Alliyah's POV
Nagdaan ang mga araw at ikakasal na ang isa sa mga kliyente ko. Inimbitahan nila ako sa kasal nila at hindi ko naman matanggihan.
Ibinigay ko nasa kanila ang mga shots ng picture nila 4 days before their wedding. Para daw maayos na at ma-edit.
Nandito ako ngayon sa loob ng simbahan at nakasuot ng cream dress dahil cream&white ang theme ng kasal. Hinihintay nalang na dumating ang bride. Tinignan ko ang groom na mukhang hindi na mapakali at kinakabahan. Panay ang tapik ng paa niya sa sahig at panay din ang ayos niya ng suot niya. I wonder, ganito kaya ang lahat ng groom kapag kinakasal? I mean, lahat ba sila kagaya nito na kinakabahan at hindi mapakali?
Nagsimula nang mag violin ang babae at sinundan naman ng nag piapiano. "Your Love" ang kanta nila para sa kasal nila.
Naglakad sa aisle ang batang babae na nagsasaboy ng bulaklak sa magkabilang gilid matapos ay ang batang lalaki na sa tingin ko ay ring bearer. Sunod ang mga brides maid at ang panghuli ay ang bride.
Wala siyang kasama na maglakad sa aisle. She's all by herself. She's wearing a cream flowy dress. She has veil. Smiling with teary eyes while holding a boquet of flower.
I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But Now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom
My morning shines and I can see
Your love is like a sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like a River
That flows down thrpugh my veins
I feel the chill inside
Tinignan ko naman ang groom na umiiyak na din. Ilang beses niyang pinahid ang mga luha niyang walang tigil sa pagbuhos. Inabutan siya ng panyo ng Best Man niya at pabirong tinapik-tapik ang balikat. Umiiyak na habang tumatawa ang Groom. Is this love? Is this what they called love?
This wedding gives me chills. I never attended a Wedding. This is the first wedding I attended. It's amazing to feature this Wedding. I wonder kung habang nagsasama sila bilang mag asawa ay ganito sila. 'Yung kahit mag away hindi mawawala 'yung pagmamahal nila sa isa't isa. Specially the Man. Kaya niya bang mag timpi? Kahit na sobrang galit na siya mananaig pa rin kaya 'yung pagmamahal niya for his wife?
Madaming married couple ang nagsasabi na hindi puro saya ang pag aasawa. There are times na mag-aaway kayo, magkakatampuhan, hindi magpapansinan or worse pansamantalang magkahiwalayan. Roller Coaster daw ang buhay mag-asawa. Pero sa mga oras daw na galit kayo sa isa't isa, kailangan niyong isipin kung gaano niyo kamahal ang isa't isa para hindi manaig ang galit.
Nagtaka ang lahat nang huminto ang babae sa gitna ng aisle. Tinignan ko ang reaksyon ng groom. Nakangiti siya, genuine smile. Naglakad siya papunta sa babae at kinuha ang kamay ng babae sabay halik. Inilagay niya ang kamay ng babae sa braso niya.
So, bale nag meet sila half-way ng aisle. Pwede pala 'yun? Wow. The Guests seems like dom't get what's happening pero wala na silang sinabi at pinanood nalang kung paano maganap ang kasalan na ito.
"I do." Said the Groom matapos tanungin ng pari.
Humarap naman ang pari sa babae.
"Do you, Maria Aienna Florentes take Vincent Kyle Dashwood as your lawfully wedded Husband..." tanong ng pari sa babae at hindi agad sumagot ang babae kaya kakaba-kabang nakatingin sa kaniya ang lalaki. Mahinang natawa ang babae bago sumagot.
"I do." Sabi ng babae habang nakatingin sa mata ng lalaki. Nakahinga naman ng maluwag ang lalaki.
"... I now pronounce you Husband and Wife." Sabi ng pari at bumaling sa lalaki. "Youmay now kiss the bride." Hudyat ng pari.
Humarap ang lalaki sa babae at ngumiti atsaka dahan dahang inangat ang belo at biglaang hinawakan sa bewang at hinalikan sa labi. Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan, nakipalakpak na rin ako.
Matapos ang kasalan ay picture taking naman. Hindi ako sanay na kasama ako sa picture kasi mas sanay ako na ako ang nag pipicture. Syempre, photographer eh.
Ilang beses pang picturan kasama ang mga dumalo bago nag kanya-kanya papunta sa reception.
May dala naman akong sariling kotse kaya ayun nalang ang ginamit ko. Ang reception ay sa Resort. Naririnig ko sa iba na kanilang resort daw 'to. Well, this is huge. May wishing well sa gilid ng entrace, napapalibutan ng mga bulaklak ang labas niya. Merong nakapalibot na fairy lights sa bucket. Meron pang ilang mga alitaptap na lumilipad sa paligid noon. It looks magical. Pagkapasok mo ay may makikita kang cottages. 'Yung pabilog na cottage lang. Parang payong na cottage. May path kang dadanan papunta sa mismong reception. Napapalibutan ng bato ang gilid ng path na tinatahak mo. Sa paligid ay may mga nagliliparang alitaptap. This Resort looks so magical.
Ang mga bisita ay naka-upo na sa kanya kanya nilang seats. May nag aasisst naman so hindi ka maliligaw.
"This way, Ma'am." Saad ng isa sa mga nag aasisst. Sumunod ako sa kaniya at dinala niya ako sa isang table na may dalawang upuan at isang bilog na lamesang may bulaklak sa gitna.
Maganda ang ambiance ng lugar. Calming. May mga tumutugtog din ng instrumemts sa gilid habang may mga waiter at waitresses naman na umiikot na may dalang wine. May mga umiikot din na naglalapag ng pagkain. Naglapag na nga ng apetizer dito sa lamesa ko ang isang waitress.
As I was enjoying the calming music biglang may nagsalita sa harap kaya sa kaniya natuon ang pansin ng lahat, tumutok din sa kaniya 'yung spotlight at humina ang mga tumutugtog ng instruments.
"Good Evening, everyone!" Masiglang bati ng babae sa harapan. May hawak pa siyang papel na sa tingin ko ay invitation kung saan nakalagay ang mga guests para sa kasal na 'to.
"Mangyari po sana na tumayo ang lahat at atin pong iwelcome ang Newly Weds! Mr and Mrs Dashwood!" Puno ng galak na sabi ng babae atsaka natuon ang aming pansin sa bagong kasal na nasa gitna. Nakatapat sa kanila ang ilaw pati na rin ang atensyon ng lahat. Magkalapat ang kanilang noo habang ang kamay ng lalaki ay nakapulupot sa bewang ng babae at ang kamay ng babae ay nakapulupot sa leeg ng lalaki. Sumasayaw sila sa wedding song nila na pinapatugtog ng isang banda.
Tahimik lang ang lahat na ngayon ay naka upo na habang pinanonood ang dalawang nagsasayaw sa gitna. Ang iba ay nagvivideo pa at marahang sumasabay sa musika. Ako? Eto naka upo at sinisimulang kumain habang pinanonood ko 'yung dalawang nagsasayaw.
I was minding my own business nang may lalaking umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.
"Can I sit here?" Tanong niya habang naka upo. May magagawa pa ba ako, naka upo na nga siya. Ngumiti ako at tumango nalang.