Alliyah's POV
Una kong binuksan na message ay `yung sa 'hey'
To: Unknown Number
Hello? Who's this?
I typed and send it. Seconds later the unknown number replied.
From: Unknown Number
After you wet my shirt with your tears you forgot me? :/
The unknown number replied. Is this yhuan? I think it's yhuan. It's yhuan.
To: Yhuan
Uhm sorry? I don't know you, bye!
I replied, I know him. He's yhuan but I want to play a bit.
Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko, indicating that someone's calling me. I answered it. Nasa likod naman ako ng sasakyannaka-upo, sila kuya naman ay nasa harapan at si Mama ay nasa harapan ko pero may isa pang upuan na pagitan.
"Hey..." mababang boses niya ang sumalubong sa akin. Iba ang boses niya dito, mas gumaspang dahil siguro sa speaker ng phone.
"It's me." Sabi niya pa na parang sa pagsasabi niya noon ay dapat makikilala ko na siya.
"Uhm sorry? But who you? How do you get my numb--" naputol ako sa sasabihin ko nang magsalita siya.
"Do you really not know me? Don't you recognized my voice?" Sabi niya pa na parang sa ganoong paraan ay makikilala ko na siya, sa pamamagitan ng boses.
"Hindi talaga, sino ka ba?" Barumbado kong tanong habang pinipigilang matawa. Narinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya.
"Are you for real?" Hindi makapaniwala at parang nadidismaya niyang tanong sa akin. Mahina akong natawa dahil naririnig ko siyang nagmumura ng mahina sa kabilang linya.
"Yhuan..." I finally said his name para matahimik na siya diyan. Bumuntong hininga siya na parang nakahinga ng maluwag at nakilala ko na siya.
"Finally. Yes, it's me. What's up?" He said cooly.
"We're going somewhere. Resort daw eh." Sagot ko sa kaniya.
"Hmm? Vacation? How many days?" He asked, suddenly interested.
"3 days." I answered habang nakatingin sa dinadaanan namin.
"3 days pala tayong hindi magkikita." Biglaan niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.
"What do you mean? Kung hindi kami aalis for 3 days, araw-araw tayong magkikita? Ano ka tanga?" Sarkastiko kong pambabara. He chuckled on the other line.
"I'm not tanga, but baliw..." sagot niya, hindi ko na masyadong narinig ang iba niyang binulong dahil masyado nang mahina.
"Ang conyo mo naman, pare dude!" I teased. It feels normal to tease him.
"Can't help it. Do you just want me to speak tagalog only?" He asked. I rolled my eyes, as if he's in front of me.
"I told you, kung saan ka mas komportable. Bahala ka!" Sagot ko at tumigil na sa tapat ng isang airport ang sasakyan namin.
"Bye, nandito na kami sa airport." I bid my goodbye.
"Okay, takecare. Enjoy!" He said at ibinaba ko na ang tawag.
Bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng airport. Chineck lahat ang dapat icheck sa amin bago kami tuluyang nilead sa daan patungo sa sasakyan namin.
Eroplano siya na may 10 seater lang. Mini plane? I don't know what this is called. Umupo kai doon at nag suot ng seatbelt. Nang ayos na ang lahat ay nag take-off na ang eroplano.
Nakatingin ako sa labas ng bintana, ulap ang nakikita ko pero ang sa baba ay para akong nakatingin sa mapa.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising lang ng tapikin ni mama ang balikat ko at sinabing mag-laland na kami.
Umayos ako ng upo at tinignan sila kuya na gising na rin at naka-ayos ng upo.
We land safely. Sinalubong kami ng mga staff ng resort. This is a Private Island. I'm sure of it.
Sinabitan ng bulaklak ang leeg namin habang binabati kami isa-isa. Sumakay kami sa golf cart. Magkatabi kami ni Mama at ang nag-drive ay ang babaeng staff at bawat dinadanan namin ay may naikwekwento siya. This is basically a tour ride.
"That path that leads to that floating cottage are made up of bamboo." Pagbibigay niya ng trivia habang nakaturo sa floating cottage. Tahimik lang kami ni Mama na nakikinig sa mga sinasabi niya. Hanggang sa ihinto niya ang golf cart sa tapat ng isang villa. Maganda ang design niya, the colors and patters matched to the beach theme. May sakura design rin.
Sobrang presko ng paligid at naririnig ko pa ang mga pag huni ng ibon kahit mag aalas tres na.
"It is very advisable to took off your shoes or slippers and just walk everywhere with your bare feet. But it is still up to you, Ma'am. At 'wag po kayong mag alala dahil ang tatapakan niyo po ay 99.9% sure na malinis at walang kahit anong bagay na pwedeng makasugat sa inyo. We always check and we always secure our customers, Ma'am. But as I said, it's still up to you. Maiwan ko na po kayo and enjoy your stay here. Have a good day!" Sabi ng babaeng staff na nag-ngangalang rachelle (nabasa ko lang 'yung name niya sa uniform niya.)
