Chapter 9

1165 Words
Alliyah's POV Ilang ulit ko pa ring sinubukan na buksan ang pinto. Gusto kong sumigaw at tawagin si Mama pero alam kong nasa kwarto niya na siya. Sa taas pa 'yun. Malayo dito kaya hindi niya rin ako maririnig. Wala ding kwenta ang pag sigaw ko. Gustuhin ko mang matulog, hindi pwede dahil baka magahol ako sa oras at hindi ko ma-edit ng maayos 'yung shots kanina. Next week dapat nasa kanila na 'yun. Kailangan nag sisimula na akong mag edit para hindi ako natataranta. Ilang beses ko nang sinubukang buksan 'yung pinto gamit 'tong susi pero ayaw talaga. Ano bang nangyayari sa pinto na 'to?! Kanina ang ayos-ayos ngayon nagloloko na. Papaayos ko 'to kapag nakalabas na ako dito! Tinigilan ko na ang pag pilit na buksan ang pinto. Umupo ako sa gilid ng kama. Huminga ako ng malalim at humiga na. Wala akong choice, maaga nalang akong matutulog para maaga akong magising at baka mapadaan dito sila nanay cely o si ate linda. Humiga ako nang maayos at hinatak ko ang kumot hanggang sa balikat ko 'tsaka ko pinikit ang mata ko. Medyo naririnig ko ang ulan mula sa labas. Pinikit ko lang ang mata ko pero hindi pa rin ako nakakatulog. Narinig ko ang pag bukas ng pinto ng bathroom. Naririnig ko rin ang mga yapak niya at ang kaluskos ng sofa na inaayos niya para maging bed. Nakakahiya naman, siya 'yung bisita tapos ako nakahiga dito pero dahil gentleman naman 'daw' siya edi bahala siya diyan. Isa pa, wala naman akong hiya. Hindi ko iminulat ang mga mata ko. Hinayaan ko lang na nakapikit. Pero hindi ako makatulog kaya nag simula na akong magbilang sa utak ko. Nakakatulong 'yun sa'kin para makatulog. Hindi pa rin ako makatulog! Ano ba! Siguro may balat talaga sa pwet si yhuan, Ang malas niya ah! O ako ang malas pero siya ang may balat sa pwet. Humarap ako sa kabilang gilid at hinili pa pataas ang kumot, kumuha na rin ako ng unan na pwedeng yakapin. Mas komportable 'to. Siguro dahil sa posisyon na 'yun ay hindi ko namalayan ay nakatulog na ako. Puyat rin kasi ako ng mga ilang araw dahil sunod-sunod din ang trabaho kaya napahimbing ang tulog ko. Nagising nalang ako sa marahang pag-alog sa balikat ko ng kung sino. Humarap ako sa kabilang gilid para hindi ako magambala ng umaalog sa balikat ko atsaka tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan. "Hey..." mababa na magaspang na boses ang nagpamulat sa diwa kong natutulog pa. Bedroom voice. Agad kong inalis ang unan na nakatakip sa mukha ko para makita kung sino man 'to. Panaginip ba? Nag-adjust pa sa liwanag ang mata ko bago ko tuluyang naimulat atsaka lang ako natauhan. Nandito nga pala ako sa Guest Room dahil na-lock kami dito kagabi ni yhuan. At si Yhuan ang gumising sa akin. Tinulak ko siya palayo sa akin dahil masyado siyang malapit at kagigising ko lang. 'Pagka-tulak ko sa kaniya dumeretso ako sa banyo at sinarado ang pinto. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Literal na morning face 'to. May Morning star pa. Nag singkit din ang mata ko dahil sa masarap na pagtulog. Grabe I slept 10 hours. May orasan dito sa banyo, Oo. 12:24 na. Naghilamos muna ako at binuksan ang isang reserbang toothbrush 'tsaka nag sipilyo. Inipit ko ang buhok sa bun. 'Tsaka ako lumabas. Paglabas ko ay wala na dito si yhuan. Malamang nandoon na 'yun sa dining table. Lumabas na ako at nakasalubong si ate linda. "Oh, tanghali ka nang nagising ah. Napasarap nga ba ang tulog o iba ang masarap..." biro pa ni ate linda at binigyan ako nang mapang asar na ngiti. "Ate Linda! Ikaw talaga! Ano ba 'yang pinagsasabi mo! Napasarap lang ang tulog ko!" I grimaced. Dirty thoughts are building up in my mind. Kinilabutan ako sa mga senaryong pumapasok sa isip ko. Erase. Erase. Erase. "Oh sige. Sabi mo eh. Sige na sabayan mo na 'yung kasama mong 'napasarap' din sa tulog. Sige na." Mapang asar pa ring sabi ni ate bago ako iniwan. Kapag ako tumingin kay Yhuan na iba na 'yung nasa isip ko. Si ate Linda ang sisisihin ko. Dumeretso na ako sa hapag kainan. Nadatnan doon si Yhuan na naka-upo lang at nakatitig sa pagkain. "Bakit? Ayaw mo ba nyan? O baka naman you're expecting the food to walk towards your mouth?" Paunang sabi ko. Nag angat siya ng tingin sa akin. He smirk at umiling-iling. Amusement is dancing in his eyes. "So this is what I get for patiently waiting for you to arrive, so that we can eat together? Let's eat, Lady." He said and motioned his hand on the seat infront of him. Umupo ako doon at inumpisahang maglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ko na siya pinansin. Maayos ang pagkain ko nang masamid ako sa kanin na biglang dumeretso sa lalamunan ko. Umubo-ubo ako at agad naman akong inabutan ni yhuan ng isang basong tubig. "Careful." He said as I was drinking the water. Ibinaba ko ang baso at umayos-ayos naman na. Nawala na ang kati. Nagpatuloy ako sa mapayapang pagkain hanggang sa matapos. Usually kapag natapos akong kumain ay hindi agad ako tumatayo hanggat hindi pa tapos kumain ang kasabay ko kaya hindi agad ako tumayo at pinanood ko lang siyang kumain without him noticing me. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagulat pa siya nang bahagya ng makitang pinapanood ko kung paano siya kumain. Nilunok niya ang nginunguya niya at uminom ng tubig bago ibinaba ang kubyertos. "Tapos ka na?" Tanong ko para makatayo na. Tumango siya habang pinupunasan niya ang bibig niya gamit ang table napkin. Tumayo ako at nag tungo sa kusina para magawa ko ang favorite drink ko. Lemonade. Naramdaman ko siyang sumunod. "What? Do you need something?" Tanong ko habang naghahalo. "We're leaving." Sabi niya na parang nag papaalam. No, nagpapaalam talaga siya. "Okay? Ingat? Yeah, Ingat kayo!" Sabi ko at uminom sa drink ko. Narinig ko ang boses ni Mama na papalapit. "Alli-- Oh? Yhuan, hinahanap ka na ng Lola mo. Alli, halika at magpaalam ng maayos." Aya ni Mama. Tumango ako at inubos ang iniinom ko bago sumunod. Nauna na din kasi si Yhuan sasasakyan nila. Nasa gate na sila at nasa labas na rin ng bahay ang sasakyan nila. "Salamat sally. Pasyal din kayo sa'min." Pagpapa-alam ni Nanang Rose. "Oo, sa Birthday ko! Punta kayo, sally!" Aya ng Mama ni Yhuan. Tumango naman si Mama habang nakangiti. "Sumama ka din." Sabi naman sa'kin ng Mama ni yhuan at sinserong ngumiti. Tumango nalang ako habang naka-ngiti. Ilan pang paalaman bago sila sumakay sa sasakyan. Tinulungan ni Yhuan ang lola niya na sumakay bago humarap sa'min. "Thank you, ate sally." He said at nag mano kay Mama. "Oh siya, sige na. Ingat ka sa pagmamaneho." Bilin ni Mama. Tumango siya at tumingin sa gawi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Napangiti siya at napa-iling iling. Sumakay na siya at bumusina pa bago tuluyang nag-drive paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD