Alliyah's POV
Hinahagod ng kamay niya ang likod ko para subukan akong patahanin.
Ang tagal na simula nang umiyak ako ng ganito. Ang pinagkaiba lang nung umiyak ako nang ganito ay sa kwarto ko habang yakap ang mga tuhod ko. Ngayon siya ang yakap ko. My bestfriend. He really is my bestfriend.
"Let it out. You have me." He said that made me cry harder on his chest. Hindi ko alam kung may nakatingin sa amin pero wala akong pake. Siya lang naman ang nakakakita na umiiyak ako.
Ilang minuto kaming nakatayo dito habang magkayakap at umiiyak ako sa dibdib niya. Dahan-dahan akong tumahan pero hindi ko inalis ang mukha kong nakasubsob sa dibdib niya. Basang basa na ang damit niya pero parang wala siyang pakealam.
Unti-unti kong niluwagan ang yakap ko at inangat ang mukha ko paalis sa dibdib niya. Tinignan ko siya habang sumisinghot-singhot pa at basa-basa pa ng luha ang mukha.
"B-Basa na 'yung damit m-mo." Mahina at nahihiya kong sabi.
Hindi niya pa rin inaalis ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Nakatitig lang siya sa mukha ko. Inangat niya ang kamay niya at gamit ang likod ng kamay ay pinunasan niya ang mukha kong may basa-basa pa ng luha.
"If you're not yet ready to tell me what your problem is, that's fine. But please do know that you have me." Kalmado at maunawain niyang sabi saka niya ako binigyan ng ngiti niya.
"Huwag mo na akong paiyakin." Natatawa kong sabi nag maramdaman na nangingilid na naman ang luha ko dahil masyado akong nasayahan sa sinabi niya.
He chuckled and hug me again. After that niyaya niya na akong umuwi.
Nasa biyahe kami pauwi at nag-usap lang kami tungkol sa mga kung anong bagay-bagay. Nagtatawanan dahil sa mga cringe experience sa buhay. I felt free. It's so peaceful. I'm at peace. This day is calming and a peaceful day.
Nang nasa tapat na kami ng bahay ay inaya ko siyang pumasok.
"Gusto mong pumasok?" Aya ko sa kaniya sa loob pero umiling lang siya.
"Okay, ingat ka." Sagot ko at ngumiti ng makahulugan sa kaniya "Salamat." Makahulugan kong saad. Salamat para sa araw na 'to at salamat sa pagiging panyo niya.
He gave me his warm smile.
"I'm always here. Remember that." Sagot niya naman habang nakasandal siya sa kotse niya.
"So, uh... Pwede kitang yayain anytime?" Bigla niyang tanong sabay kamot sa batok niya. Natawa ako ng mahina.
"Anong anytime ka diyan! Kapag free lang ako! Atsaka busy ka sa business niyo at business mo. Unahin mo 'yan." Sabi ko.
"I can always make time for you, you know." Sagot niya agad at naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Buti nalang at medyo madilim dito sa parte kung saan ako nakatayo dahil nakakahiya kung makikita niya akong nagblublush.
"Sige na! Umuwi ka na! Bye, ingat! Thank you ulit!" Mabilis kong sabi at mabilis na pumasok sa loob at sinara ang gate.
Tumayo lang ako sa likod ng gate pinakikiramdaman ang pag alis niya. Hanggang sa marinig ko ang sasakyan niyang umalis na.
Nakahinga ako ng maluwag at pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko sila kuya sa sala na nag uusap-usap, binati ko lang sila dahil ang pinaguusapan nila ay about business. Umakyat na sa kwarto ko. Nagbihis lang ako at naglinis ng katawan 'tsaka nahiga.
Binalikan ko ang mga nangyari kanina. Ang sarap sa pakiramdam na umiyak ulit ng ganoon. At dahil siguro sa pagod ay nakatulog agad ako ng hindi na nakapag hapunan.
Kinabukasan ay nagising ako sa katok sa pinto. Anong oras na ba?!
"Pasok!" Sabi ko sa kanina pa kumakatok sa pintuan ko. Nakapikit pa rin ang mata ko dahil masakit sa mata ang biglaang pagmulat.
"Good Morning!!" Malakas na sabi ng tatlo kong kuya. Agad akong nagtalukbong ng kumot dahil sa ingay nila.
"Gusto ko pang matulog!" Bulyaw ko sa kanila sa loob ng nakatalukbong kong kumot.
"Nakakasama ka naman ng loob." Sagot ni kuya cj kaya mabilis kong tinanggal ang pagkakatalukbong ko.
"Bakit? Anong meron? May nakalimutan ba ako?" Agad na tanong ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko para icheck kung may event na nagnotif doon mula sa calendar at napasapo nalang sa noo ko ng meron nga. Birthday ni kuya cj.
Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Happy Birthday!!" Bati ko sa mukha niya. Bahagya siyang lumayo.