Matapos niya kaming papasukin dito sa loob ng villa ay iniwan niya na kami. Tumawag lang daw kapag may kailangan.
Nilibot ko ang loob ng villa. Maganda at presko ang dating, talagang bakasyon kung bakasyon. Ang view ng kama ay nakaharap sa dagat. Kitang-kita mula dito ang dagat. Puting buhangin at malinaw na pinaghalong asul at bahagyang green na dagat. Maririnig din ang paghampas ng alon kasabay ng paghuni ng mga ibon. Mataas pa ang sikat ng araw kahit alas tres na.
Tinulungan kong mag ayos si mama ng ma gamit namin. Naligo muna si Mama at sumunod ay ako. Matapos kong maligo ay pinili ko lang ang dress na presko na may bulaklak na design. Sleeveless, umaabot hanggang sa baba ng tuhod ang haba niya, color blue na may green na flowers, at backless. Preskong damit! Naglagay ako ng sun screen sa balat ko para hindi masunog.
"Mag paa tayo, Alli!" Excited na sabi ni mama sa'kin. Para samahan siya ay hindi na rin ako nag suot ng sapin sa paa dahil lalapitan din naman namin ang dagat.
Naka-pulupot ang braso ni Mama sa braso ko dahil bahagya siyang nahihirapang maglakad. Tumatanda na rin kasi kaya nakagabay din ako.
"Kaya pa? Dapat nagpasama tayo kila kuya." Sabi ko kay mama habang dahan-dahan kaming naglalakad.
"Hindi naman sumasakit ang paa ko. Dahan-dahan lang." Sagot niya sabay hawak sa sumbrero niyang malaki dahil umihip ang hangin.
Maraming hakbang para makarating kami sa dagat. Parang ang layo tignan dahil kasama ko si mama at mabagal lang kami. Pero malapit lang talaga.
At sa wakas ay nakarating na rin kami. Dahan dahang bumitaw si Mama sa akin at inilusong ang paa niya sa tubig. Nilaro-laro niya ang tubig gamit ang paa niya.
Naglakad-lakad lang ako pero hindi ako lumalayo kay mama. Tinaas ko muna ng bahagya ang dress ko bago ko inilusong ang paa ko sa tubig.
Ang linaw, sobrang linaw na kitang kita ko ang mga ugat sa paa ko. Inangat ko ang paningin ko para tanawin ang lawak ng tubig dagat na ito. Grabe, ang ganda. Sobra.
May malaking rock formation sa gilid kaya nagkakaroon ng lilim bahagya. Napakalawak nito. Nakakita kami ng bangka na nakalutang lang.
Inaapreciate ko pa ang tanawin ng sa 'di kalayuan at marinig ko ang boses ng mga kuya ko. Lumingon ako sa banda nila at natanaw doon silang tatlo habang may kausap na isang lalaki na hindi ko mamukhaan.
Inalis ko ang paningin ko doon dahil masyado na akong nasisilaw sa araw.
Nilapitan ko si Mama para tignan kuung okay lang siya.
"Ang ganda, Alli 'no? Ang ganda dito." Madamdaming sabi ni mama habang nakatingin sa lawak ng karagatan. Katamtaman lang ang simoy ng hangin. Malamig siya sa balat dahil siguro sa dagat.
Palapit nang palapit sila kuya dito sa amin dahil paklaro na rin ng paklaro ang boses nila pero hindi na ako nag abalang lumingon pa.
"Alli." Narinig kong tawag ni kuya ruther kaya lumingon ako. Hindi ko makita ang mukha nung nasa likuran niya dahil bahagya siyang nakaharang.
Glid si kuya kaya nakita ko ang lalaki na kausap niya kanina. Bahagya akong nagulat ng makita siya.
"Sean?" Tanong ko para makasigurado. Lumingon siya sa akin at nanlaki pa ng bahagya ang mga singkit niyang mata.
"Alliyah? Alliyah Heart!" Bati niya at akma pang yayakapin ako na ikinagulat ko rin pero bago niya pa magawa 'yon ay pumagitna si kuya ruther sa amin at bahagya siyang tumikhim.
Bumaling sa akin si kuya and he arched a brow at me. As if he's asking me a question kung bakit at paano kami nagkakilala.
"You know each other?" Tanong ni kuya cj sa gilid.
"Oh, yeah yeah. We met at my friends wedding." Paliwanag ni sean at prenteng tumayo at dumistansya sa akin. Nakaramdam sa bumibigat na awra ng mga kuya ko.
"And you two seemed... close." Kuya ruther said and as if he hate the word 'close'
Sean chuckled but I can sense nervousness in his chuckle.
"Not really. But I can say that we're friends. Not that... close as you think." Kalmadong paliwanag ni sean at lumayo pa ulit ng kaunti.
"Hmm?" Baling naman sa akin ni kuya cj na parang nagtatanong. Agad akong tumango para kumpimahin iyon.