Alliyah's POV
Wala akong kilala na kahit na sino sa lugar na 'to maliban sa dalawang bagong kasal na nag imbita sa'kin. Kaya wala akong kausap at ayos lang sa'kin 'yun. Pero itong lalaki na 'to na kanina pa daldal nang daldal, kung ano-anong pinagsasasabi.
"You know, I visited Japan. It's such a great country! I recommend that country. You should visit Japan too!" Patuloy na pagsasalita niya lang. Kanina niya pa kinekwento sa'kin ang iba't ibang lugar at bansa na napuntahan niya at may mga nirerekomenda pa siya sa'king mga lugar. As if naman may time ako for that. Tango at ngiti lang ang nasusukli ko sa kaniya. Ayoko ng kausap, in fact gusto ko na ngang umuwi pero ayoko din namang maging rude sa nag imbita sa'kin. Pinakikinggan ko na 'tong kausap ko.
Siya pala 'yung Best Man ngayon ko lang napansin, ngayong pinagtuunan ko na ang mukha niya. Gwapo naman, singkit na mukhang malambot ang buhok. Maputi, hula ko may lahi 'to. Baka japanese kasi kanina niya pa binibida ang Japan.
"Yeah, I'm Japanese." Sabi niya na may ngiti sa labi na para bang sinagot niya ang conclusion ko sa isip ko.
"Huh?" Tanong ko dahil parang naligaw ako bigla. Natawa siya ng mahina at napailing.
"I'm japanese, yes. I noticed you're looking at my eyes..." puna niya sa pagpansin ko sa mata niya.
"... Whenever people are looking at my eyes, their next question would be... Are you japanese?" Gaya niya pa na parang tandang-tanda pa kung sino 'yung mga nagtanong noon sa kaniya. Natawa naman ako ng bahagya. Ang mga tao laging binabase sa mga nakikita ang susunod na lalabas sa bibig nila.
"You? Are you pure filipino?" Tanong niya naman sa'kin. Tumango ako.
"I am." Sagot ko at bahagyang ngumiti.
"Do you understand our language? Tagalog/Filipino Language?" Tanong ko dahil baka mamaya magtagalog ako dito at kung ano ang masabi ko tapos nakaka intindi pala siya.
"Oo naman. 10 years na akong nakatira dito sa Pilipinas. Pabisi-bisita nalang ako sa Japan." Sagot niya sa tagalog. Pansin ko na hindi na baliko ang pagtatagalog niya, halatang natagal na nga siya dito sa Pilipinas. Napatango-tango naman ako kasi wala na akong ibang matanong.
"How are you related to Newly Weds?" Tanong niya para magkaroon ng pag uusapan.
"Pre-nup photographer. Naimbitahan lang nila ako. I don't have the heart to declined their invitation." Sagot ko sabay ikot ng tinidor sa carbonara. May pagkain na dito sa lamesa kanina nung sinerve nung waitress.
"Ako naman best friend kami ng Groom." Sabi niya kahit hindi ko naman tinatanong. Wala lang, share niya lang. Pero na appreciate ko naman siya dahil siya lang yata ang kumausap sa'kin dito.
"By the way, Do you have a boyfriend?" Tanong niya bigla. Teka lang, ang mga nagtatanong lang nito eh 'yung may mga pakay. Inihinto ang pagkain sa carbonara at ibinaba ang tinidor na hawak. Umupo ako nang maayos at tinignan ng maayos itong lalaking nasa harapan ko.
"That's a very personal question, Mr...?" Mataray na sagot ko. See? Eh hindi pa nga namin kilala ang isa't isa kung makatanong na siya ng nga personal na bagay sa'kin. Psh!
"Sean. I'm Sean. And you are?" Tanong niya matapos ilahad ang kamay sa harapan ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, matapos magtanong ng pangalan, edad ko na ang tatanungin tapos kung kailan ang birthday ko tapos saan ako nakatira tapos maya-maya itatanong na niya kung pwede ba kami kumain sa labas kapag may free time kami tapos magkaka developan tapos sasaktan niya ako, lolokohin, paiiyakin, iiwanan nang luhaan at sugatan. Ako ang kawawa sa huli kaya, NO. Hindi ko ibibigay ang pangalan ko.
He cleared his throat.
"Alliyah. Alliyah Heart." Sagot ko sabay shake ng nakalahad niyang kamay. Siyempre joke lang 'yung mga 'yun. Pogi naman 'to, pwedeng magpaloko. Joke lang ulit. Hindi ko naman gusto maging rude sa unang tao na kumausap sa'kin sa lugar na 'to.
"So, my question is... Do you have a boyfriend?" Tanong na naman niya. Balik na naman siya diyan sa tanong na 'yan.
"Again. That's a very personal question, Mr. Sean." I said as I crossed my arms on my chest.
He chuckled at napailing pa.
"Para naman ready ako kung sakaling may bigla nlang susuntok sa'kin dito. Makapaghanda man lang nang hindi ako magulat." Sagot niya sabay upo nang maayos. Napailing ako.
"Don't worry. Kung may susuntok man sa'yo, ako na 'yon kung hindi ka pa titigilsa katatanong ng personal na bagay sa'kin." Seryosong sagot ko sabay titig sa kaniya. Maikling katahimikan pa bago ko binuntunan ng tawa. Natawa din siya.
"Come on! I just want us to be friends! Kanina ko pa kasi napapansin, you're alone here. Simula nung umupo ka dito wala ka nang kinausap. Baka mapanisan ka ng laway diyan, sige ka." Sabi niya sabay tawa ng mahina. Natawa din naman ako. Concerned lang naman pala, okay. I appreciate it.
"Okay, So if you think that asking you if you have a boyfriend is personal then I'll ask you different questions. Para lang may mapag usapan. Diba?" Friendly niyang sabi 'tsaka ngumiti.
"But I'm allowed to not answer the question." Pakikipag negotiate ko. Tumango naman siya agad. Buti naman at nagkakaintindihan kami.
"So, what's your favorite ulam?" He asked.
"Sinigang." Sagot ko. Napatango-tango siya.
"Favorite color?" He asked again.
"Violet." Sagot ko na naman sabay inom ng ice tea.
"When is your birthday?" Tanong niya sabay nag pangalumbaba.
"August 21" sagot ko at sumandal sa kinauupuan ko.
"How old are you?" He asked again. I don't want him to know, So...
"Next Question." I said declining his question. Natawa naman siya ng mahina.
"Hmm, okay. What's your type?" He asked while looking intently at me.
"What do you mean?" Tanong ko, medyo naguluhan kasi ako. What type?
"What type of Man you usually find yourself smitten?" He answered and shrugged. Natawa naman ako ng mahina sa ginamit niyang term.
"Smitten huh? For your information I would never be smitten to a Man. No. Never." I answered with finality.
"So that answer my first question. You don't have a boyfriend." He concluded. Naguluhan naman ako. Ano daw?
"Huh?" Tanong ko nang nakakunot ang noo. He shooked his head then bit the insides of his cheek to stiffle a laugh.
"If you have a boyfriend you would probably describing him with a love smile painted on your face." He explained with a disgusted look on his face like he's disgusted by that though of him. Natawa ako sa pinakita niyang ekspresiyon. Mukha siyang tanga.
"So you tricked me?" I hissed. He shook his head.
"I didn't. I just asked you a question. You're even allowed to not answer the question." He said then shrugged like he won. Eto siguro talaga ang plano niya kaya siya nagtanong ng mga nonsense na question bago niya tanungin 'to.
Natawa siya ng mahina dahil sa naging reaksiyon ko.
"It's okay. It's a harmless question." Pampalubag loob niya pa.
"Tsk! Harmless? Wo wouldn't know." I said then shrugged.
"I would know. I was the one who asked you. It's a harmless question. I just want us to be friends and I'm serious." Seryoso niyang sabi. Well, mukha naman siyang mabait. At first, he looked like a f-ck boy but I don't think he is.
"Sure, Friends." I politely said then smiled. He smiled back.
"So now that we're friends. Am I allowed to ask personal questions?" Dahan-dahan niyang sabi na parang nag iingat.
"Oo naman but not too personal." I answered and that made him smiled.
"Okay! So how old are you?" Tanong niya.
"20" sagot ko at napatango naman siya.
"I'm 23!" Sabi niya kahit hindi ko tinatanong. Share niya lang ulit.
"So kapag may free time ka pwede na tayo mag hang out tutal friends naman na tayo." Sabi niya pa at ngumiti. 'Yung ngiting nakita ang ngipin niya pero nawala na 'yung mata niya.
"Wow, speed ka pa sa fast ah." Sagot ko at natawa. Natawa na din siya bago dinugtungan ang sinabi niya.
"But I'm serious though." Dugtong niya sa sinabi niya before he smirked he hide that smirked by drinking the ice tea that his been holding. Napailing nalang ako.
Natahimik na kaming dalawa at pinanood nalang ang bagong kasal na ngayon ay umiinom ng champagne habang mag ka krus ang mga braso.