Alliyah's POV
Kinain namin 'yung mga dala niyang mga pagkain habang nakatingin lang sa magandang view. Nag kumustahan lang kami. Usap lang tungkol sa kung ano anong bagay. Kalma lang. Parang hindi ako nainis sa kaniya dahil ginalaw niya minsan ang camera ko.
"You're a photograper, right?" He suddenly asked. Agad naman akong napatango.
"Bakit?" Tanong ko dahil bigla siyang naging interesado sa pagiging photographher ko.
"That's good. Might as well I'll hire you as our companys' photographer." Offer niya sa'kin. Napalingon agad ako sa kaniya.
"Huh? May ganoon ba? Photographer sa kumpanya? Ano bang business niyo?" Tanong ko dahil bago sa pandinig ko 'yung photographer sa kumpanya.
"Real State Developer." Sagot niya na mas lalong nagpagulo sa utak ko.
"Paano napasok doon ang photographer?" Tanong kong nakakunot ang noo.
"Advertisement." Sagot niya naman, bahagya akong napatango-tango. So? Pipicturan ko 'yung mga nadevelop na nila, ganoon? Ganoon pagkakaintindi ko eh.
Natahimik kami panandalian.
"Diba, Engineer ka? Bakit ka nag-take ng Engineering? Dahil sa kumpanya ng parents mo? Or dahil ayan talaga ang gusto mo?" Tutal napag-uusapan naman na ang trabaho edi magtanong din ako tungkol sa trabaho niya.
Natahimik siya sandali bago sumagot.
"Being an Engineer is really my dream." Maikling sagot niya lang na tila ba ayaw niya sa topic na 'yun. Hindi na ako nagtanong pa dahil halata naman na ayaw niyang pag-usapan.
"You? Is being a photographer is your actual dream?" Tanong niya pabalik sa akin. Doon ako natahimik. Being a photographer is not my dream. My actual dream. Since then I wanna become a lawyer but unfortunately we're financially unstable. I didn't pursue to become one 'cause we can't afford it. I know that, that's why I also don't tell that to anyone. Even my family don't know that that's my dream.
Malungkot akong napangiti bago sumagot. Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa kaniya.
"No... Being a photographer is not my dream. My actual dream." Paninimula ko. Liningon ko siya at naabutan na nakatingin siya sa'kin atnakikinig nang maigi na parang may sasabihin akong sobrang importante.
"My dream is to become a lawyer." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko. Hindi ko na pinagpatuloy ang gusto kong sabihin dahil may makakalabit na ala-ala at baka maiyak pa ako dito.
Natahimik kaming pareho sa mahabang sandali.
"Hey, let's go. It's hot here already." Aya niya dahil naka-angat na ng sobra ang araw. Siguro mga nasa 10 na o 11 na nang tanghali.
Tumayo na ako at tinulungan siyang ligpitin 'yung mga pinagkainan namin. Pinagpag niya 'yung sapin na inupuan namin bago niya pinandong sa'kin 'tsaka kami mabilis na tumakbo pabalik sa kotse niya dahil mainit na talaga. Hawak niya 'yung mga paper bag.
May pinindot siya sa susian ng kotse niya at tumunog 'yun, pumasok na agad ako sa loob at hindi na siya hinintay pa. Sumunod na rin naman siya matapos ilagay 'yung mga paper bag sa likod.
Pinaandar niya 'yung makina kaya gumana 'yung aircon. Hindi muna siya umalis at sumandal muna, nagpapahinga.
"Paano mo nga pala nalaman 'tong lugar na 'to?" Tanong ko bigla. Lumingon siya sa'kin.
"I was frustrated at so many things back then and I just accidentaly stop my car here." Sagot niya at umayos na nang upo para paandarin ang sasakyan.
Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami. Saan na nga pala kami pupunta niyan? Uuwi na, siyempre. Ano pang gusto mo?
Wala.
Uuwi? Eh bakit ibang direksiyon ang tinatahak niya?
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dahil salungat na direksiyon 'yung nilikuan niya.
"Kakain. I know a carinderia not so far from here. Masarap doon." Sagot niya at ibinaba taas pa ang kilay na parang kinukumbinsi ako. Cute
Pinabayaan ko nalang siya. Bahala siya, medyo hindi pa naman ako gutom.
Saglit lang ang biyahe dahil nakarating agad kami doon. Sumunod ako sa kaniya nung bumaba siya.
Huminto kami dito sa isang maka-lumang bahay. Parang mga nasa 90's or 80's 'tong bahay na 'to. May karatula siyang nakalagay sa harap na nakasulat sa espanyol na lenggwahe. Ang ganda ng ambiance ng lugar kasi marami ding halaman at kung ano anongbulaklak ang nasa paligid. May mga puno ring malalaki. Vintage with the hint of magical ang ambiance.
Nag tingin tingin lang ako sa paligid at hindi muna sumunod kay yhuan.
Inililibot ko ang paninginn ko habang naglalakad at dahil doon hindi ko napansin na may bato na akong madadanan. Natalisod ako doon at hindi agad na maintain ang balance kaya alam kong madadapa ako pero bago pa ako matumba sa lupa may biglang humila ng pulsuhan ko 'tsaka niya pinalibot ang braso niya sa bewang ko. Napasubsob naman ang mukha ko sa matitipuno niyang dibdib.
Sa lupa dapat ang bagsak ko ah? Bakit sa mabangong dibdib ako bumagsak? Nilayo ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Let's get in and eat." Mababang sabi ni yhuan sa tenga ko habang niluluwagan ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Hindi niya binitawan ang pulsuhan ko, hindi naman masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya doon. Gentle lang. Hinila niya na ako papasok sa loob ng makalumang bahay na ito.
"¡Hola! ¡Buen mediodía! ¡Bienvenidos!" Bati sa amin ng isang may edad na babae. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. May edad na siya pero halata sa mukha niya na may halong espanyol ang dugo niya. Nakangiti siya sa amin ng matamis.
"Oh hijo? Tuloy kayo. Nung huling punta mo rito ay ikaw lang mag-isa. Ngayon ay may kasama ka na. Nobya mo ba?" Agad na tanong ng babae. Natigilan ako pero parang wala lang kay yhuan 'yun.
"Hindi po! Hindi po!" Mabilis kong tanggi sa babae. Hindi naman talaga!
"¡Hola, hija! Ako nga pala si Isabella! Ano ang iyong pangalan?" Matigas na pagtatagalog nito. Sinuklian ko ang ngiti niya bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
"Alliyah po." Pagpapakilala ko sabay shake sa kamay niya.
"Oh siya sige. Maupo kayo at ihahanda ko ang kakainin ninyo." Saad ng ginang bago umalis sa aming harapan at pumasok doon sa may maliit na pinto na sa tingin ko ay patungo sa kusina nila.
"Can I get your number?" Tanong niya out of nowhere. Napakunot ang noo ko at agad naman siyang umiwas ng tingin at napakamot sa batok niya.
"Huh? For what?" Tanong ko dahil bakit kailangan niya nang number ko? Kung hihingin niya 'yun dahil gusto niya akong textmate pwede niya namang sabihin. Joke. Unless... Joke ulit.
"Uh... Nothing. Why? Am I not allowed to have your number? Okay then." Sagot niya na ngayon ay hindi na makatingin sa akin. Napairap naman ako at iinilahad ang kamay sa harapan niya.
Napakunot ang noo niya at tinignan ang kamay ko. Parang nagtatanong kung ajong gagawin niya sa kamay ko. Iginalaw ko ang kamay ko sign that I'm asking for his phone pero mukhang hindi niya 'yun na gets dahil pinagsiklop niya ang kamay namin. Agad kong binawi ang kamay ko at binulyawan siya.
