Alliyah's POV
Nagising ako nang bandang 6:30 na dahil pinatay ko ang alarm ko nnag tumunog 'yon ng alas sais.
Tumayo na ako at nag unat-unat saka dumeretso sa Bathroom para makaligo at maghanda para sa aya ni yhuan.
Hindi ko alam kung bakit siya nag aya pero hindi ko din alam kung bakit ako pumayag. Hindi naman ako naka-inom nung nag tanong siya. Hindi ko din naman makita ang rason para tumanggi sa alok niya. After all he's my... what? Are we friends? Do I consider him as my friend? Hmm?
Matapos maligo ay pumili na ako ng susuotin ko. Simpleng blouse lang at loose high waisted jeans. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower at hinayaan ko lang na nakaligay. Nag spray na ako ng pabango at naglagay ng liptints and cheektints and okay na!
What this is called? Matatawag ba 'tong date? Or assembly? laugh my ass off. Assembly your face! Ano nga ba 'to? Is he want to talk about something? Siya naman ang nag aya siya lang din makakasagot kung ano 'to. I'm 100% sure that this isn't a date. Friendly hang-out? What? We're not friends either. Are we? No.
Matapos mag ayos ay kinuha ko lang ang maliit kong shoulder bag na sakto ilagay ang cellphone ko at wallet 'tsaka ako bumaba para makapagpaalm kay Mama.
Wala si Mama sa kusina so sure ako nanasa garden at finidiligan ang halaman niya.
Lumabas ako at naabutan ko si mama na dinidiligan nga ang mga halaman niya.
"Ma!" I shout just enough for her to hear me. Lumingon siya sa'kin at ibinaba ang hose na hawak 'tsaka siya lumapit.
"Oh? Saan punta mo? Ayos na ayos ka yata ah. Dateba 'yan?" Asar ni mama sa'kin. Napailing nalang ako dahil hindi ko rin alam kung anong tawag dito.
"Mag kakape lang sa labas?" Patanong kong sagot at napakunot naman ang noo ni mama.
"Sino kasama mo?" Tanong niya sabay hawak sa bewang niya.
"Si yhuan." Sagot ko at hindi na makatingin sa kaniya. Hindi ko alam para akong nahuli na may ginawang kasalanan.
"Okay! Ingat kayo!" Nagulat ako sa biglaang pagpayag ni mama. Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na makasagot pa dahil tumalikod na siya at binalikan ang hose na iniwan niya. Bumalik na siya sa pagdidilig ng halaman.
I shrugged my shoulders at lumabas na dahil 7:30 na rin. 7 ang usapan pero hindi ko alam kung eksaktong 7. Is he a morning person? Ang aga eh.
Lumabas ako para silipin kung nandiyan ba siya at nagulat ako dahil nakahinto na ang sasakyan niya na parang nagpapahinga na 'yun doon for 30 minutes dahil hindi ko na naririnig ang usual na tunog ng kotse kapag kahihinto lang. Kanina pa ba siya?
Kumatok ako sa bintana ng kotse niya at bumaba ang bintana na 'yun at mukha niya ang bumungad sa akin.
"Good Morning. Get in." Fresh na sabi niya. Mas mababa ang boses dahil umaga pa. Maamoy mo pa ang mabango niyang hininga. Binigyan niya pa ako nang magaan na ngiti na parang nagsasabing 'Magandang umaga'
Sinuklian ko ang ngiti niya bago nagtanong. "Kanina ka pa ba?" Tanong ko matapos buksan ang pintuan ng kotse niya at nakapasok sa loob.
"Hindi naman, kadadating ko lang rin." Sagot niya sa tagalog na naman kaya napasandal ako dahil nanghina ng kaunti. Bakit ba palaging nakakapanghina kapag nagtatagalog siya? Kung alam niya lang na ganito ang epekto niya sa 'kin tuwing nagtatagalog siya, sobrang nakakahiya!
Bumusina muna siya bago nag drive paalis. Tahimik lang ako habang palabas kami ng village.
"Bakit nga pala tayo magkakape sa labas? I mean anong meron? Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko. Oh diba? Ang tahimik ko.
Hindi siya sumagot.
"Huy!" Tawag pansin ko sa kaniya kasi baka 'di niya lang narinig. He glanced at me and chuckled while shaking his head.
"Nothing." He said and smile a little.
Pinabayaan ko nalang. Baka naman kasi kape lang talaga. Tahimik lang kami sa sasakyan. Siguro dahil umaga palang at hindi pa masiyadong nag-fufunction utak namin. Pero kasi ako, sa umaga madaldal ako. Sa gabi ako tahimik pero energetic din. Gets mo? Oo ganoon na nga.
"Saang café tayo?" Tanong ko dahil gusto ko nang may pinag-uusapan! She just smiled at me and comtinued driving without answering. Inaantok pa ba siya? Or hindi pa nnag fufunction utak niya? Sigen nga! 'Di na muna ako mag sasalita.
As promise, hindi ako nagsalita habang bumabayahe kami. Nakatingin lang sa labas pero parang lumalayo na kami eh. Teka lang! Saan ba talaga? Magtiwala nalang ba ako? Sige na nga! Sumama nga ako malamang dapat na magtiwala ako.
Mga mag iisang oras na pero nagbiyabiyahe pa rin kami. Teka nga? Gutom na ako! Hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. Nakakakita na ako ng dagat. Huh? Bakit may dagat?
"Are you okay?" Tanong niya.
"Yeah, gutom lang. Malayo pa ba?" Tanong ko sabay himas ng tiyan ko. Natawa siya at napailing.
"I know you're gonna say that." Sagot niya at hinto ang sasakyan. Lumabas siya at sumunod din ako.
Malawak na lugar 'to na may maliliit na dami lang. Parang soccer field. May kinuha si yhuan sa likod ng sasakyan niya bago naglakad sa kung saan. Sinundan ko naman siya dahil may nakita akong pagkain na dala niya.
Huminto siya sa ilalim ng puno at naglatag doon ng sapin. Huh? Parang picnic dito ganoon? Picnic sa umaga? Okay.
Nilagay niya doon 'yung apat na paper bag na dala niya. Tinignan niya ako at sineniyasan na maupo na.
"Ano 'to? Picnic sa uma--" naputol ang sasabihin ko nang mapadako ang tingin ko sa harap kung saan kita ang malawak na dagat at ang araw na bahagya nang nakaangat. Wow. Just wow.
I stared at it in awe. Ang ganda. Nakaangat lang nang bahagya 'yung araw at 'yung ray niya ay nagrereflect sa dagat. Humahalo sa bawat alon. Tumatama din sa amin ang liwanag ng araw. Wow. Just wow.
"Ang ganda..." nasabi ko nalang bigla dahil sa pagkamangha. Akala ko maganda lang ang araw kapag pasikat palang at kapag palubog na pero maganda din siya kapag bahagya nang nakaangat. Maganda. Bagay sa dagat.
"Right. So beautiful." Sabi din niya na parang manghang-mangha din. Pero hindi ko siya pinansin nakatingin lang ako sa harapan ko.
"Hey... Let's eat." Sabi niya kaya napalingon agad ako dahil gutom na ako. Nakalabas na 'yung pagkain na nasa loob ng paper bag na dala niya. Fried hotdogs, scrambled egg, nuggets, bacon, loaf bread, tumbler n ahindi ko alam ang laman. Paper plate, metal straw and metal spoon and fork. May tasa din siyang dala. And ang nakakuha ng atensiyon ko ay may kape siyang dala! That's good.
Dinampot ko agad ang kape at tasa 'tsaka ko itinimpla ang kape sa tasa at kinuha 'yung tumbler kasi feeling ko nandoon 'yung tubig na mainit. Humigop agad ako sa kape. Napabuntong hininga nalang ako sa sarap ng kape.
"How are you?" Paunang tanong niya. Lumingon ako sa kaniya at naabutan ko ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Agad niyang iniwas ang tingin niya at tumingin nalang sa harapan.
"Ayos lang naman. Masaya...?" Patanong kong sagot sabay kibit balikat.
"Ikaw, kumusta?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.
"I'm good. Just missing someone." Sagot niya sa 'kin. Agad akong napalingon sa kaniya at muli ay naabutan ko ang mga mata niya sa akin.
"Sino? Patay na ba?" Marahan kong tanong. Malungkot siyang ngumiti at napailing. So, hindi patay?
"Kung hindi patay, bakit hindi mo puntahan? Kung namimiss mo pala siya, kumustahin mo lang, ganoon!" Sagot ko sabay higop ng kape.
Natawa siya ng mahina sa naging sagot ko.
"Nakumusta ko na. Ayos lang naman daw siya, hindi nga lang sigurado kung masaya..." naitukod ko ang pareho kong kamay sa likod ko dahil sa biglaang pagtatagalog niya. Hindi ko pinahalata 'yun masyado, kunyare chill lang ako.
"Ayos lang naman pala siya eh. Doon sa hindi sigurado kung masaya, baka naman may problema siya. Damayan mo. Hindi niya lang 'yan sinasabi." Sagot ko at tumango tango pa.
"Talaga?" Malungkot niyang tanong. Tumango naman agad ako nang hindi nakatingin sa kaniya.
"By the way, nagtatagalog ka pala? I mean 'yung first na marinig kitang magtagalog is mung birthday mo." Pansin ko lang naman. Lumingon ako sa kaniya nang nakatukod pa rin ang pareho kong kamay sa likod ko. Nakatitig lang siya sa'kin na parang pinag-aaralan niya kung anong meron sa mata ko.
"Oo naman. Gusto mo magtagalog nalang ako kapag kausap ka? Pwede ko namang gawin 'yun." Sagot niya sa diretsong tagalog, bahagya akong napasandal sa pareho kong kamay na nakatukod.
"Hindi! Okay lang! Kung saan ka mas komportable!" Sagot ko at agad na napailing. He chuckled and shrugged his shoulders.