"Magmumog ka muna. Kagigising mo lang. Baka 'di ka aware sa hininga mo." Pambabara niya. Inirapan ko siya at pumasok na muna sa bathroom para maghilamos at mag toothbrush na rin.
Paglabas ko ay naabutan silang mga prenteng nakahiga sa kama ko.
"Hoy! Umalis nga kayo diyan! 'Yung mga sapatos niyo pa!" Bulyaw ko sa kanila at pinaghahampas sila ng unan. Nakahiga sila sa higaan ko habang may sapatos na suot?! Sinong 'di mabwibwisit doon?!
Tumayo ang mga loko-loko at tinawanan lang ako.
"Magbihis ka, aalis tayo." Saad ni kuya matt. Siya ang sinundan ko, ako ang sumunod sa kaniya. So bale ang panganay, si kuya ruther and then kuya cj 'tsaka si kuya matt, at ako na! Isa lang akong babae at wala kaming nakababatang kapatid. Dapat meron sana kaso nakunan si Mama.
"Saan tayo punta?" Tanong ko.
"Resort. Magdala ka ng damit mo for 3 days." Dagdag pa ni kuya matt. Bakasyon? Pwede na rin.
"Kayo ba wala pa kayong mga girlfriend?" Tanong ko out of nowhere at halos magkakasabay silang tumalikod at maglakad palabas sa pinto.
"Hoy! Ano?!" Habol ko para sagutin nila ang tanong ko.
"Not planning to have one. Busy sa resto." Maikling sagot ni kuya ruther. I looked at kuya cj.
"Busy din ako." Sagot niya at umiwas ng tingin.
"If I know, hindi ka pa rin nakaka-move on." Pambabara ko. Totoo naman 'yun. Hindi nalang siya sumagot dahil hahaba pa ang usapan. Next akong tumingin kay kuya matt.
"Wala." Sagot niya agad.
"Ikaw pa? Babaero ka eh! Kapag ikaw may nabuntis, 'wag mong takbuhan! Panagutan mo ako mag-aalaga nung baby!" Sagot ko sabay taas baba ng kilay. Inismiran niya lang ako.
"Ikaw ba? May boyfriend ka?" Balik tanong ni kuya matt. Na agad nagpalingon doon sa dalawa.
"Wala 'no!" Mabilis kong sagot. Nanliit ang mga mata ng mga kuya ko sa akin
"Sus! Sino pala 'yung lalaking naghatid sa'yo kagabi? Akala mo 'di namin malalaman? Hah! Akala mo lang 'yon!" Mayabang na sabi ni kuya cj.
"Wala nga! Friend ko lang 'yun!" Agad kong depensa.
"Tss. 'I can always make time for you' " pang gagaya ni kuya ruther sa sinabi ni yhuan na ikinagulat ko at bago pa ako makasigaw ay umalis na silang tatlo.
Aba! Paano nila nalaman 'yun? Nandoon ba sila kagabi? Anak nang! Mga chismoso talaga! Tss.
Nag unat-unat lang muna ako bago ako pumasok sa banyo at naligo. Matapos maligo ay inayos ko na sa isang nag ang damit for three days na sinabi ng mga kuya ko. Buti nalang wala akong client ngayon at makakasama ako. Tama rin 'tong magbakasyon kami dahil masyado na rin silang lunod sa mga trabaho nila. Sa sobrang busy halos hindi na namin sila nakikita dito sa bahay. Hindi na nga nagkakasalubong pa ang mga landas namin. Text text nalang.
Matapos kong ayusin ang mga damit ko at ibang gamit na dadalhin ko ay bumaba na ako. Naabutan ko sila doon sa sala. Nandoon si Mama, sila kuya, si ate cely at ate linda.
Si ate linda at ate cely ang maiiwan sa bahay habang wala kami. Saglit lang din naman kami at uuwi din after 3 days.
"Okay ka na? Ready na lahat ng gamit mo?" Pagchecheck ni kuya matt sa akin. Tumango ako at lumapit kay mama.
"Saan tayo, Ma? May alam ka?" Tanong ko pero umiling din si Mama.
Sumakay kami sa van at minaneho 'yun ni kuya edgar. Secretary ni kuya sa pamamahala ng resto. Siya ang kanang kamay ni kuya na naaasahan niya sa halos lahat ng bagay, tulad nito. Pagiging driver.
Tahimik lang kami sa sasakyan dahil natutulog sila kuya, si mama naman tinitignan ang mga gamit baka may nakalimutan siya. Tinignan niya rin ang gamit ko. Habang ako, ito airpods on with loud music. Parang relate na relate pa ako sa kanta ni Olivia Rodrigo na "Traitor" eh hindi pa naman ako naloloko.
Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin hanggang sa makatanggap ng text. Unknown number. It says "Hey" and then isa na namang text mula sa unknown number din. "Hi Ma'am! Good day! You just won P100 peso load. To claim that, juat dial this number! Good day!" Tss. Scam.