"I'm asking for your phone! What are you doing?" Bulyaw ko. Hinihingi ko ang phone niya para malagay ko doon ang number ko sa contacts niya.
Dali-dali naman niyang kinuha ang phone niya at binigay sa akin. Naiilang na siya ngayon dahil bukod sa hindi na siya makatingin sa akin ay pansin ko ding namumula ang tenga niya. Kinakamot niya pa ng bahagya ang batok niya. Hindi ko nalang siya pinansin at binuksan nalang ang phone niya. Walang password, ang wallpaper niya ay 'yung wallpaper lang na meron ang phone. Pumunta ako sa contacts niya at tinipa doon ang number ko pero nagulat ako nang lumabas doon ang number ko. Nakasave under sa contact name na 'Her'. What? Bakit may number na ako dito? Tinignan ko si yhuan na panaka-naka lang ang tingin bago ko pinindot 'yung number ko sa contacts niya. May message siya doon. 'Good Night. Thank you for coming.' Ayan ang nakalagay. Pamilyar, gantong message din 'yung natanggap ko nung umuwi kami galing sa birthday niya ah. So, siya 'yun? Okay. Napatango-tango ako nang makumpirma 'yon dahil dinial ko ang number ko mula sa phone niya at tumunog ang phone ko.
Hindi ko nalang 'yun pinansin at binalik nalamg sa kaniya ang phone niya.
"Here" ani ko sabay abot sa kaniya ng cellphone niya. Kinuha niya 'yun kasabay ng pagsulpot ng Matandang Babae. Si Nanay Isabella.
"Oh, ito na." Wika ni nanay matapos ilapag ang kanin at iba't ibang klase na putahe. Sinigang na baboy, tinola, nilagang baka at adobo. Naglapag din siya ng pitsel na may lamang tubig saka niya nilapag ang kutsara, tinidor at baso.
"Oh sige, maiwan ko muna kayo. Kumain kayo at magpakabusog. Tawagin niyo lang ako kung may kailangan pa kayo mga apo." Saad ni nanay at nagbigay ng ngiti sa amin bago pumasok ulit doon sa pintuang nilabasan niya.
Sabay kaming kumain ni yhuan nang walang imikan.
Natapos ako sa pagkain at sumandal nalang muna sa upuan at pinanood siyang kumain. Siguro naramdaman niyang nakatingin ako kaya tumigil siya sa pagkain niya.
"Do you want some desserts?" Alok niya matapos uminom ng tubig. Tumango nalang ako.
Hindi ko napansin na nandoon pala si nanay isabella sa gilid. Kaagad siyang nag lapag ng halo-halo sa harapan ko. Nakalagay iyon sa mangkok na babasagin. Maraming sahog at umaapaw sa gatas ang halo-halo. Natakam ako kaya nilantakan ko na agad.
Nang matapos ako sa halo-halo ay mabuti na ring tapos na si Yhuan sa pagkain niya. Sininop ko ang mga pinagkainan namin sa isang tabi at ginamit ang tissue para punasan ang lamesa.
"Hati tayo sa pag bayad." Agad kong sabi dahil baka bayaran niya mag-isa ang pagkain namin. Sa kaniya na nga galing 'yung almusal tapos siya pa rin sa pananghalian? Unfair na sa part niya 'yun.
He chuckled. "No, Nanay and I talked about this. I'll always eat here and monthly I'll pay." Sagot niya sa'kin.
"Paano kapag hindi ka kumain dito for a month, magbabayad ka pa rin?" Tanong ko dahil medyo naintriga ako doon.
"Yeah, tulong ko na 'yun para sa kanila." Sagot niya at itinungkod ang makabilang siko sa lamesa at ipinatong ang mukha sa kamay niyang magkasiklop. Napalayo ako dahil medyo lumapit ang mukha niya sa mukha ko.