KABANATA 008

1131 Words
“I’m telling the truth, Blaze. Buhay si Eris.” kanina pa pinagpipilitan ni Ivee sa asawa na nakita nito ang dating namatay na asawa, pero ayaw naman nitong maniwala. Abala ngayon si Blaze sa trabaho habang abala din ang asawa sa panggugulo sa kanya. Talagang sinadya pa ng asawa ang puntahan siya dito sa opisina. “Naka-move on na ang lahat, Ivee. Patahimikin mo na siya.” sabi na lang ni Blaze habang patuloy sa pagbabasa ng mga dokumento. Madalas i-bring up ni Ivee si Eris sa tuwing magkasama silang dalawa ng asawa. Napaghahalataang hindi pa din nakaka-move on kahit ilang taon na ang nakalipas. “Ano ba, Blaze? Bakit ba ayaw mong maniwala sakin? Nakita ko nga siya kahapon sa airport. I even bumped into her daughter!” iritableng hinampas ni Ivee ang table ng asawa para tignan siya nito at hindi nga naman siya nabigo. “Oh, yea. Late na ako makakauwi mamaya kaya ikaw na lang ang sumundo kay Bia,” bilin ni Blaze na mas lalong kinairita ni Ivee. “Fine! Edi huwag kang maniwala!” Padabog itong tumayo at lumabas ng opisina. Hindi pa siya nakuntento at buong pwersang isinara ang pinto dahilan para gumawa ito nang malakas na ingay. Napailing na lamang si Blaze sa inaasta ng asawa. For the past five years magmula noong ikasal sila, his wife keep acting like that. Parang palagi na lang galit kapag hindi siya napapansin o di kaya'y hindi naibigay ang gusto nito. “Justine?” Tinawagan niya sa telepono ang kanyang sekretarya. [Yes, Boss?] Limang taon na din ang nakalipas magmula noong lisanin ng dati niyang sekretarya na si Eugene ang kompanya dahil hindi nito matanggap ang pagkamatay ng kaibigang si Eris. Hindi kakayanin ng sikmura niya ang magtrabaho sa kompanyang nagpapatay sa kaibigan. Gustuhin man niyang ipaglaban ang pagkamatay nito pero masyadong makapangyarihan ang makakalaban niya at wala siyang panama doon, kaya pinili na lang niya ang magresign. “What’s on my schedule?” [Your lunch meeting with Mister Buenvenido was cancelled.] Bahagyang kumunot ang noo ni Blaze pagkarinig sa sinabi ni Lucas. Kahit kailan, wala pa ni isang kliyente ang nagtangkang magpa-cancel ng meeting sa kanya, kaya nakakapanibago lang. “Bakit daw?” [It's your wife. She told me to cancel your meeting with Mister Buenvenido dahil sasamahan mo daw siyang mag-shopping mamayang lunch and after lunch,] paliwanag ng sekretarya. [Bago ka magalit sakin, uunahan na kita. She blackmailed me na hindi daw ako makakatanggap ng 13th month pay kapag hindi ko siya sinunod, and she's mad serious about it kaya wala na akong nagawa. Guluhin ka man niya, huwag lang ang 13th month pay ko,] dagdag pa nito. “Tch, that brat,” Inend ni Blaze ang tawag at napasandal na lamang sa inuupuang swivel chair habang hinihilot ang sarili nitong sintido. Kahit kailan talaga puro sakit sa ulo ang pinanggagawa ng asawa niya. Kung hindi lang dahil sa anak nila ay malamang sa malamang, matagal na niyang hiniwalayan yun. “Sobrang layo niya kay Eris,” nakapikit ang mga mata niyang bulong sa sarili. Hindi niya ipagkakailang madalas niyang ipagkumpara ang dating asawa sa asawa niya ngayon. When she was with Eris, hindi siya nito ginugulo at wagas pa kung mag-alaga, hindi katulad sa asawa niya ngayon na maliban sa sakit ng ulo ang dala, puro pa gastos at bili ng kung ano-ano hanggang sa mag-max out ang binibigay nitong credit card. Natigil siya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang telepono niya. [Mag-oorder pa ba ako for your lunch? Or sabay na lang kayo kakain ni Ma'am Ivee?] “Tell her, I'm busy. At ako na ang bahala sa lunch ko,” utos ni Blaze sa sekretarya at pinatay ang tawag. Kinuha niya ang phone niya saka tumayo. Lumabas siya ng opisina at sumakay sa elevator pababa sa second floor kung nasaan ang cafeteria. Usually, nagpapadeliver si Justine ng lunch niya sa opisina, pero this time naisipan niyang lumabas dahil baka bumalik ang asawa niya at manggulo na naman. Pagkarating niya sa cafeteria, madaming employee na ang kumakain at mukhang mahihirapan pa siyang maghanap ng bakanteng table kaya napagdesisyonan niyang sa labas na lang maghanap ng kakainan. Saktong pagkalabas niya, natanaw niya sa di kalayuan ang isang fast food. Since ayaw niyang gamitin ang kotse, napag-isip-isip niyang doon na lang kumain. “Good afternoon, sir.” bati ng security guard sa kanya pagkapasok sa entrance ng kakainan. He then went to the self-order kiosk to check out what's good for lunch. After finding something he liked, he paid with his e-wallet and grabbed the receipt. Marami pa ang nakapila para kumuha ng order, kaya naisipan niyang umupo muna sa bakanteng table para maghintay. “Their food tasted better compared doon sa States.” Napatingin siya sa batang babaeng nagsalita na katabi lang ng table kung nasaan siya ngayon. “Stop talking when your mouth is full, Zoey.” sabat naman ng batang lalaki at nakitang puno pa nga ang bibig ng kausap habang nagsasalita. Napatingin si Blaze sa suot nitong wristwatch at chineck ang oras. This will take him forever kung pagbabasehan niya lang ang mahabang linya na nakapila sa counter. 'I should've asked for Justine to get my lunch. Tch' ani sa sarili na tila ba'y nagsisisi sa desisyon. “Should I order more and give it to grandma? I bet she’ll love it.” He glanced back at the little girl who was wiping her mouth with a tissue, showing that she was done eating. “Fastfood is not advisable for grandma, silly.” Pinitik ng batang lalaki sa noo ang kasama at ginawaran lang siya nito ng simpleng pag-irap saka humalukipkip. “Tch. You’re not even a doctor to say that.” Lihim namang napangiti si Blaze sa inaasta ng dalawa. Hindi niya maitatangging nag-eenjoy siya habang pinagmamasdan sila. 'They must be siblings' isip isip niya. Napatingala si Blaze sa monitor at nakita ang numero niya sa 'now serving' hudyat na kailangan na niyang kunin ang in-order doon sa counter area. “Thanks,” he told the crew after taking his 'take-away' order. Binalingan niya ulit ang dalawang bata na katabi niya kanina, pero hindi na din sila nakaupo doon. Napatingin siya sa main entrance at nakita ang dalawang batang bitbit ng isang babaeng nakatalikod. 'That must be their mom,' Saktong pagkalingon ng babae, biglang nagtama ang kanilang mga mata dahilan para makaramdam siya ng kaba. “Eris?” Hindi siya puwedeng magkamali, si Eris nga ang nakita niya. Pero matagal na siyang wala, kaya papaanong nangyari 'yon? Dali-dali siyang lumabas para kumpirmahin ang nakita niya. Sinubukan pa niyang igala ang paningin sa labas, ngunit tuluyan na ngang naglaho ang taong hinahanap niya. “Could it be possible na totoo ang sinasabi ni Ivee?” naguguluhang tanong sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD