang hindi nakaririnig ng istorya." Sagot na naman ni Mama. Bakit ba biglang napunta sa akin ang topic? Nasa mga corny jokes palang sila kanina ah ngayon nasa akin na. Nagkwentuhan pa sila at tahimik lang naman ang mga kuya ko na nakikinig. Natapos kaming kumain at nag paalam ako sa kanila na maglalakad lang ako sa dalampasigan. Dahan-dahan akong lumapit sa tubig wait ka lang magiging sirena na ako. Echos lang! Hinayaan kong mabasa ang laylayan ng dress ko. Kahit gabi na maaaninag mo pa rin ang linaw ng tubig. Madilim dito pero dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga poste ng ilaw na nakatayo 'di kalayuan ay maykaunting liwanag. Idagdag pa ang maliwanag na bilog na buwan. Sobrang daming bituin na nakakalat. Pero nangingibabaw pa rin ang liwanag ng bilog na buwan. Nakatayo lang ako dito habang ang mga paa ko ay nakalubog sa tubig. Nakatingala ako, tinitignan ang bituin. Inangat ko ang kaliwang kamay ko at tila sinusubukan kong abutin ang buwan gamit ang kamay ko. Napangiti nalang ako sa ginagawang katangahan at ibinaba na ang kamay ko. Inalis ko ang paa ko sa tubig at pumunta sa tuyong buhangin. Umupo ako doon at niyakap ang tuhod ko. Pinagmamasdan ko lang paghampas ng alon sa dalampasigan at ang repleksiyon ng buwan sa tubig dagat. Kumikinang din ang tubig dagat dahil sa mga bituin. Tahimik ang lugar, umiihip ang malamig na hangin kaya nililipad ang ilang hibla ng buhok ko at mas malaya kong nakikita ang dagat. Nakaramdam ako ng presensiya sa likod ko hindi ko pinansin dahil sigurado naman akong ligtas ang lugar na 'to. Kalaunan ay tumabi siya sa akin at doon na ako napalingon. Nagulat ako ng bahagya ngunit hindi ipinahalata. "Kumusta?" Tanong niya habang nakatingin sa dagat. "Fine. Ikaw?" Tanong ko pabalik. Payapa anf lugar at sobrang tahimik. Rinig na rinig mo ang kuliglog at ang hampas ng alon sa dalampasigan. "Okay lang din. Hindi mo sinabi na kuya mo pala si Mr. Gutierez." May halong gulat at kaba niyang sabi. "Hindi ka naman nag tanong. Tatlo sila, sino diyan?" Sagot at tanong ko pabalik. "Ayun na nga! Tatlo pala! Medyo kinabahan nga ako kanina, feeling ko susuntukin ako eh." Sabi niya na parrang binabalikan ang nangyari kanina. Nakahawak pa sa dibdib niya. Psh. Natawa ako ng mahina at napailing nalang. "Sa'yo 'to?" Tanong ko, tinutukoy itong resort at Private Island. "Alin?" Aniya na luminga-linga pa. "Itong Resort na 'to." Tukoy ko. Tumango siya at tumingin sa harap bago mahinang natawa. "This is not actually mine, it's my mother' " aniya at malungkot na ngumiti sa akin. Napakunot naman ang noo ko. "Ah so pinasa sa'yo?" Tanong ko. Tumango ulit siya at tumingin sa dagat na may malungkot na ngiti. "Yeah, at my young age pinasa na 'to sa akin. I don't have any choice 'cause she's dead and my father don't like me nor consider me as his son because my motherwas his mistress." Malungkot na sabi niya habang nakatingin sa dagat na parang nakikita niya doon ang mga masasakit niyang ala-ala. "I'm sorry hindi ko alam." I apologized dahil nabulsan pa tuloy 'yung masakit na ala-ala niya. It's always those who laughs a lot that carries something on their chest. "It's okay, matagal na 'yun." Sagot niya nang hindi nakatingin sa akin. "How are you? Are you okay?" Tanong ko dahil feeling ko kailangan niya 'yung ganoong tanong. Napatingin siya sa akin. Sadness and longing is evident on his eyes. Pansin ko ring bahagyang namumula na ang mata niya. At dahil sa liwanag ng buwan ay nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya. Is he crying? "Hey..." I tried to reach him but he suddenly stood up. Tumingala siya at umiling-iling. He let out a sigh before looking at me. "Tara na, lumalim na rin ang gabi." Aya niya sa'kin habang nakalahad ang kamay. Tinanggap ko ang kamay niya at hinila niya ako pataas. Nauna na siyang naglakad sa akin. Nakasunod lang ako sa likod niya. Hindi siya 'yung taong handang mag open ng problema niya sa kahit na sino. Sa totoo lang feeling ko nga hindi niya pa nasasabi kahit kanino ang problema niya. And I will bet that even his bestfriend doesn't know what his problem is. That he has a problem. Kaunting kalabit lang, kaunting topic lang na mapalapit doon sa sakit, naiiyak na siya. I mirrored myself at him. That's me. Hinatid niya ako sa tapat ng villa namin ni Mama. Nakatapak lang ako the whole time at galing pa ako sa buhanginan kaya medyo mabuhangin ang mga paa ko. Tumapak ako doon sa door mat para doon ipagpag. "Alis na ako. Pahinga na kayo. And forget what I've just said. Nadala lang ako." Aniya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Umayos ako ng tayo at pinaningkitan siya ng mata. Prente lang siyang nakatayo doon habang ang mga kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng suot niyang beach shorts. "Hmm? Okay." Assure ko sa kaniya kaya tumango siya at tumalikod pero bago siya tuluyang makaalis nagsalita ako. "Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap. We're friends naman na eh." Sabi ko at pumasok na sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD