Chapter 7

1804 Words
Alliyah's POV Lumipas ang isang linggo simula noong araw na iyon. Hindi kami makalabas ni yesha dahil hindi nagkakatagpo ang schedules namin. Sunod-sunod na kase ang mga client ko. Mostly ay puro wedding. 'Yung iba naman birthday/debut, graduation or recognition. Kagaya ngayon nandito ako sa beach dahil dito gusto ng couple na ganapin ang pre-nup nila. "Isa pa po. 1... 2... 3... ayan!" Sabi ko matapos kuhanan ang couple na kinuha ako sa pre-nup nila. Tinignan ko 'yung kuha ko kung okay lang ba. Ayos naman siya, hindi naman 'to ilalabas ng ganto lang. Edit pa syempre. Pinagmasdan ko ang couple na 'to. Nakaupo ngayon ang babae sa hita ng lalaki. Grabe, respeto sa single. Nakita ko kung paano inasikaso ng lalaki ang babae. Siya ang nagpupunas ng pawis, binibigyan ng tubig. He always held her hand, kiss her forehead after one shot(photo). Small things... but those little things matter. Ilang shot nalang ay matatapos na kami. Hinihintay na lang namin ang nalalapit na paglubog ng araw para makuhanan ko sila ng photo sa harap ng papalubog na araw. Nakaupo ako ngayon kaharap ang dagat at ang araw na unti-unti nang nilalamon ng mga bundok. "Tara na po! Ilang shots nalang patapos na tayo!" Aya ko sa kanilang dalawa. Dahil natutuwa at the same time naiinggit din. Napabuntong hininga ako nang halikana na naman ng lalaki ang babae sa noo. Respeto sa'kin. Pinapwesto ko sila malapit lang sa kung saan umaabot ang alon. Nakaharap sila sa dagat pero ang ulo nila ay nakaharap sa isa't isa habang magkahawak ang kamay. Humangin nang malakas kaya nilipad ng hangin ang buhok ng babae ay nakita iyon sa shot kaya mas lalong gumanda. Sa next na shot ay magkahawak ang pareho nilang kamay habang ang noo ay magkadikit. Sa gitna nila ay kita ang sunset. Napakagandang kuha mula sa napakagandang couple. Sa dami ng couple na kinuha ako para magpicrure sa kanila ay ito palang ang nakakuha ng atensyon ko dahil makikita talagang mahal na mahal ng lalaki ang babae pero para sa babae normal na 'yun. Siguro'y palaging ginagawa ng lalaki iyon kaya sanay na ang babae. Ilang shots pa bago kami natapos. Inayos ko ang mga gamit ko bago nag paalam sa kanila. "Uwi na po ako. Ipapadala ko nalang po sa inyo." Pag papaalam ko sa kanila. Humarap sila sa'king pareho. "Salamat. Nirekomenda ka kasi sa'min ng isa sa kaibigan namin." Sabi nang babae. Ngumiti ako sa kaniya. "Pasensya ka na nga pala sa masyadong kasweetan ng mapapangasawa ko. Ganyan talaga siya, kahit nung nanliligaw palang." Hingi ng babae ng pasensya at bahagya pang tumawa. Bakit siya nanghihingi ng pasensya? Charot charot ko lang naman mga sinasabi ko sa utak ko. Stay sweet sa kanila at 'wag nila akong intindihan. "Naku! Hindi po, okay lang! Stay sweet lang po at stay inlove with each other po. Best wishes!" Sagot ko at ngumiti nang pagkatamis-tamis, 'yung ngiti na kayang pantayan 'yung kasweetan nila sa sobrang tamis. Matapos noon ay nagpaalam na ako. Ngayon ay nandito ako sa loob ng sasakyan ko at nagmamaneho pauwi. Alas-sais na rin kase. Hindi na ako dumaan sa resto para mag-drive thru kase magluluto daw si Mama, may bisita daw for dinner. 8 la naman 'yung bisita kaya, okay lang ma-late. "Pipiliin ka sa araw-araw..." pagsabay ko sa kanta ng Ben&Ben. Favorite ko silang band. Isang oras ang byahe hanggang sa makarating ako sa village at as usual haharangin muna ng guard kahit na alam na nila 'yung kotse mo, just incase na hindi daw ikaw 'yun at para ma-confirm daw kung okay lang ang passengers. Kaya okay dito sa village na 'to, mahigpit. Huminto ako sa tapat ng bahay dahil merong kotse na pumapasok sa garage. Hindi 'to isa sa mga kotse nila kuya at sigurado ako doon dahil kilalang kilala ko ang kotse nila. Pero pamilyar sa'kin 'yung kotse na 'to. Siguro ito na 'yung bisita. Ipinasok ko na din ang kotse ko sa garage. Malawak ang garage dahil mahilig sila kuya na bumili ng kotse. Bumaba ako ng sasakyan dala ang bag ko at ang canera ko na nakasabit sa leeg ko. Hawak ko din 'yung sapatos ko na hinubad ko na dahil nag tsinelas nalang ako, lagi naman akong may baon na tsinelas sa sasakyan. Narinig ko din ang pag sarado ng pintuan ng kotse na pumarada bago ako. Tinignan ko kung sino 'yun pero wala na doon. Saan na 'yun? Baka nasa loob na? Ang bilis naman parang narinig ko palang na sinarado ang pintuan ng sasakyan ah. "Looking for me?" Said low husky familiar voice at my back. Perodahil nagulat ako ay kailangan kong ipahiya talaga ang sarili ko sa sinabi ng bibig ko. "Ay p*ke mo!" Gulat na sabi ko sabay takip sa bibig ko pagkaharap ko sa taong nag-salita. He bit the insides of his cheek to contain his laugh habang ako nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko. He cleared his throat "I don't have--" bago niya pa maituloy ang sasabihin niya mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang bibig niya. Alam kong uulitin niya lang kung ano ang sinabi ko. At dahil gusto ko na namang ipahiya ang sarili ko sa ginawa kong mabilisang pagtakip sa bibig niya ay napatungkayad ako at napalapit ang mukha ko sa mukha niya to the point na nahalikan ko na ang likod ng kamay ko. Thank you sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ko. Sobrang lapit niya! Parang nag-slow motion 'yung paligid. Kitang-kita ko sa malapitan ang mala-tsokolate niyang mata at ang mahaba at mapungay niyang pilik mata. Nagtama din ang ilong namin. Mabilis akong lumayo sa kaniya nang matauhan. Malalaki pa rin ang mata ko habang siya cool lang. Parang wala lang. Tinalikuran ko siya nang walang sinasabi at pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko sila sa Living Room na nag-uusap-usap. Ang Mama ni yhuan, si nanang, ate jody at ate ning. Napalingon sila sa gawi ko dahil sa biglaang pagpasok ko. "Oh, 'nak? Buti nakauwi ka na!" Bati ni Mama sa akin at niyakap ako. Inilapag ko muna sa pinakamalapit na lamesa ang bag ko pati na rin ang camera ko. Matapos ay bumaling ako sa mga nakaupong bisita na nakangiti sa akin. Nagmano ako sa kanilang lahat. "Kumusta po?" Tanong ko kay nanang dahil nabalitaan kong nagkasakit siya. "Eto maayos-ayos na. Napakaganda mo talagang bata ka." Nakangiting sabi sa akin ni nanang at hinaplos ang mukha ko. Ngiti nalang ang isinukli ko. "Oh siya. Tara na sa hapag-kainan nang makakain na tayong lahat." Aya ni Mama at nagsitayuan ang mga bisita. Tinulak na rin ng nurse ni nanang ang wheel chair niya patungong hapag-kainan. Nagpaalam lang ako na magbibihis sa kwarto ko at susunod na rin. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis. Nagbinihis na ako nang maalala ko ang bag ko at ang camera ko. Dali-dali kong sinuot ang t-shirt ko at nagmamadaling bumababa para makuha ang gamit ko. Pababa na ako nag makita ko si yhuan na hawak ang camera ko. Tumakbo ako palapit sa kaniya at inagaw ang camera ko. Ayaw ko sa lahat ay 'yung pinakekealaman ang gamit ko. Nagulat siya sa biglaang pagbawi ko sa camera ko. "Ayoko sa lahat ay ang pinakekealaman ang gamit ko." Mariing sabi ko sa kaniya. He stepped back and raised both of his hand as if surrendering. "Okay, I'm sorry. I didn't mean to. I was just curious." He said habang nakataas pa rin ang mga kamay. "Do you know that curiousity kills the cat?" I asked and glared at him. "But I'm not a cat." He said and shrugged. "Yes, but I will kill you." I said sharply. "Hmm, now that's murderous thinking. It's really not good to touch your things. Now I know, I can't even recognize this tigress in front of me." He said while smirking and hands on his pocket. I glared at him at iniwan ko na siya doon. Inakyat ko muna sa kwarto ko ang camera at bag ko bago bumaba. Naabutan ko sila sa lamesa na nagkwekwentuhan at nagtatawanan habang kumakain. Umupo ako malapit sa dulo na kaharap si yhuan. Wala lang talaga akong choice. Dahil kung hindi ako uupo dito, ang dalawang seat ay sa tabi niya. He look at me nung umupo ako. Patuloy lang naman sa kwentuhan sila Mama at ang mga bisita habang ako ay kumakain. Inabot ko 'yung buttered vegetables na niluto ni Mama. Hindi na bago sa'kin na wala dito ang mga kuya ko dahil busy sila sa kani-kanilang negosyo. Nagsimula akong kumain habang nakikinig lang sa mga kwentuhan nila. Nakikitawa pa minsan. Nakakatuwa naman not until napunta sa'kin ang kwentuhan. "Ikaw, Alliyah? Anong pinagkaka-abalahan mo sa buhay?" Nanang Rose asked. Nilunok ko muna 'yung kinakain ko at uminom ng tubig bago sumagot. "Photographer po ako. Kaya po kung magpapapicture kayo sa birthday niyo o magpapakasal po ulit for golden anniversary, nandito lang po ako. Ako nalang po kuhanin niyo." Alok ko at bahagyang tumawa. Natawa naman si Nanang rose. "Ang mga kinukuhanan mo pala ay mga kinakasal at nagdiriwang ng kaarawan?" Tanong ni Nanang. Tumango ako. "Opo." Sagot ko at ngumiti. Napatango-tango naman si Nanang. "Itong si yhuan naman ay namamahala ng kumpanya. Ano nga ba ang tawag doon, Alice?" Baling ni nanang sa Mama ni Yhuan. "CEO po, Ma. Kahit ayaw pang tanggapin ni yhuan 'yung salitang CEO. Sa kanya kasi hangga't nabubuhay kami ng Papa niya ay sa'min daw iyon at hindi sa kaniya kaya't hindi daw maganda na tawagin siyang CEO ng kumpanyang pinaghirapan naming mag-asawa. Kaya't nagtayo siya ng sarili niyang kumpanya na palalaguin niya." Sabi ng Mama ni yhuan at ngumiti sa akin. Totoo pala ang sinabi niya. Humble siya, huh? "Parang dati ay napakakulit at puuro larong bata pa si yhuan. Ngayon ay isang lalaking makisig na at namamahala ng dalawang kumpanya. Napakabilis talaga ng panahon, ano?" Pag-alala naman ni Mama kay Yhuan nung siya'y bata pa. "Ayan naman ay totoo. Talagang mabilis ang panahon. Nung nakikita ko pa itong anak mo noon ay tahimik lang sa isang tabi at pasama-sama lang sa'yo. Ngayon ay nangunguha na ng mga litrato para sa iba. Nakatutuwa nga naman." Sagot naman ni nanang. Ngumiti lang ako. "Parati ko pang hinahangaan ang kilay ng batang ito. Makapal na maganda, bumagay sa kaniya." Dagdag pa ni Nanang bago bumaling kay Yhuan. "Anong masasabi mo, Apo?" Tanong ni nanang kay Yhuan. "I agree po. She's quiet back then, she always refuses to talk to us. Except yesha." Yhuan answered. "Hmm..." makahulugang ungot ni nanang at pinagsalit-salit ang tingin sa'min ni Yhuan. "Ano kaya kung magkita kayo ng madalas? Alam niyo na, maging mag kaibigan hanggang sa magka-ibigan!" Kinikilig na wika ni nanang at tumawa pa, nakitawa naman sila Mama, ate jody, ate ning at ang mama ni yhuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD