Chapter 6

923 Words
Alliyah's POV Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni yhuan. Hindi ako marupok. Ayoko lang tanggihan 'yung offer niya na ihatid ako pauwi. Hatid lang pauwi. Wala naman siyang sinabi pagkatapos ng usapan nila ni yesha. Patapos na kaming kumain nang may tumawag kay yesha kaya nagpaalam siyang aalis siya. Sumunod naman 'yung Akkio. Napakatahimik ng loob ng sasakyan. Kahit aircon maririnig mo. Kaming lang dalawa nandito dahil nga daw ihahatid niya ako. Moments of katahimikan, nakatingin lang ako sa dinadaanan namin hanggang sa huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Grabe ramdam na ramdam ko 'yung awkwardness. Yhuan cleared his throat. "How are you?" He asked. Para lang siguro magkaroon ng pag-uusapan. "I'm good. How 'bout you?" Sagot ko sa kaniya. "Good as well. What do you do for a living?" Tanong niya ulit para magpatuloy ang usapan at mapatay 'yung awkwardness. Unti-unti na rin namang umuusad ang mga sasakyan. "I'm a photographer. Ikaw?" Wika ko at bumaling sa kaniya na ngayon ay nagmamaneho na nang maayos dahil nakaalis na kami sa kumpulan ng sasakyan dahil sa traffic. "Acting CEO." Sagot niya. Alam ko naman na CEO na siya pero acting? "Acting? Why is that?..." I curiously asked. He gave me a sideway glance and chulked. Hilig niya tumawa ng paloob, pansin ko lang. "It's my parents company. I know that they declared me as a CEO of that company but as long as they're alive. That was their's." Paliwanag niya habang nagmamaneho. Humble, huh? Napatango-tango naman ako. "But I have my own company. It's still starting but atleast it's mine. I'll work hard until my hardships pay-off." He said using his low voice. "Hmm? Naalala ko lang sabi ng host ng party mo na Engineer ka? You're a busy man, then." I said and looked away. "I am. Engineer is my profesion but since my parents having a company to handle. And an acting ceo to do some workloads. My parents are kind of aging so I wanna help. " He said. I immediately look at him. "Busy ka pero nagawa mo pang mag-alok ng hatid pauwi?" I said at nangunot ang noo ko. "That's why you should thank me. I'm a busy Man but I'm a gentleman." He said in a matter-of-fact tone. I scoffed. "Gentleman? Baka naman sinusubukan mo lang akong ilagay sa list ng mga babaeng pinaglaruan mo? Hmm? I bet meron kang fling ngayon." Sabi ko at tumawa ng mahina. Ako pa lolokohim mo? Gentleman mo mukha mo! "Lady, you should not judge me based on a story of others told you about me." He seriously said. Sa pinsan niya na galing 'yun alangan hindi pa ako maniwala? "But that's what your cousin said." I said in a matter-of-fact tone. "You only know her Point of View. That's only her assumptions. She haven't seen me with many girls nor caught me kissing a girl. Don't you wonder, where'd she get that? What do you think?" With serious face, he said this. Dapat na ba akong matakot? Para namang pinagbintangan ko siyang magnanakaw. "Bakit naman magsasabi sa'kin si yesha ng walang kasiguraduhan? She's your cousin. Bakit siya magsisinungaling ng mga bagay-bagay tungkol sa'yo?" Wika ko. Seryoso pa rin ang mukha niya habang nagmamaneho. "I'm not saying that she's lying. What I'm saying is, Don't judge a person from what you heard about him/her. Don't judge me from what yesha told you. Neither her don't know the true story." He meaningly said bago itigil ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng village. Binaba niya ang bintana dahil hinarang kami ng guard. "Sir-- Ay! Ma'am, sige po tuloy na po." Naputol ang tanong ni kuyang guard kay yhuan nang makita niya ako. Nginitian ko 'yung guard. Itinaas na ni yhuan 'yung bintana at nagmaneho na. Tahimik na ulit ang loob ng sasakyan. Hindi na ako nagsalita dahil malapit naman na ako. Hininto na ni yhuan 'yung sasakyan sa tapat ng bahay namin. Lumabas ako at nagpunta sa tapat ng gate bago humarap sa kanya dahil lumabas din siya. "Salamat sa pag-hatid." Pagpapasalamat ko sa kaniya pagkaharap ko. Nakasandal siya sa pintuan ng driver's seat. "Say hi ate sally for me." He said and gave me a half-smile. Ngumiti ako pabalik. Pumasok na siya sa sasakyan niya at inistart na ang kotse niya. Tumayo lang ako doon at hinintay na makaalis siya bago pumasok sa loob. Akala ko aalis na siya pero ibinaba niya ang bintana niya. "You owe me a 'thank you'" he said and wink bago isara ang bintana niya at magmaneho na paalis. Iniwan niya akong nakatunganga dito. Nangunot ang noo ko. Huh? Owe him a 'thank you' ? Nagpasalamat na ako, hindi niya ba narinig? Hindi ko na pinansin at pumasok nalang sa loob ng bahay. "Nasaan po si Mama?" Tanong ko kay ate cely na nag-vavacuum. "Nasa kusina at gumagawa ng meryenda." Sagot ni ate. Ngumiti nalang ako sa kaniya. Pumunta ako sa kusina at nadatnan si Mama na gumagawa ng cinnamon. "Oh, Alli. Buti naka-uwi ka na. Sandali lang at gagawin ko muna 'tong cinnamon." Pagbati ni mama sa akin nang mapansin niya ang presensiya ko. Favorite niya ang cinnamon. Lagi siyang nagluluto niyan tuwing sunday or wednesday. "Sige, Ma. Akyat muna po ako nang makapagbihis po." Sagot ko at lumabas ng kusina. Nakasalubong ko pa si kuya ruther na may kausap sa cellphone habang sinusuot niya ang coat niya. Hindi niya na ako napansin dahil paniguradong urgent na naman 'yun. Hindi ko na lang pinansin at umakyat na ako papunta sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD