Alliyah's POV
Nagising ako around 9 in the morning, I stood up and went to the bathroom to wash my face. Pagkatapos no'n bumaba na ako at naabutan ko si mama kasama si nanay celly at ate linda na naghahanda ng almusal.
"Good Morning, Ma." I said in a hoarse voice.
"Good Morning nay celly, ate linda." I greeted ate linda and nay celly.
"Good Morning din! Upo ka na dyan! Ipag hahain ka na namin." Sabi ni nanay celly. I nod and take a sit.
"Tulog pa sila kuya, Ma?" Tanong ko kay mama 'pag kalabas niya galing sa kusina.
"Si Ruther, umalis ng maaga kasi may aasikasuhin daw. May problema yata sa resto niya. Yung dalawa tulog pa. Mamaya pa yata magigising 'yun." Sagot ni mama at nilapag ang plato ng itlog at hatdog.
"Siya nga pala 'nak. Samahan mo 'kong magsimba sa Sunday." Pakiusap ni mama at bahagyang ngumiti pa.
"Tapos..." binitin niya ang sasabihin at tumingin sa ibang direksyon. She cleared her throat. Si papa 'to. "... bisitahin natin si papa mo." Sabi niya at malungkot na ngumiti sa'kin.
Matagal nang patay si Papa. Pero kahit matagal na masakit pa rin para kay Mama. Their love for each other was unbreakable that even death can't tear it appart.
Ngumiti ako ng sigurado kay mama at tumango.
Kumain kami ng sabay ni mama. Pinasabay na rin namin si nanay celly at ate linda.
It's Friday now. Mabilis na lumipas ang buong araw hanggang sa mag gabi na naman. Pahiga na ako at patulog na ng mag ring ang phone ko. It's yesha. Sinagot ko agad
"Hey! I was calling you so many times! Busy ka ba?" Bungad niya sakin pagkasagot ko sa tawag.
"Sorry. Naiwan ko kasi 'yung phone ko dito sa kwarto. Nasa baba ako at tinutulangan si mama don kanina sa garden niya." Paliwanag ko sa kaniya.
"It's okay! By the way! Sunday ha! I just call because i wanted to remind you." Sabi niya sakin. Excited masyado si babaita.
"Oo. 'Di ko naman nakakakimutan, okay? Pero, gusto mong sumama samin magsimba ni mama sa sunday?" I asked her.
"Sure! What time ba?" She asked. Ang conyo nitong babaita na'to. Sabagay galing ibang bansa eh.
"Morning. 2nd Mass, dahil hindi tayo aabot ng 1st Mass." I said and lie at my bed. I hug chewwy(my bear). Bigay sakin ni papa ang bear na 'to nung nag 18 ako.
"Okay? 8 o'clock?" She asked.
"Yeah. Daanan ka namin o punta ka dito?" I asked.
"Punta na lang ako dyan! Nandito naman ako sa bahay nila Yhuan! Haha. Nakitira muna ako kila tita!" sabi niya pa at bahagyang natawa.
"Sige. Matutulog na 'ko. Bye, see you on sunday." Paalam ko sa kanya.
"Okay! Bye! See yah!" She said and I ended the call, nakatulog agad ako.
Kinabukasan mabilis na namang lumipas ang araw at ngayon ay sabado na ng gabi. Matutulog na naman ako at bukas na kami magsisimba.
Nang magising ako kinabukasan, pumasok agad ako sa bathroom at naghilamos. Tinignan ko 'yung oras. 7:03 na. Nag ayos na ako para magsimba.
I don't like dresses but nagsusuot naman ako ng dress kapag magsisimba.
Or any kind of formal occasions.
Nagsuot lang ako ng dress na hanggang tuhod. Maputi 'yung balat ko pero hindi sobrang puti. Sakto lang. Light blue na dress ang suot ko.
Bumaba na ako dala ang shoulder bag ko.
Mag-aalmusal pa naman kami ni mama. Nasa may Living Room palang ako nang mag-ring bigla 'yung phone ko.
Yesha♡ Calling...
I answered the call immediately. And talk to her while walking onto the kitchen to get a glass of water.
"Hey! Good Morning! I'm on my way now! And uh... May kasama ako." She said. Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niyang may kasama siya.
"Sino?" Sabi ko habang kumukuha ng tubig.
"My Cousin and his friends." Nasamid ako sa iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya. Cousin?! His?! Hala! Si yhuan?!
"Hey! Are you okay?" Yesha asked worried.
"Yeah, I'm okay. Umiinom kasi ako ng tubig. By the way. His? Who?" I asked.
"Yhuan! And his friends! But don't worry! They will just drop me there and they will be minding their own business." She said, like it wasn't a big deal. Well, it's not a big deal. Pagkatapos namin mag usap ay pinatay ko na ang tawag. Kumakain na kami ni mama.
"Uh... Ma. Sasama pala satin si yesha." Sabi ko. Agad namang ngumiti si mama at tumango dahil may nginunguya pa siya.
"Okay! Tatlo pala tayo!" Sabi ni mama na parang batang excited.
Pagkatapos naming kumain at ayos na rin naman kami. Okay na! Lumabas na kami pagkatapos magpaalam kila nanay celly at ate linda na sila muna ang bahala sa bahay at kapag nagising sila kuya sila nalang magsabi na nagsimba kami.
Yesha♡ Calling...
"Ayaw kaming papasukin dito! Kailangan daw ng Permit nyo!" Yesha said, frustrated.
"Let me talk to the guard." I said. Narinig ko ang boses ng guard.
"Hello po Ma'am." Sabi ng guard.
"Kuya. Gutierez po. Let them in." I said.
"Sige po ma'am. Pasensiya na po, wala naman po sila dito sa listahan na papapasukin at wala din po silang I.D ng Village kaya po hindi ko po sila pinapasok. Pasensiya na po ulit Ma'am." Hingi ng pasensiya ng Guard. Tama lang kasi sa Village na 'to kailangang may permit o may I.D yung papasok bago papasukin.
"Yeah, don't worry it's okay!" I assured the guard.
"Sige po Ma'am." Sabi ng guard at narinig ko na ang boses ni yesha.
"Thank You! Bye!" She said and ended the call.
Nakaupo ako dito sa sala dahil hindi pa pala tapos mag ayos is mama. Nanatili pa akong ng ilang minuto.
"Hija. May bisita yata kayo?" Sabi ni ate linda.
"Yeah ate, papasukin nyo na lang po. Thank you po!" I said and smile.
"Hey! Sa wakas! Nakarating na rin ako sa bahay nyo!" Bungad agad ni yesha pagkapasok sa bahay. Yumakap agad siya sakin.
"Yesha, hija!" Bati ni mama kay yesha pagkababa niya. Nagmano si yesha kay mama. Nag usap pa sila dun ng kaunti bago kami umalis sa bahay at nag punta sa simbahan.
Pagkarating sa simbahan. Sa labas pa lang ng simbahan may nagtitinda na ng sampaguita. Mga bata pa ang nagtitinda ng sampaguita. May mga namamalimos, mga matatandang nagtitinda ng candy, may nagtitinda ng street foods, cotton candy, marami pa.
Pumasok kami sa simbahan at umupo sa bandang likuran at nakinig sa Sermon ng pari.
Pagkatapos naming magsimba, may hinanap kami ni mama. 'Yung matanda na nagbebenta ng tinapay na tag-sa-sampung piso isa. Nasa'n na kaya si tatay Arwin?
Kadalasan paglabas ng simbahan naka-abang na si tatay, pero parang wala siya ngayon.
"Ma, wala yata si tatay arwin?" Sabi ko habang inililibot pa rin ang paningin at nagbabakasakaling mahanap si tatay arwin.
"Who's si tatay arwin?" Tanong ni yesha sa'kin.
"'Yung matandang lalaki na nagtitinda ng tinapay, lagi kaming bumibili do'n tuwing linggo." Sabi ko kay yesha, napatango tango naman siya.
"Anong itsura?" Tanong ni yesha at pinalibot din ang paningin niya.
"Mga hanggang dito ko." Sabi ko at ipinantay ang kamay ko sa leeg ko. "Tapos, nakasumbrero 'yun palagi, pero hindi pa rin maitatago ang puti niyang mga buhok, payat at may hawak na timba at bila-o." Paliwanag ko sa kanya.
"Ayun yata!" Sabi ni yesha at may tinuro, nilingon ko 'yun at nakita ko si tatay arwin na nakaupo habang hinihilot hilot ang buto niya sa paa. Nilapitan agad namin siya.
"Tay Arwin!" Bati ko ng makalapit sa kanya. Napalingon naman siya sa'kin.
"Oh? Ineng. Kamusta na?" Tanong pa niya sa'kin habang nakangiti.
"Ito, okay naman po! Amin na 'yan 'tay! Bibilhin na namin 'yang isang bila-o." Sabi ko na ikinangiti naman ng malapad ni tatay.
"O siya sige." Sabi ni tatay at inihanda ang mga tinapay niya.
"Ito oh." Sabi ni tatay, sabay abot sa'kin ng mga tinapay, inabot ko naman sa kanya ang bayad. Nakipag kamustahan pa siya saglit kay mama.
"Siya nga pala 'tay! Si yesha." Pagpapakilala ko kay yesha, si yesha naman bahagyang yumuko para makapagmano at ngumiti ng abot jupiter. Yesha really has a soft spot pagdating sa mga matatanda. "Kay gandang bata rin neto oh." Puri pa ni tatay kay yesha na mas lalong nagpangiti sa kanya. Aabot na talaga ng jupiter ang ngiti ni yesha. Literal! Malamang na-puri eh.
Pagkatapos namin sa simbahan, dumeretso na agad kami sa sementeryo.
Lumapit agad si mama kay papa at umupo do'n sa harap ng puntod ni papa.
Iba na ngayon, may progress ang pag-mo-move on ni mama dahil sa dalawang taong palagi kaming bumibisita dito palaging umiiyak si mama, ngayon naman hindi na siya umiiyak at nakangiti na lang siya ng malungkot. Alam kong kinakausap na ni mama si papa, nagkwekwento ng mga pangyayari dito. I sighed. Nakarinig ako ng mahinang hikbi, tinignan ko si mama at hindi naman siya umiiyak. Napalingon ako kay yesha at nakitang nagpupunas siya ng luha niya.
"Huy, anong nagyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan niya pa rin ang luha niya.
"Nalulungkot lang ako. Tignan mo naman si tita, ang sakit lang tignan." Sabi niya at bigla nalang akong niyakap.
"I'm always here, hmm? If you need someone to rant on or soneonr who can be your handkerchirf, I'm always here! I will always be available for you! Even if I'm in New York, when you call, I'll book a flight immediately." Sabi pa niya. Kumawala ako sa yakap naming dalawa at tinignan siya. Nginitian ko siya kaya ngumiti rin siya.
Pagkatapos namin sa Sementeryo, hinatid ko na si mama sa bahay at nag punta agad ako sa kwarto ko, syempre nakasunod pa rin sa'kin si yesha.
Magpapalit lang naman ako kasi ayoko ng dress ko, aalis pa kami ni yesha kakain kami sa labas ngayon.
"Ako pipili ng damit mo!" Sabi niya at hinanap ang closet ko. Hindi niya mahahanap ang closet ko. Yung closet ko ay parang pader at ang pinaka pintuan niya ay natatabunan ng books. Bookshelf agad kasi ang makikita mo at kung titignan parang nakadikit lang sa pader yung bookshelf, but sa likod ng bookshelf na 'yon. Ando'n ang mga damit ko. May kailangan ka lang ibabang isang libro na peke at magbubukas ang damitan ko. Astig ba? Si papa nag suggest no'n.
"Hey! Where's your closet? You don't have any?!" Sabi pa ni yesha at naglakad ako patungo sa closet ko. "I'll call someone to make one for you immediately, don't wo--"
Natigil lang siya ng may hinila ako isang libro at parang sliding door na nag separate in each side ang book shelf. Pumasok ako sa walk-in-closet ko.
"Woah, that's so cool! I want this kind of closet na tuloy!" Sabi pa niya habang nangangalkal sa damitan ko.
"Hoy! Babaita! Ayusin mo! Hindi ikaw 'yung nag aayos niyan!" Paalala ko pa sa kanya kasi parang nag hahalungkat lang siya sa ukay-ukay eh. Basta na lang kuha! Ngiting aso lang ibinigay siya sa'kin at nag peace sign.
Nag suot ako ng black loose high waisted jeans, atsaka square-neck croptop(bahala na po kayong intindihin mga pinagsasabi ko).
Nagpaalam na kami ni yesha bago umalis at sinabihan lang kaming mag-ingat.
"Punta muna tayo sa Restaurant ha? I know a Restaurant that serves delicious foods! The food there are so yummy! Specially the Carbonara! The best! Diba favorite mo 'yun?" Yesha described at parang naiisip niya 'yung pagkain sa utak niya.
Tinuro niya sa'kin kung saan ang gusto niyang Restaurant and to my surprise, restaurant 'to ng kuya ko at hindi niya alam ayoko ngang sabihin.
Kilala ako ng mga Crew dito. Lahat sila kilala kaming magkakapatid. At lagi kaming may special treatment! Salamat kay kuya ruther.
Lahat halos ng crew binati kami! Nagtataka na nga si yesha kasi kahit na hindi namin madaanan, kusang nagpupunta sa'min, para bumati. Mabuti na lang at nakakuha na kami ng mauupuan.
"Why the waiter and waitresses are kind to us kaya?" Bulong ni yesha sa'kin.
"Ha? Mabait naman dapat talaga sila diba?" Inosenteng tanong ko pa sa kanya. Hindi muna siya nakasagot dahil may waitress na todo ang ngiti na lumapit sa'min at tinanong ang order namin, sinabi na namin 'yon at agad naman siyang umalis.
"I know but ... You know, parang kakaiba eh. You see kanina kahit nandun sa isang table yung waitress kanina. She still greet us, kahit na dumaan lang naman siya, and then the waitress dito na nagtanong ng order natin, kung maka ngiti parang kasali sya sa pa-contest that who smiles wider wins cashprize or whatever! And halos lahat ng crew dito binati tayo. Parang may special treatment. See? Lahat ng eyes yata nasa atin?" Sabi pa niya na nakakunot pa rin ang noo. Natawa ako ng kaunti dahil sa ka-conyo-han niya.
"H'wag mo na lang pansinin." Sabi ko. She sighed and shrugged.
Maya maya pa, mga 10 minutes lang at dumating na ang order namin. Kumagat agad ng Fries si yesha, at iginala niya ang paningin dito sa Restaurant, bigla nalang nanlaki ang mata niya na parang nakakita ng ginto.
"Yhuan!" Katamtamang sigaw pa ni yesha. Wait! Yhuan?!