Alliyah's POV
Gulat ako at hindi nakagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko! Ano bang? Ba't ako? Bakit hindi 'yung iba nalang? Ha? Ako? Wait! Ang gulo! Hay! Dahil sa lalaking nasa harap ko na nakalahad ang kamay, nagugulo ang isip ko!
"Don't make me wait, woman." Saad niya pa at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko, napatayo nalang ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko!
Ang kanang kamay niya'y nakahawak sa likod ko na tila iginagaya ako sa harap. Ang kaliwa niyang kamay ay nakahawak sa siko ko. Gulat pa rin ako at parang tanga na naging sunod-sunuran sa kanya.
Nakarating kami sa gitna at sa amin pa rin nakakatutok ang mata nang mga tao. Sa totoo lang kinakabahan ako at ang bilis na nang t***k ng puso ko!
Inilagay niya ang dalawang medyo nanginginig kong mga kamay sa batok niya. Ang parehong kamay naman niya ay nakahawak sa magkabilang bewang ko.
Meron siyang bitin na ngiti sa mga labi niya at parang natutuwa pa s'ya na gulat ako at hindi alam ang gagawin! Huminga ako nang malalim. C'mon Alliyah Heart! Get back to your senses! It's just a man!
Yeah. A man dancing you now and make you nervous. It's new! Sabi nang isip ko sa'kin.
"Your hands keeps trembling." Natatawa niyang sabi sakin at ngumiti ulit nang bitin.
"Dahil sayo 'yan! Ikaw ba naman ang niyaya na makipagsayaw! Sinong hindi mabibigla! Take note! We're not close! Ikaw ang may birthday at nakatutok ang lahat nang mata ng tao satin!" Pabulong kong sigaw sa kanya.
He chuckled. "Sisihin mo ang emcee. Siya ang dahilan nito at ikaw ang pinili ko dahil..." binitin niya ang sasabihin niya at pinakatitigan niya ako na para bang mahahanap niya ang sagot sa mukha ko.
"Wala lang. I just want to dance with you. Can't I dance with my childhood friend?" He said, emphasizing 'childhood friend'. Bumuntong hininga ako. May magagawa pa ba ako? Kung iiwan ko siya dito mapapahiya siya at kawawa naman siya, kahit papa'no naman ay may awa pa ako at kung iiwan ko siya dito, magiging masama ang tingin sakin nang mga tao dito!
Para namang hindi mo gusto? Sabi ng maliit na boses sa utak ko na gusto ko ng tirisin.
"Ngumiti ka naman kahit peke. 'Wag mo namang ipahalata na ayaw mo 'kong makasayaw at napipilitan ka lang." Sabi niya at sa tingin ko sa sobrang lamig ng boses niya pwede niya na akong i-freeze. Natakot naman ako na i-freeze niya ako kaya ngumiti ako kahit konti! 'Tsaka birthday niya 'to, nakakahiya naman sa kaniya baka sabihin niya pa sinisira ko birthday niya.
"Sorry, I didn't mean it that, that way. I'm not saying that i don't want to dance with you. I'm just shocked! Okay?" Paliwanang ko at nginitian siya nang pagkatamis tamis! Oh ayan! 'Pag hindi pa siya nagkadiabetes sa tamis ng ngiti ko! Tignan ko na lang!
"Yeah? Who wouldn't be shocked? Dancing with the handsome Man. If I were you I would be shocked and fluttered at the same time. " He said and smirked. Unti unting naglaho ang ngiti ko. Ang galing! Pati lamesa binuhat nitong lalaki na 'to! Grabe ipo-ipo.
"Grabe pati lamesa binuhat mo! Ikaw na! Grabe lakas ng hangin!" Pambabara ko sa kaniya na ikinatawa niya ng kaunti.
Nagulat ako ng dahan-dahan niyang idinikit ang labi niya malapit sa tainga ko at bumulong. "You're beautiful." Ayan ang sinabi niya bago umayos ng tayo at sumayaw ng maayos sa malamyos na musika. I blushedbecause of the way he compliment me, using his low and husky voice. I pout to hide my smile.
"Woman, stop pouting." He said and looked away. I stop pouting kase baka ano pang isipin niya.
Sumasayaw pa rin kami sa kantang "Dandelions- Ruth B." Slowed ang kanta at napaka-sarap sa tainga.
Natapos kaming sumayaw at nagpalakpakan ang mga tao, si yhuan naman hinatid ako sa upuan ko.
"Grabe! Ako 'yung kinikilig sa inyo! Sa inyo nakatutok ang atensyon ng lahat! Grabe talaga!" Parang teenager na kinikilig si yesha habang kinukurot kurot ang tagiliran ko.
"Ano ka ba? Tumigil ka nga d'yan!" Asik ko sa kanya at tinabig ang kamay niya. Ngumiti lang siya sakin at nag peace sign.
"Thank you for that wonderful 21 Ladies!" Naagaw ng emcee ang atensyon naming dalawa ni yesha.
"Sa pang 21 na babae. You're so lovely hija" sabi ng emcee sakin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik.
Pinagpatuloy lang ang celebration ng party ni yhuan hanggang sa matapos na at isa-isang nag aalisan ang mga tao.
"Maya-maya na kayo umalis" paki usap ni yesha sakin.
"Uuwi na kami kasi gabi na. Next time na lang tayo mag kita, okay?" Sabi ko sa kanya at inalalayan si mama.
"Okay! Basta next time ha! Itetext kita!" Paalala niya pa sakin.
"Oo." Sagot ko na lang sa kanya.
"Magpaalam na muna tayo kay nanang rose." Sabi ni ate Jody.
Naglalakad kami papunta kay nanang rose. Nakaupo siya at kausap niya si yhuan na may birthday. Naka-wheel chair na si nanang rose dahil hindi na siya nakaka-lakad.
"Oh sige yhuan." Rinig kong sabi ni nanay rose kay yhuan. Tumayo si yhuan mula sa pagkakaluhod sa harap ni nanang rose.
"Oh! Sally, Jody at ning! Buti pala at nakapunta kayo." Sabi ni nanang rose na mukhang excited.
"Hindi ka naman namin kayang tanggihan, nang." Sagot ni ate Jody
"Naku, mga doña na kayo. Lalo na itong si sally." Baling ni nanang kay mama kaya natawa naman si mama. Nalipat sakin ang tingin ni nanang dahil nasa tabi ako ni mama.
"Ito na ba 'yung anak mong dinadala mo noon?" Tanong ni nanang kay mama at tinuro pa ako. Tumango si mama at ngumiti.
"Aba'y ang gandang bata naman pala. Noon eh maliit ka pa hija, ngayon ang ganda at ang tangkad muna." Sabi ni nanang at sinuri ang buong katawan ko.
Ngumiti nalang ako kasi hindi ko alam kung paano mag-respond sa compliment. Ngumiti din sakin si nanang at binalingan naman ng tingin ang apo niya.
"Oh? Yhuan, hijo. Naalala mo pa ba siya? Siya 'yung palagi mong inaabangan na kasama ni sally. Eh lagi mo pa ngang pinipilit si sally na dalhin siya, hindi ba?" Palala naman ni nanang at mahina pang natawa.
"Oh, lola dati pa 'yun. 'Di ko na nga po masyadong matandaan." Saad naman ni yhuan habang kinakamot ang batok niya. Malalim ang boses niyang talaga at napakasarap sa tainga, No wonder na kumakanta talaga siya. Mahinang natawa naman sila mama.
"Oh siya. Magpapaalam na kami at lumalalim na ang gabi. Salamat sa imbitasyon nanang, at happy birthday ulit yhuan." Paalam ni mama at nginitian sila.
"Ah, hatid ko na po kayo." Offer ni yhuan.
"Naku! 'Wag na hijo. May dala naman kaming sasakyan." Sabi ni mama habang todo tanggi sa sinabi ni yhuan.
"Oh sige ho. Hatid ko na lang ho kayo d'yan sa labas." Offer na lang ni yhuan at tumango na lang si mama. Nagpaalam pa ulit sila kay nanang bago kami tuluyang naglakad palabas. Dumating naman ang nurse ni Nanang na siyang nag-aalaga sa kaniya at ipinasok na sa loob si nanang.
Kinuha ko ang susi ng kotse sa bag ko at pinindot 'yun. Binuksan ko na ang kotse at pinasakay si mama, si ate jody at ate ning naman may sumundo na kaya hindi na nakasabay samin.
"Oh, ingat ka sa pagdrive ha? Next time Hang out! Sabi mo 'yan! Papasok na ako sa loob. Bye!" Paalam ni yesha at tumakbo na papuntang loob.
"Take care." Said the baritone voice, bahagya pa akong napatalon kase akala ko umalis na siya. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. He chuckled at the way I reacted.
"Nakakagulat ka naman." Sabi ko na nakahawak pa rin sa parte ng puso ko. He chuckled.
"Take care." He said looking at me. I gave him a nod. Tinalikuran ko na siya at sasakay na sana ng may maalala ako.
"Happy Birthday nga pala!" I said and waved my hand. Sumakay na ako at pinaandar yung kotse, patungong bahay.
Pagkarating namin sa bahay, nadatnan namin 'yung tatlo kong kuya na nag uusap usap sa sala.
"Oo, ganon nga dapat." Rinig kong sabi ni kuya jaren. (Pangatlo sa aming magkakapatid)
"Oh, Ma. Kamusta naman po ang lakad n'yo?" Tanong ni kuya bj(pangalawa sa aming magkakapatid)
Naupo naman si mama sa sofa.
Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig.
"Oh? Hija!" Gulat na sambit ni nanay celly. Matagal na naming kasama dito sa bahay.
"Kukuha lang po ako ng tubig para kay mama." Sabi ko. Kumuha ako ng tubig at bumalik na sa sala. Naabutan kong nagtatawanan 'yung mga kuya ko kasama si mama.
Nilapag ko 'yung tubig saa maliit na lamesa sa Living Room na kinuha ni Mama. Nag-usap-usap pa kami ng konti bago ako nagpaalam na aakyat na sa kwarto ko nang makapagpahinga na.
Pagpasok ko sa kwarto ko at tumalon at padapa sa kama ko dahil napagod yata ako masyado, ang daming tao sa party na 'yun. Nagpahinga lang ako saglit bago tumayo at punasok sa banyo para mag-halfbath. Matapos mag-halfbat ay nahiga na ako pero nag cellphone muna ako bago ako matulog.
From: Unknown Number.
Hangout soon! Sa sunday siguro? Kasi diba? Rest day ang sunday? Haha btw it's yesha!
To: Yesha♡
Sige! Sa sunday na lang!
Sinend ko na 'yun at nahiga na. Bago ako nakatulog narinig kong tumunog ang cellphone ko, sa pagaakalang si yesha 'yun tinignan ko ang sabi sa message "Good Night. Thank you for coming." ayan yung sabi. Unknown number din. Sino naman 'to? 'Di ko na lang pinansin
Natulog na lang ako. Tulog is life!