Alliyah's POV
Pinanonood pang namin ang ibang nagbibigay ng message for the Newly Weds hanggang sa tawagin siya dahil siya ang Best Man.
"Hey bro! We knew each other since high school and I never thought, not even in my wildest dream that you will get married." He started his message by saying that. Natawa ang mga tao pati na rin ang kaibigan niya. "Akala ko mauuna pa ako sa'yo na makasal but destiny has always something to offer that will twist our fate. Look at you now. Happily married. I remember that one time... Mari 'wag kang magalit matagal naman na 'to." Sabi niya na parang nagbibigay ng babala sa bride. The Groom whispered something sa Ear ng babae. Natawa pa ng bahagya ang babae. "So that one time that you punched me because I told you to find someone that'll warm your bed because you're crying. Crying because she rejected you. I don't know who is this girl. You can't even talk properly, you're so frustrated that time like it's already end of the world." Pagkwekwento niya at natawa ang mga bisita dahil sa ekpresiyon niya na may pagtaas pa ng kamay. "But look at you now. Married and ready to build a family with Mari. I just wanna tell you that I'm always here. Kahit na anong dumating lagi lang akong nandito. Handa ako maging punching bag mo kapag frustrated ka 'cause that's what best of friends are. Always there for each other. To Mari: I know that you will take good care of my best friend and thank you for accepting him. To the both of you, love each other more and cheers for this new chapter of your lives!" He ended his statement with that and raised a glass of champagne. The Couple and guests raised too then drink.
"Thank you for inviting me here, Man! I think I just found my true love!" He jokingly said then dropped the mic. The Groom laughed and looked at my direction. He whispered something on the ears of his bride. I just shrugged at that 'cause I didn't get it.
Bumalik dito si Sean, kung saan siya naka upo kanina.
"How's my message?" Tanong niya sabay taas baba ng dalawa niyang kilay. Napairap naman ako.
"I don't know. Ask your message" Mataray kong sagot sa kaniya. Basically I'm just teasing him.
"Joke lang! Bakit ako tinatanong mo? Hindi ka naman sa 'kin nag message. Tanungin mo 'yung bagong kasal kasi para sa kanila naman 'yun!" Bawi ko agad sa pagtataray ko. Natawa siya sa pagbawi ko.
Nagpatuloy ang mga nag memessage para sa bagong kasal. Naging ganoon lang ang eksena hanggang sa natapos na at isa-isa nang nag uwian ang mga bisita. Tumayo na ako para magpaalam na sa dalawa at magpasalamat sa pag iimbita nila sa'kin.
"Hi! Uh... Thank you sa pag imbita. I'm going now. Best Wishes!" Pag papaaalm ko sa dalawa. Ngumiti sila sa'kin.
"Thank you for coming. Ingat ka. And also thanks for the great pics of us." Sabi ng babae at ngumiti sa akin.
Naglalakad na ako papunta sa pinag parkingan ko ng kotse ko nang may humawak sa palapulsuhan ko at bigla akong hinarap. Sa gulat ko, my defense mechanism kicked in and I immediately twist the arm of the person and I raised my fist, ready to punch that motherf*cker but immediately stop nang makilala ko kung sino.
"Gago ka! Muntikan na kitang masuntok! Ginugulat mo kasi ako!" Bulyaw ko sa kaniya sabay bitaw sa braso niya.
"Aray ko ah! Ang sakit nang pag ikot mo sa braso ko!" Reklamo ni sean habang hinihimas ang braso niyang pinaikot ko.
"Sorry naman! Nagulat ako eh! Akala ko kung sino!" Sagot ko sa kaniya.
"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko.
"Tatanungin sana kita kung gusto mong ihatid kita? Okay lang ba sa'yo? Hatid kita?" Alok niya pero agad akong umiling.
"No need. May dala akong sarili kong kotse." Sagot ko at tumalikod na.
"Wait lang!" Habol niya pa. Hinarap ko ulit siya.
"Ano na naman?!" Medyo inis ko nang bungad kasi naiinis na talaga ako. Gusto ko ng umuwi putcha!
"'Wag ka galit, tatanungin ko lang number mo or i********:? I'll dm you para kapag may free time ka, hang out!" Kalmado niyang sabi habang ang kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya.
"Hang out as a friend, don't worry!" Dugtong niya nang makita ang ekspresiyon ko. Bandang huli Ibinigay ko nalang ang i********: ko dahil personal masyado ang number ko. Matapos noon ay tinalikuran ko na siya, narinig ko pa siyang sumigaw ng 'bye!' bago ako sumakay sa kotse ko.
