KABANATA 007

1095 Words
“Manang Sela, ikaw na po muna ang bahala sa mga bata. Theodore will guide you sa magiging kwarto nila,” bilin ni Eris sa katulong at tumango naman ito bilang sagot. Pagkapasok nila sa villa, kaagad silang sinalubong ng mga katulong at kinuha ang dala-dala nilang mga luggage. Lumapit naman ang assistant ni Aaron na si Mister Lim kay Eris at binati ito sa kanyang pagbabalik. “Where is she?” tukoy ni Eris sa kanyang lola. “Nasa master’s bedroom. Ilang araw na siyang hindi lumalabas,” Malungkot na sagot ng kausap at iginiya siya papuntang master’s. “Tinawagan ko na din si Sir Aaron and told him that you just came back from States. Pauwi na din siya,” pagbibigay alam niya kay Eris habang tinutungo ang lokasyon kung nasaan ngayon ang lola nito. Hindi na sumagot pa si Eris hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang master’s bedroom. Binuksan nila ang pinto at nakita niya ang lola niyang nakaupo habang tulalang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Maya-maya’y nakita niya ang nurse na lumapit sa kanyang lola habang bitbit ang tray na pinaglagyan ng isang basong tubig at gamot. Kaagad namang tinabig ni Donya Feliza ang tray nang balakin ng nurse na ipainom ang gamot. “Kailangan niyo pong—” “Lumayo ka sakin! Lalasonin mo lang ako!” sigaw ng matanda. Hindi mapigilan ni Eris ang magpakawala ng maliliit na hikbi. Tinakpan pa nito ang kanyang bibig para hindi madinig ng lola niya ang pag-iyak. “She has an Alzheimer disease kaya ganyan ang trato niya sa mga tao dito. She trusts no one kahit pa ang pinsan mong si Sir Aaron,” paliwanag ng assistant. “Ikaw lang ang hinahanap ni Donya Feliza,” dagdag pa nito. ‘I haven’t contacted you for months pero bakit nagkakaganyan ka na?’ tanong ni Eris sa sarili. Nilapitan niya ang kanyang lola at niyakap ito sa likuran. “Lola…” mahina niyang bulong habang patuloy pa din sa pamumuo ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. “Nandito na ‘ko,” Malaki ang utang na loob niya sa lola niya simula noong iniligtas siya nito pagkatapos niyang maaksidente at sumabog ang sinasakyang taxi. Kung hindi dahil sa lola niya at pinsan niya, paniguradong matagal na siyang nakalibing at hindi mararanasang mabuhay kasama ang kambal niya. Unti-unting kinalas ni Donya Feliza ang brasong nakayakap sa kanya at binalingan ito ng tingin. “Sino ka? Hindi kita kilala,” “Ako ‘to, si Eris.” pagpapakilala niya. “Hindi ikaw ang apo ko.” Tulak siya ni Donya Feliza. Kahit na basang basa na ang pisngi ni Eris sa mga luha, pinilit niya pa din ang ngumiti alang-alang sa lola niya. “K-Kasama ko ang kambal. Miss ka na namin…” “Umalis ka sa harapan ko. Si Eris lang ang gusto kong makita!” Mababakas ang galit sa reaksyon nitong nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay. Magsasalita pa sana si Eris nang biglang dumating si Aaron at hinila siya palabas ng kwarto. Iginiya niya ito papunta sa study area para makapag-usap silang dalawa. “Bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit siya? Ikaw lang ang inaasahan ko dito Aaron, pero bakit nagawa mong itago sakin ang kalagayan ni Lola?” iyak pa din ng iyak si Eris kaya niyakap na lang siya ng kanyang pinsan. “She told me, not to.” Hinaplos nito ang likod para tumahan. “I’m sorry for not telling you,” Puno ng pagsisisi ang nararamdaman ni Eris. Natatakot din siyang baka hindi na niya makakasama ng matagal ang kanyang lola dahil sa sakit nito. Si Aaron at ang Lola niya na lang ang natitira na itinuturing niyang pamilya dahil wala na din ang totoo niyang mga magulang. She was five months old noong mamatay ang kanyang mga magulang sakay ng eroplano. Hindi siya kasama sa mga sakay at naiwan lang sa mansyon ng kanyang lola, ngunit hindi nila inaasahan na kasabay ng pagsabog ng eroplanong sinasakyan ng kanyang mga magulang ang pagdukot din sa kanya ng mga hindi kilalang lalaki sa mansyon. Sugatan habang nasawi naman ang ibang nagbabantay sa mansyon kaya wala na silang nagawa nang tangayin ng mga lalaki ang walang muwang na sanggol. Mula noon, sinisisi ni Donya Feliza ang sarili kung bakit hindi niya nabantayan ng husto ang apo. Pagkatapos ng insidente, wala siyang sinayang na panahon para mahanap si Eris. Wala siyang pakialam kung maubos man ang kanyang pera sa paghahanap, basta’t masigurado niya lang na buhay pa ang apo. Kalaunan, may nakapagsabi kay Donya Feliza sa lokasyon ni Eris. Pinakumpirma niya ito at pinabantayan ang bawat kilos. Mabuti na lamang at kasalukuyang nakabuntot ang hi-nire niyang private investigator kay Eris noong mangyari ang aksidente limang taon na ang nakakalipas, kaya nailigatas ito bago tuluyang sumabog ang sinasakyang taxi. Nakumpirma naman nila na si Eris nga ang nawawala niyang apo dahil pina-DNA niya ito habang comatose sa hospital pagkatapos maaksidente. “Babalik ka pa din ba sa States?” tanong ni Aaron nang medyo kumalma na ang pinsan. Napabitaw si Eris sa kanya at pinahiran ang mga luha sa pisnge. “We’ll be staying here for good. Ayokong iwan ulit si Lola,” muli na namang nagbadya ang mga luha niya. “Pero paano ang kambal?” “They’ll stay with me,” buo ang desisyong pahayag ni Eris. “What about their Dad? Nasabi mo na ba?” muling tanong ni Aaron. Umiling lang si Eris saka pilit na ngumiti. “Masyado pa silang bata para maintindihan ang lahat.” Simula noong magkaisip ang kanyang kambal at tuwing magtatanong tungkol sa ama nila, lagi niyang inililihis ang mga ito sa ibang bagay para hindi sila masagot. Hindi pa siya handa para sabihin sa kanila ang tungkol sa ama niya at natatakot siyang baka magalit o magtampo sa kanya ang kambal kapag nalaman nila ang totoo. Ayaw niyang mangyari iyon. “Still, you need to tell them about their Dad. Hindi mo pwedeng itago habangbuhay ang tungkol sa ama nila,” “I know, pero hindi pa ito ang tamang panahon, Aaron.” rason niya saka napabuntong hininga. Malalaman din nila pero huwag muna ngayon. Masaya siyang kapiling ang kambal niya at ayaw niya munang guluhin ang mga utak nito. Gusto niyang sulitin ang pagkakataong kasama niya pa ang mga ito. “Magpahinga ka na. Ilang oras din ang byahe niyo ng kambal at sigurado akong pagod din sila.” Tinapik ni Aaron ang balikat ni Eris saka ito lumabas at iniwan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD