Alliyah's POV
Sabay kaming nasamid ni yhuan dahil sa sinabi ni Mama. Inabutan agad niya ako ng tubig nnag makita na naghahanap rin ako ng tubig.
Grabe! Ano daw?! Ka-ibigan?! Tf?! Teka lang ho! Single ako pero hindi pa naman ako masyadong desperada! Muntik nang malaglag puso ko, teka kalmahan niyo lang, dahan-dahan lang.
"Oh? Ayos lang kayo mga apo? Nagbibiro lamang ako pero kung tototohanin niyo ay mas maganda!" Sabi pa ni nanang at nagtawanan sila. Ako naman ay huminga nang malalim bago tumingin sa gawi ni yhuan, pagkatingin ko doon ay nakatingin na pala siya sa'kin.
Umiwas agad ako ng tingin. Pinagpatuloy namin ang pagkain namin. Hindi na ulit ako nakinig sa mga pinag-uusapan nila dahil masyado nang ukupado ang utak ko. Lumutang tuloy utak ko dahil sa mga pinagsasasabi nila.
Medyo inis pa ako kay yhuan dahil hinawakan niya camera ko tapos babanat sila ng ganoon? Edi nawala inis ko! Ano ba yan!
Patuloy lang sila sa pagkwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain ay patuloy pa rin sila sa kwentuhan na parang walang pake alam sa oras.
Nandito na kami sa living room pero patuloy lang sila sa pag kwentuhan. Hindi ako maka-relate sa mga pinagkwekwentuhan nila. Iba't ibang pangalan ang binabanggit. Umalis muna ako doon at umakyat sa kwarto ko para ayusin 'yung mga kuha kong picture sa couple kanina.
Bumaba din naman ako at nadaanan ko pa sila na nagkwekwentuhan pa rin! Wala po ba kayong balak matulog? Alas dies na po.
Pumunta ako sa lamesa kung saan kami kumain kanina at inilapag doon ang laptop ko at ang camera.
Inilagay ko muna ang mga kuha kong shots sa laptoo at inisa-isa kong tinignan bago iedit.
Medyo matagal-tagal ang pag-eedit pero ayos lang. Nasa ikalawang picture palang ako nang makaramdam ako nang pagka-uhaw kaya nagpunta akong kusina kung nasaan ang fridge para manguha ng tubig.
Umiinom ako nang pumasok si yhuan. Nagkagulatan pa kami buti nalang at hindi ko naibuga 'yung iniinom ko. Para naman din kasing kabute, sulpot nang sulpot.
"I'll just drink water." He said na parang nag papaalam pa.
"Uh... Where's the glass?" He asked while scratching his nape. Natawa pa ako. Ibinaba ko muna ang hawak kong baso bago ako na ang kumuha dahil nasa harapan ko naman.
Binuksan ko lang 'yung drawer kung saan nakataob ang mga baso. Ako na rin nagsalin ng tubig sa baso niya, nakakahiya naman, bisita eh.
"Oh." Sabi ko sabay abot sa kaniya ng baso na may lamang tubig.
"Thanks." Sagot niya bago uminom.
Now that he mentioned about 'thanks' I remember he told me before he drove away. He said 'You owe me a thank you' and wink. He left me confused.
"Hey, I just suddenly remember. Bago ka umalis nung pagkahatid mo sa'kin. Sabi mo 'you owe me a thank you'" I said mimicking the way he said it. I look at him confused but his biting the insides of his cheek. Stiffling a laugh.
"What's funny?" Tanong ko sa kanya at pinag-taasan siya ng kilay.
"I'm not laughing. What do you mean?" Inosenteng tanong niya pa gamit ang kunyareng seryosong mukha pero may bahid pa ng konting ngiti 'yung mukha niya.
"Don't change the topic and just answer me." Kontra ko sa kaniya dahil lumilihis na kami sa tanong ko.
"What?" He asked after putting the glass down.
"What do you mean by 'you owe me a thank you'? Hindi mo ba narinig, nagpasalamat na ako sa'yo." Tanong at paliwanag ko sa kaniya.
"Hmm, when?" He asked looking a bit confused. He look like he's trying to remember it.
"The time na hinatid mo nga ako dito. Nakalimutan mo na agad?! One week palang yata 'yun!" Sagot ko sa kaniya. At parang may ilaw na sumindi sa ulo niya nang maalala niya.
"Oh! Now I remember. But It's for me to know. And for you to find out." He meaningly said while looking intently at me.
Bakit ba hindi niya nalang sabihin. Ang daming alam ah. Naconcious ako sa paraan nang pagtitig niya kaya umiwas ako ng tingin.
Narinig ko ang boses ni Mama na hinahanap ako. Lumabas ako ng kusina at hinayaan si yhuan doon.
"Bakit, Ma?" Tanong ko nang makita siya na nakatayo malapit sa lamesa.
"Oh, Alli 'nak. Nasa Guest Room na silang lahat. Dito na muna sila magpapalipas ng gabi kasi hindi na namin namalayan ang oras at umuulan na rin kasi nang malakas sa labas. Kaya dito na muna sila. Ikaw na bahala kay Yhuan, ha? Sige, bahala ka na, anak." Paliwanag ni Mama at iniwan ako dito. Hindi man lang ako hinayaang magsalita.
Humarap ako sa kusina para tawagin si yhuan pero nakaharap na siya sa'kin habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina.
"Sumunod ka sa'kin." Utos ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang presensya niya na nakasuno dsa likod.
Malapit lang naman dito sa kusina ang guest room, kailangan mo lang lumiko at pagliko mo may hallway na kung saan sa kanang gilid ay may dalawang pinto, Sa kaliwang gilid ay may isang pinto. Sa dalawang pinto ay ang dalawang malaking guestroom. Sa loob ng isang kwarto ay may dalawang malaking kama at sa dulo ng kama ay may sofa bed. So bale sa isang kwarto dalawang kama at dalawang soda bed. Sakto silang apat sa isang kwarto. May closet na din doon at may bagong mga damit para sa mga babae at lalaki. Sa nag iisang kwarto naman sa kaliwa ay may isang malaking kama at isang sofa bed, may closet at bagong damit para sa mga babae at lalaki. Kasiya ang dalawang tao. Doon ko dadalhin si yhuan.
Binuksan ko ang pinto at nauna nang pumasok, sumunod naman siya. Binuksan ko ang ilaw. Lagi namang nililinis ang guest room kaya malinis na.
"Dito ka nalang muna. Sabi ni Mama papalipasin niyo muna daw 'yung gabi dito kasi malakas ang ulan. May mga damit na doon na para sa mga lalaki. Bago pa 'yun kaya 'wag kang mag-alala. Kumpleto na din ang sa C.R. May kailangan ka pa?" Paliwanag ko sa kaniya. Nilibot niya naman nang tingin ang kwarto. Tumayo siya sa gilid ng kama.
"Hmm, I'm good here. Thanks." He said as his hands rested in his pocket.
Lalabas na sana ako nang malakas na sumarado ang pintuan kaya nagulat ako. At alma mo na ang nangyayare kapag nagugulat ang tao.
"Ay p*ke mo!" Gulat na sabi ko at bahagyang napatalon pa. Napahawak agad ako sa puso ko. Muntik nang malaglag puso ko sa gulat.
Nilapitan ko ang pintuan at binuksan. Nakailang pihit na ako pero ayaw pa rin mabuksan. Nasa labas kasi ang susi nito. I whispered a curse. Ang malas naman! May balat siguro sa pwet 'tong kasama ko! Ano ba yan!
Humarap ako sa kaniya na ngayon ay nagpipigil na naman ng tawa.
"Now, We're stuck here. Tawa ka pa diyan!" Nilapitan ko ang drawer malapit sa TV dahil sa pagkaka-alam ko merong itinatabing susi dito at buti nalang! Meron nga! Nakahinga ako nang maluwag. Dahil kung walang susi dito, Ewan ko nalang. Haynako
Nilapitan ko ang pinto at isinuksok ang susi doon at pinihit pero ayaw pa rin. Ilang ulot ko pang sinubukan 'yun pero ayaw pa rin. What the...
Napasigaw nalang ako sa inis! Arrgggggg! Nakakainis!
"Calm down." Yhuan softly said. Napabuntong hininga nalang ako.
"Ayaw mabuksan! Nasa labas mismo naka-lock!" Frustrated na sabi ko sa kaniya.
"Let me try." Binigay ko sa kaniya 'yung susi at tumabi sa gilid para siya naman ang sumubok. Ilang beses niya ring inulit pero ayaw talaga.
"I'll just take the couch. You can take the bed." Advance niyang sabi.
"What? Are you expecting me na matulog?! May trabaho pa ako! Ieedit ko pa 'yung shots ko kanina! Kaya kailangan ko talagang makalabas dito!" I frustratedly said. He look at me using his serious gaze.
"You're lack of sleep, lady. I can see it. You have dark circles under your eyes. Honestly, you look like a panda." That supposed to be a joke but because he looked serious, it doesn't turn into joke.
"Take time to rest. Use the bed. You can sleep now." He commanded.
"You're not the boss of me, So don't treat me like I'm one of your employees." Kontra ko sa kaniya. Napatigil siya sa paglalakad patungong banyo dahil sa sinabi ko.
"Not yet. Soon, you will." He said and enter the bathroom. What? Not yet and Soon I will? No. I will never