Nagmaneho na ako pauwi dahil anong oras na rin. Medyo malayo 'to sa bahay. 9:30 palang naman. Sa tansya ko mga 11 nasa bahay na ako.
At tama nga ang tansya ko. Nakarating ako sa bahay na mag 11 na.
Binati pa ako ni kuyang guard sa Main Gate ng village. Ipapark ko na sana sa garage ang kotse ko kaso may nakaharang na kotse sa tapat ng bahay namin. Kanino 'to?
Hininto ko ang kotse ko sa tabi ng kotse na nakaparada. Bumaba ako at nilapitan ang kotse. Inenspeksiyon ko muna ang kotse bago ako kumatok sa bintana. Kakatukin ko pa sana ng isa pang beses nang may magsalita sa likod ko.
"Hey..." magaspang at mababang boses ang narinig ko mula sa likod.
Humarap ako sa kaniya at nakita si yhuan. Wait! Si yhuan? Anong ginagawa nito dito?
"Oh? Anong... Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakaturo sa kaniya. Para akong nakakita ng multo.
"Wala inabot ko lang kay ate sally 'yung pasalubong ko." Sagot niyang diretso sa tagalog. Wow, parang ngayon ko nalang ulit siya narinig mag tagalog. Mas masarap sa tenga pero nakakapanghina ng tuhod. Napasandal tuloy ako sa kotse niya.
"Sa dis oras ng gabi?" Sarkastiko kong tanong habang nakasandal sa kotse niya.
Napakamot siya sa batok niya. "Uh... Yeah. Dinaan ko lang." Sagot niya sabay umayos ng tayo at naglakad palapit sa 'kin.
Napaatras ako kahit wala akong aatrasan siniksik ko nalang ang sarili ko kung saan ako nakasandal. Palapit siya nang palapit na parang walang pake. Hanggang sa huminto siya isang hakbang ang layo sa'kin.
He slowly lean at napapikit nalang ako at humarap sa gilid para akong sumu surrender sa kung ano man ang balak niyang gawin.
Hanggang sa narinig ko ang pagkalabit sa gilid ko.
"Excuse me." Sinabi niya 'yun sa gilid ng tenga ko at ramdam ko ang init ng hininga niya doon at bahagya pa akong nakiliti. Agad akong umalis sa pagkakasandal sa kotse niya at bahagya siyang tinulak para makaalis ako.
Papasok na sana ako nang tinawag niya ako sa pangalan ko na nakapagpalambot ng tuhod ko.
"Alliyah..." parang first time na lumabas sa bibig niya ang pangalan ko pero parang sanay na siyang sabihin 'yun. Ang sarap sa tenga.
"Hmm?" Sagot ko sa pagtawag niya.
"Would you like to... Uh... have some coffee you know? I know a café near here." Alok niya.
"Uh... Gustuhin ko man pero I'm tired. Kagagaling ko lang sa kasal and it's a long tiring day so I want to rest. I'm sorry." I politely declined. He chuckled.
"It's fine. How about tomorrow?" Alok niya ulit at tuminginn sa 'kin. Parang ang hirap nang mag decline.
Inisip ko kung may gagawin ba ako bukas bago ako sumagot. "Sure. Bukas nalang. Sige ah. See you tomorrow." Paalam ko.
"See you tomorrow morning. 7 am I'll be here. Good Night." Mababa at kalmado niyang sabi. Tumango ako at kumaway na parang close kami bago ako pumasok sa loob.
Pagpasok ko naabbutan ko si kuya ruther na nakaharap sa laptop niya at may kape sa gilid.
"Hi kuya!" Bati ko at humarap siya sa'kin.
"Oh? Kanina pa kita hinihintay. May iaalok ako sa'yo. Gusto mo ba ikaw na mag deal kay Mr. Harashima? Gusto niya daw kasing itry ang iba't ibang dish. So ikaw nalang ang mag acompany sa kaniya?" Tanong ni kuya and I can't decline dahil sobrang dami na ng workloads ni kuya.
"Sige, kailan ba?" Tanong ko. Ngumiti siya at tumango bago humarap ulit sa laptop niya.
"Siguro next week." Sagot ni kuya. Matapos noon ay kaunting kumustahan lang dahil ilang araw na ring hindi nagkrukrus ang landas namin sa dami ng trabaho niya bago ako umakyat sa kwarto ko at naghilamos lang at nagpalit ng pantulog bago nahiga.
Napabuntong hininga ako nnag makahiga. Ang sarap magpahinga matapos ang araw na 'to. At dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.