It's been a while since we last see each other.
Natanggap ko narin iyong ginawa niyang agreement. Pero hindi ko pa binabasa.
Wala lang ayoko lang basahin baka mainis lang ako lalo sa kanya.
Weekends naman na ngayon at kanina lang nakatanggap ako ng text mula kay Lukas.
He told me na dadating ang parents nya dito mamaya. Probably planning our incoming wedding once I turn to legal age.
At sa totoo lang hindi ko alam kung papaano ko ba nakaya yung mga nakaraang araw na halos hindi na ako tigilang pag chismisan sa loob ng campus namin.
Pumapasok akong puro panlalait yung bukang bibig nila sakin.
Lukas confession on that night is just like a wildfire. Napakabilis kumalat.
Hindi naman siya nabalita sa National T.V thank god. But in a lot of articles and magazine jusko ayoko nalang magsalita.
Paskil na paskil yung pagmumukha ko doon habang nakatitig sa akin si Lukas. I don't even have a proper dress on that night dahil naka uniform ako that time. Talagang nakakahiya.
Isabay mo pa na hindi ko nagustuhan ang laman ng mga pinagsasabi nila sa akin.
Pinagmukha nila ako doong desperada at ipinagduldulan ko daw ang sarili ko kay Lukas para maikasal sa kanya. Like the f**k? Ayoko nga na pumayag sa kanya. Tapos ako pa ngayon ang desperada? If they know kung sino sa aming dalawa ang desperado maikasal sa isa't isa hindi ako iyon kundi siya.
That so fvcked up right? Ayoko nga sa magulong buhay pero eto ako ngayon nagsa- suffer.
I've been kinda stress lately dahil saktong sasabay pa yung graduation ko sa mismong 18th birthday ko. Kaya I don't know kung papano ko yon iaayos.
Ayoko na sanang magkaroon ng debut but my parents would be disagree on that. Hindi daw pupwedeng wala.
Two months from now kase eighteen na ako. Nalalapit na din ang pagtatapos ng klase ko at gagraduate na ako sa Senior High School.
I am taking freshman college next year. At sa totoo lang hindi pa talaga nagsisink in sa akin ang lahat.
My parents told me na umaga naman daw yung graduation ko so may time pa para mag prepared for my debut tutal lagi namang gabi iyon sinisimulan right?
So yeah, wala nalang akong nagawa kundi umoo. Poproblemahin ko pa tuloy kung sino sino ang magiging 18 roses ko.
Ofcourse una na doon si dad and sunod si Kuya Sandro but I don't know kung sino pa ang iba. I don't have that much guy friends or even cousins. Kahit nga sa 18 candles wala akong maisip. Wala na nga akong kaibigan diba.
Kaya nga ayoko na sana but my parents is just insisting it. Once in a lifetime lang daw naman kase to mangyayari.
Ngayon nakapagbihis na ako. I wear blue casual ruffle dress with front tie puff that mom actually bought pa in Paris. Kinulot ko rin yung bandang dulo ng mahaba kong buhok para mas lalo iyong bumagay sa suot ko.
I look like an adult now.
Naglagay din ako ng fresh look make up so that my face would lit it up a bit. I take a mirror selfie first on my outfit before I decided to go down.
Lukas text me earlier na on the way na sila kaya naghihitay na ako ngayon sa sala. My parents our now in their room nag aayos pa ata. Si kuya Sandro nasa garahe nag aayos ng kotse nya.
Minutes later mom and dad join me in the couch. Nakapag prepared narin sila Manang Sally ng foods for dinner at kasalukuyan ng inaayos sa dinning.
"Hija, call your kuya muna padating na sila Lukas." utos ni mom.
Tumango nalang ako at agad narin namang lumabas. I searched for my kuya on the garage nandodoon parin may inaayos na kung ano sa ilalim ng kotse nya.
Nang makalapit ako I tap the hood of his car so he could notice me infront. Tumigil naman siya sa ginagawa saglit pero hindi parin umaalis sa ilalim.
"Kuya, mom is calling you bakit ba hindi ka parin nakabihis. May bisita tayo mamaya." I scowled, medyo naiinis na.
Ang dungis dungis nya kase puro grasa yung buong damit nya dahil sa inaayos nyang kotse.
"Hindi naman na ako kailangan mamaya. Tell that to mom I am busy Sienna." sabi nya.
Inirapan ko siya kahit na hindi naman nya kita. Nakakabwisit din itong si Kuya sa totoo lang.
"And you think mom will stop pestering me after I said that? No! You know them sumunod ka nalang kase.At tsaka hello sila Lukas kaya bisita ko bestfriend mo."
He groaned. Tila hindi natutuwa sa akin.
Umalis narin sa ilalim ng kotse nya at blanko na ako ngayong tinitigan.
"Yeah I know. Kaya nga mas lalong ayokong sumama sa dinning mamaya. I don't trust that bastard to be your husband Sienna. I know Lukas kaya mas nakakapang init lang lalo ng ulo kung makikita ko siya mamaya." kuya explained.
Lito ko na siya ngayong tinitigan. But they are best friend? Hindi na ba sila okay? Nung nakaraan lang okay pa sila sa bar. What happened?
"May nangyari bang hindi maganda? I mean you two are okay since then kuya—"
"Not until now Sienna. He promised me before pero binali nya nalang. Then what? Papakasalan ka dahil lang sa nireto ng mga magulang natin? Tangina! Kung may respeto siya sa akin at sa pangako nya noon edi sana hindi ka nasama sa gulong to. Pwede naman siyang umatras pero hindi nya ginawa. Kaya 'wag mo na akong pilitin makapasok sa loob baka mapatay ko lang yan." dagdag pa ni Kuya.
Halos malaglag ang panga ko sa mga ibinulgar nya. What the hell is going on between them? At anong pangako? What?
Bumalik ulit si Kuya Sandro sa pag aayos ng makina ng kotse nya. Wala talagang balak pumasok sa loob.
"Ahm...kuya can I asked what is the promised you talking about?" kinakabahan na.
Narinig ko lang siyang napabunting hininga ng malakas.
"Ask Lukas." tanging sabi nya lang.
I bit my lips and stay here in the garage for a while. Paano ko yon tatanungin eh hindi naman kami ganon ka close? I am curious on what he promised to my kuya. Ano ba kase yon.
"Tss...Sienna pumasok ka na sa loob madudumihan ka lang dito." sermon nya.
Napapadyak na ako sa inis dahil ayoko siyang sundin sa utos nya. Care to tell me atleast what the promised he talking about.
"Ano muna pinangako sayo ni Lukas?" pangungulit ko sa kanya.
Pagalit na umalis si Kuya ulit sa ilalim ng kotse nya bago ako harapin ulit.
"It just a normal promised. Ganon din naman siguro ang gagawin ko kung magugustuhan ko yung kapatid nyang babae but thanfully wala siya non. That's why I applied it to him. He likes you even before we are still young. Kaya tinakot ko na hindi siya pwedeng magkagusto sayo kahit dalaga ka na. I don't want him to be your husband Sienna he's to old for you. And he explore women a lot kaya mas lalong ayoko."
What the fvck!
Are they for real? Lukas likes me even before? No! I don't think so. Halos ipagtabuyan na nga ako non nung mga bata palang kami. And heck what kuya said? Way too old? Hindi naman. 25 palang naman si Lukas mag 18 na ako in the next two months. 7 years of age gap is not the high. Ganon din naman sila mom.
But wait! Why did I suddenly on Lukas side? Damn. I don't like him either now. Right?
Natawa nalang ako sa sinabi ni kuya dahil I know puro yon kasinungalingan. Lukas did not like me at all period. I know it.
"Hindi nya ako gusto kuya. Saksi ka pa nga sa pagtaboy na ginagawa nya sakin dati palang. Stop lying—"
"I am not lying, I asked him to do that para mawala nararamdaman nya sayo before at mukhang effective naman. Hindi ka na ata gusto ngayon right? Matutuwa na sana ako pero nangyari to. Kaya wag mo na akong pilitin pumasok sa loob ayokong makita yang fiancé mo."
We stayed silent after he said that.
Wala na din akong nagawa kundi ang sundin nalang si kuya. Iniwan ko na siya doon.
Pumasok nalang ako sa loob ng hindi siya kasama. I guess the problem between them and Lukas is just all about trust issues. Ayoko nalang din makielam dahil problema naman nila iyon labas na ako.
But is that true? Lukas like me when we are still young?
Sinalubong ako ni mom ng may pagtatakha.
Hinanap nya pa sa likod ko si kuya eh hindi ko naman kasama.
Nagmadali na akong lumapit sa kanya at tinabihan siya sa couch. She began to asked me where's kuya Sandro is.
"Where's your brother hija?"
I just shrugged my shoulders.
"Kuya doesn't want to go inside mom. I don't know why." pagsisinungaling ko.
Mabuti nalang hindi naman na iyon ginawang big deal ni mama. I know she is dissapointed to kuya. Iniwan na din ako pansamantala ni mama at nagtungo siya doon sa kitchen area
I let a big sighed. Realization hit me so hard. If it's true what kuya Sandro said that Lukas is like me before when we are still young. Then...
Damn! I don't know what to feel parang may humahaplos sa puso ko at natutuwa iyon ng husto. Kahit man lang sa batang edad I know that he likes me once. Not this day tho, but siya na mismo ang nagsabi sakin before. Hindi naman daw ako mahirap mahalin diba.
I bit my lips and tried to control my blushing state. I hate you Lukas! If I were know na gusto mo pala ako dati sana hindi kita iniwasan kahit na pinagtatabuyan mo ko. Damn we lost so many years!
Baka na-experience ko sana na maging boyfriend ka kahit ayaw ni Kuya.
***
After a couple of minutes narinig na namin ang busina sa labas ng gate namin. Bigla na akong ginapangan ng kaba knowing na nandyan na ang pamilya ni Lukas.
My palms start to sweat nonstop. Pinagpapawisan narin ako ng malamig at sa totoo lang hindi ko alam kung bakit. It just his parents Sienna hindi naman nakakatakot sila Tito at Tita you know them for years.
"Hija, salubungin mo na muna sila." Mom said on the dinning.
Napalunok naman ako at sinubukan ng tumayo mula sa pagkakaupo ko sa couch.
I walked slowly to our main door binuksan na iyon ng husto. Nakita ko yung dalawang kotse na nakapark na ngayon sa garahe.
Kuya Sandro's face become so dark after Lukas get out to his new car. It is black buggati now kagaya ng bago nyang inindorso kumakailan.
Patakbo na akong nagtungo doon dahil baka magkainitan pa silang dalawa. Kabado man sa presensya ni Lukas pero kailangan ko iyong labanan.
I step in middle where they are both standing. Pinapalayo si Kuya kahit na alam kong wala naman siyang gagawin.
"Ahm...kuya," I called him nervously tried to hold his both shoulders.
Tiim bagang siyang bumaling sakin bago ibinalik ang mata kay Lukas. Napakagat nalang tuloy ako ng labi dahil pareho silang nakakatakot tingnan.
Lukas look so handsome wearing that formal suit that actually fit on him. Masyado din siyang intimidating tingnan kaya hindi ko siya matagalan titigan.
"Pasok muna ako sa loob Sienna. Nawalan na ako ng gana sa labas." Kuya Sandro said and withdraw himself to us.
Sakto namang pagtalikod ni kuya ay ang pagbungad sakin nila Tito at Tita. Kaya talagang gulo ang isip ko kung ano na ang sunod kong gagawin dahil sa tension kanina.
"Hija, long time no see. Dalaga ka na. You look gorgeous on thad dress." Tita Alaina complimenting me while greeting.
I genuinely smile to Tita and hug her. Thanking her for her compliment. Ganon din naman ang ginagawa ko I compliment tita's dress and saying that I miss her. Tito Lucio on her left side greet me as well by his smile. Pareho silang nakaka intimidate tingnan ni Lukas dahil parehong malakas ang charisma.
Ako nalang tuloy ang nahihiya.
"Welcome po Tito, Tita." I said after that short greetings.
They both smile on me nauna na rin sa akin sa paglalakad. Susunod na sana ako sa kanila but Lukas abruptly grab my hand. I almost gasped for some air dahil sa biglaan nyang ginawa.
"Not so fast. Wait for me atleast." He said, before intertwined our hands.
Awang na ngayon ang labi ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko at para bang doon siya kumukuha ng lakas.
I gulped twice because I am aware that my hands are sweating and trembling in cold. Pero hindi nya parin iyon hinahayaang bitawan.
He initiate to start walking at sumunod na sa parents nyang nauuna na sa amin kaya sumunod nalang din kami.
Kabado na talaga ako lalo pa ng tuluyan kaming makapasok sa loob. My parents look in awe after seeing Lukas parents show up.
They greet each other happily while me and Lukas are standing on their back.
Paminsang minsan hinahagod ni Lukas ang daliri ko kaya napapatingin ako sa magkahawak naming kamay. Is he nervous?
"Hijo, finally we see you." my mom said.
My mom hugged Lukas while he still holding my hand ayaw bumitaw.
"Nice to see you again Tita, Tito." He said.
We finally to sit up to the long dinning table matapos magkumustahan ang kanya kanya naming pamilya. Since kanina pa naman naka prepared ang mga pagkain kaya wala ng problema.
My family is on the right side sitting while Lukas family is on the left. Magkatapat ang mga parents namin habang ganon din kami ni Lukas.
My dad start the conversation at patungkol iyon sa negosyo kaya hindi ako nakikinig. I just getting some of my favorite foods in the table and bring it to my plate while they are busy discussing about business.
Kukuha pa sana ako ng lasagna pero naunahan na ako ni Lukas. He scoop a big amount of pasta at inilagay iyon sa pinggan ko.
Oh gosh.
That was so damn a lot! Hindi ko naman mauubos lahat ng binigay nya. What the!
"Here, try this. Also this and this ng magkalamn laman ka naman." sabi nya pa bago ako tambakan ng mga raw vegetable salad sa kabilang plato. He got some side dishes na puro parin gulay bago ako tuluyang tigilan.
What the heck Lukas? I'm not a goat.
Nakasimangot ko na siya ngayong pinagtaasan ng kilay. Naiinis narin sa kanya.
"Why are you giving me this? Are you nuts? I hate vegetables." bulong ko.
He just give me a warning look bago ngumisi sakin ng nakakaasar.
"That's healthy you should consider to change your diet your so petite." sarkastiko nyang sabi.
Nakagat ko nalang ang pang ibabang labi ko kinokontrol ang sarili dahil sa sobrang lala ng suhestiyon nya sa akin. Bakit ba siya nangingealam. Ayoko nga.
At tsaka bakit ba pinapakealaman nya yung hulma ng katawan ko kung payat ba ako o ano.
"Look, Lukas, this is not a diet. This s**t of full of vegetable you given to me is a feast. Ayoko nga nito kung gusto mo sayo nalang." reklamo ko sa kanya.
Pinagbabalik ko sa pinggan nya yung mga pinaglalagay nya sa pinggan ko. Mabuti nalang talaga at may sariling mundo mga parents namin kaya hindi kami masyadong napapansin.
Mukha namang sumuko na sya sa katigasan ng ulo ko dahil hindi nya rin ako ginulo matapos ko iyong gawin. He let it slide at pinag kakain nya nalang yung binigay nya sakin.
See...kung siya nasasarapan doon ako hindi. Magkaiba kami ng tastebuds.
The food itself is yummy pero bigyan mo na ako ng kahit na ano wag lang gulay. That so disgusting.
"I let you eat this vegies in time maybe when you stay at our own house." He said but almost a whispered kaya hindi ko lubos maintindihan.
What did he say?
Iniripan ko nalang siya don ata tinuloy na ang pagkain. Dahil sa inis na nararamdaman ko kay Lukas halos damihan ko yung pagkuha sa pasta ko at sinubo yon agad.
"Anyway hija, have you ever thought about what date and year you two will get married?" Tita Alaina asked that almost choking me to death.
Halos mabulunan ako sa kinakain ko matapos marinig ang tanong ni Tita. Gosh! I am not prepared to this kind of question.
Agad naman naalarma si Lukas sa harap ko at dali dali akong inasikaso.
Tinulungan nya pa akosa pag abot ng tubig para lang malunok ko ng tuluyan yung pagkain.
"Mom, we still not talked about it. Geez! Just be happy enough that we agreed on this marriage. No need to pressured her." sermon ni Lukas sa mama nya.
Kumalma naman na ako ng mainom ko yung tubig. I gestured Lukas too na it was okay.
"I..i'ts okay po tita, uhm...maybe after I graduate college baka magpakasal na po kami."
They felt happy on that news kahit na sa sarili ko hindi parin ako sigurado doon. I accidentally gazed at Lukas at miske siya hindi natutuwa sa pinagsasabi ko.
"That's good hija, you have plan for your wedding. But anyway gusto mo bang ipublicized yung engagement announcement nyo like other elites people do?" dagdag pa ni Tita.
Hangga't maari ayoko talaga but for Lukas name baka siya gusto nya since kilala siya mas makakabango sa pangalan nya diba.
"We kept it private mom, and please stop asking her irrelevant question give her some time. Hindi naman kayo yung ikakal it's all about us. Give us time to decide." napipika ng saad ni Lukas.
My parents don't take him seriously ganon din naman sila Tita.
"Okay okay son, I'm sorry I get it."
Nagtatawanan na sila doon habang kami seryosong nakatingin sa isa't isa. I also get his point kaya sa sariling isip ko nalang siya nagawang pasalamatan.
After an hour that our parents talking and discussing some business related and some are planning for about our future. Yung pamamanhikan eh parang nauwi lang sa family meeting. Nagkaroon naman ng blessing both families but more on it is on business.
Past 10 p.m palang naman at tapos narin kaming kumain ng dinner. Since mukhang kanina pa naman badtrip si Lukas.
Iniwan ko na muna siya doon sa loob. Tutal may katawagan din naman siyang iba kaya hindi ko na inabala. I went to our backyard door nandodoon kase yung pool area banda sa likod kaya pansamantala muna akong tatambay dito.
Naupo ako sa pinaka edge ng pool namin at bahagyang nilublob ang dalawang paa ko sa tubig. It was cold actually pero kaya namang tiisin. Mas mabuti naring nandidito ako kesa doon sa loob. I don't find peace inside para akong nasasakal at gustong gusto kong kumawala.
I pouted when I realized that I don't have a close friends nor best friends na mapagsasabihan ko ng problema. I envy those people na merong set of friends na totoo. Yung tipong masasandalan nila once na may problema sila.
Ako kaya kelan magkakaroon non.
The cold breeze automatically attacking on my skin. Napahipo nalang ako saglit sa magkabilang braso ko para magkaron iyon ng bahagyang init. But later did I know sa paghagod ko sa nanlalamig kong braso. Isang itim na coat ang biglang dumantay sa balikat ko.
Ayoko ng lingunin kung sino ang nagsuot dahil halata namang si Lukas iyon. Sa pabango palang ng coat nya amoy na amoy nya na.
"What are you isolating yourself here alone? You feel pressured?" pagtatanong nya at naupo narin sa tabi ko.
Tinanggap ko naman ang coat nya at mas inayos pa iyon sa balikat ko. I look at him on my side at nakatingin lang siya sa malayo. Nag iisip din ng malalim gaya ko.
"I'm sorry about what my mom said. Hindi ko rin alam bakit nila to ginagawa sa atin. Ako na nalang humihingi ng sorry in their behalf." dagdag nya pa.
Tumango nalang ako dahil wala parin ako sa mood makipag usap sa kanya. Pero teka...why he suddenly being nice to me and saying sorry now? Dahil ba ikakasal na kami kaya siya naging mabait tss.
Hindi bagay.
Nilabas ko nalang ang phone ko at hindi siya pinapansin sa gilid ko. I open my IG and post some story and whatknots on my day.
Actually almost family ko lang naman ang followers ko dito at nothing else kaya sila sila lang rin ang makakakita.
I also private my account para iwas problema. I post my outfit kanina nung nag mirror selfie ako sa sarili kong kwarto. After I posted it tsaka ko palang ini-off ang phone ko bago bumaling kay Lukas na kuryoso sa mga pinaggagawa ko ngayon.
He actually lean his head on my phone may kung anong tinititigan doon kanina ng matagal.
"What?" I asked him.
Tinitigan nya lang ako ng seryoso. Nag iisip kung sasabihin nya ba yung concern nya o hindi.
Lumipas ang ilang minuto na walang nag sasalita sa amin. Tanging ingay lang ng mga kulisap at tutubi nag maririnig mo sa paligid.
Nakatuon lang din naman siya sa phone nya hindi rin ako pinapansin habang ako tulala sa kawalan tahimik na nagmamasid.
He coughed once on my side kaya napabaling ulit ako ng tingin.
Ano bang problema nito.
"What now Lukas? Ano bang sasabihin mo spill it." naiinis na.
Few seconds after I said that. Biglang may notification sound na naggaling mismo sa phone ko.
Kukunin ko na sana pero biglang nagsalita si Lukas sa tabi ko. Tumayo narin siya at balak na akong iwan dito.
"Accept my following request on your insta nakafollow ka naman na sakin. Anyway I get back inside." He said before leaving me.
I literally hang my mouth open.
What the fvcking fvck he said??? HOW DID HE KNOWS I FOLLOW HIM? I mean...
Dali dali ko tuloy kinuha yung phone ko para lang tingnan yung notification non. At halos panlakihan ako ng mata dahil may request followers nga ako at siya yon.
What the hell Lukas! Nakakahiya.
Halos manginig na ako kakatingin sa cellphone kong may nakaflash na pangalan nya sa screen ko.
I stalk his IG timeline all over again at halos tumigil ang paghinga ko ng makitang kahit ni isa wala siyang pina-follow.
So kapag in-accept ko yung request nya that means ako yung kauna unahan nyang finallow. No! Ayoko! I just can't! Bakit ba puro problema dulot mo sakin Lukas bwisit ka.
Nanahimik ako dito sa tabi guguluhin mo na naman!
Ugh! You almost got a million followers tapos ang finallow mo ako na hindi pa aabot sa bente ang followers. What the!
Di kita i-accept bahala ka sa buhay mo letche panira ka ng peace of mind.