Chapter 15

1452 Words
Alliyah's POV Matapos naming kumain ay lumabas muna ako para matignan ang paligid nitong 'carinderia' na 'to. Hindi nga siya mukhang carinderia, mas mukha na nga 'tong resto. Kinakausap ni yhuan si nanay isabella sa loob. May mga punong nakapaligid dito kaya malilim at presko. May mga bulaklak pang nagkalat sa paligid kaya parang bahay 'to na kainan. Umupo ako sa kahoy na medyo mahabang upuan malapit sa ilalim ng puno. Nangangalaglag ang mga dahon na galing sa malaking puno na 'to. Paisa-isa ang paglaglag nila. May mga tuyong dahon na nagkalat sa paligid. Huminga ako ng malalim dahil sobrang napaka-kalma nang lugar na 'to. Pumikit ako at huminga ng malalim kasabay nang pagtingala ko ay ang malakas na ihip ng hangin. Ilang segundo akong nakapikit at pinakikiramdaman lang ang hangin na tumatama sa balat ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi na ako nagmulat dahil naamoy ko ang pamilyar na pabango ni yhuan. Ilang oras palang kaming magkasama pero narecognize na ng ilong ko 'yung pabango niya. Matapang pero tila nagpapakalma. Tahimik lang kami ng ilang segundo hanggang sa magsalita siya. "Why do you want to become a lawyer?" He suddenly open the topic that I refused to continue telling him the reason a while ago. Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Nakatingala lang ako at nakapikit, patuloy pa rin ang malakas na pag ihip ng hangin. Napangiti nalang ako ng malungkot sa tanong niya. Palagi kong iniiwasan ang mga tanong na 'yan. Dahil diyan sa tanong na 'yan sobrang daming luha ang bubuhos kung sakaling makarating 'yan sa memorya na gusto kong takpan nang panandalian. Iminulat ko ang mga mata ko at lumingon sa kaniya habang suot pa rin ng aking mga labi ang malungkot na ngiti. Tinitigan niya ako pabalik na parang gusto niyang makita ang kaluluwa ko through my eyes. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang mga tuyong dahon na sumasama sa pag ihip nang malakas na hangin. "Why do I want to be a l-lawyer?" I stuttered. I This why I don't want to open this topic. I'm not yet ready and I'm so sensitive. I'm also not good at lying regarding this. The walls that I built is crumpling as I searched for the answer to his question. The pretentious tough Woman will automatically become a vulnerable girl. I can't. I'm not yet ready for this. Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pangingilid ng luha ko. Unti-unting sumisilip ang sakit na tinatakpan ng peke kong mga ngiti. "Don't answer it." Biglang sabi niya nang makita ang naging reaksyon ko. Tumango ako at tumayo na. "Tara na." Aya ko agad sa kaniya at naglakad na pabalik sa sasakyan niya. Agad akong pumasok sa loob at sinubukang pakalmahin ang sarili ko sa paghinga nang malalim. Buti nalang bukas na ang kotse niya. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ako kumalma nakita ko na siya na naglalakad patungo rito kaya umayos na ako. "Are you okay?" Tanong niya kaagad ng makapasok siya sa loob. "Yeah..." mahinang sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi na ako nakapagpaalam kay nanay isabella. Next time babalik ako dito. Pinaandar niya na ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas at tinitignan ang mga dinadaanan namin, tahimik lang din kami sa loob ng sasakyan. Sa tanong niya kanina sobra akong nanghina. Natakot akong baka bigla nalang akong umiyak sa harapan niya hindi naman kami masyadong close. Ayokong nakikita ako ng iba na umiiyak. Ayokong kaawaan nila ako at mas lalong ayokong makita nila ako bilang isang mahinang tao. Maraming nakatagong sakit ang puso ko. Kaunting kalabit lang alam kong bibigay 'yung mga pader na binuo ko para pagtakpan ang mahinang ako. This is not me. The smile that I gave to others is not my gennuine and free smile. I don't remember when was the last time that I genuinely smile to someone. Simula nung bata ako naguguluhan na ako sa lahat. Bakit bigla nalang nawala si papa? Bakit bigla nalang kaming umalis dito sa Pilipinas at nanirahan sa ibang bansa? Ang daming bakit na hindi masagot at walang kasagutan nung bata ako. Pero ngayon may mga sagot na at sobrang sakit na gusto ko nalang kalimutan na naging bata ako. Hindi ko alam kung gaano katagal ang biyahe namin. Basta huminto nalang ang sasakyan at bumaba si yhuan. Sumunod ako sa kaniya at nilibot ang paningin dito sa park na may iilang batang naglalaro. Pamilyar sa'kin ang park na 'to. Nakasunod lang ako sa likod niya hanggang sa umupo siya sa swing. Umupo ako doon sa katabing swing na 'yun. Pag upo ko doon ay saka ako humarap sa mga iilang batang naglalaro at pinanood ang mga masasaya nilang mukha na sobrang malaya. Walang problema. Isa-isa kong tinignan ang mga pinaglalaruan nila doon. Mula sa siso, padulasan, sa monkey bars kung tawagin, at sa swing pa sa kabilang banda. May mga kabataan din na nakaupo sa bench, 'yung iba mukhang mga mag jowa, 'yung iba magbabarkada. At 'yung mga ale na nagtitinda ng barbecue sa gilid. Si kuya na nagtitinda ng maraming streetfoods. Hapon na kaya wala na masyadong bata at puro na mga kabataan. Parang cycle ng buhay ng isang tao ang mga tao sa park na 'to. Mula sa mga bata na masayang naglalaro at malaya, sa mga kabataan na nagkakatuwaan, at sa mga nagtitinda. Para akong nanonood ng isang palabas. Unti-unti nang lumulubog ang araw. Kumakalat ang kahel na kulay nito sa buong paligid. Tahimik lang kami ni yhuan pareho. "Look at those two kids..." he said while looking at those two kids holding each other hands like making a promise to each other in front of the slide. They have happy smiles plastered on their faces while holding each others hand. A girl amd a boy. "They look like us..." he whispered, enough for me to hear. Mabilis akong napalingon sa kaniya at natagpuan ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Sa paraan ng pagtitig niya ay para niyang kinakabisa ang bawat parte ng mukha ko na parang hinahanap ang batang ako. "Do you remember me? Or you just chose to forget me?" He asked. I don't know if I can sense pain in his voice. He looked away. "Bakit? Bakit ka biglang nawala?" Tanong niya nang hindi nakatingin sa akin. Yhuan 'wag. 'Wag kang magtanong ng ganyan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa'yo. "Alam mo nung bigla ka nalang nawala at hindi na rin pumupunta si ate sally sa bahay. I still hope and wait. Lagi akong naka-upo sa may pintuan, lagi akong nagpupunta dito. Hoping to see you." This time sadness is evident in his voice. Parang ang tagal niyang hinintay na sabihin 'yun. "Nung time na nawala ka ang dami ding dumating na problema. Bata pa ako, dapat hindi ko pa alam 'yung mga bagay na 'yun. Nung mga panahong umiiyak ako ikaw 'yung unang tao na hinahanap ko. Unang tao na aalo sa'kin, magpapatahan. I found comfort in you. Hindi ko alam kung paano ko idedescribe 'yung feeling na tuwing iniisip kita, natutuwa ako at the same time nasasaktan. Kasi alam kong hindi ka dadating. Wala na 'yung kaibigan ko. Kaibigan ko na kahit kailan hindi ako hinusgahan. Kaibigan ko na tinulungan ako. You help me faced my insecurities. Bata palang ako naiinsecure na ako. Sa'yo ko lang sinabi 'yun." Mahabang saad niya at mahina pang natawa na parang inaalala niya ang lahat. Natahimik kami pareho. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam na hindi lang pala ako ang nasaktan sa pag alis namin. Hindi ko alam na may masasaktan pala sa pag alis ko. I became selfish. Hindi ko naisip ang mga tao sa paligid ko. 'Yung mga nararamdaman nila binalewala ko dahil lang nasasaktan ako. Bumuntong hininga ako at yumuko. Tuluyan nang dumilim lumabas na ang mga bituin sa langit. Nakaupo pa rin kami dito hanggang sa tumayo siya. "Let's go." He said while standing in front of me. He's giving me a warm smile. Tumayo ako at mabilis siyang niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at ipinalibot ang mga braso hanggang sa likod niya. Naramdaman kong natigilan siya pati ang paghinga niya yata tumigil pero hindi ako bumitaw. His perfume envaded my nostrils. It gave me comfort. He gave me comfort. Naramdaman ko ang mga braso niyang unti-unting pumupulupot sa bewang ko kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. When was the last time that I hugged someone like this? I don't know. Naramdaman kong nangilid ang luha ko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko hanggang sa napahagulgol nalang ako. Umiyak ako sa loob ng mga braso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD