KABANATA 009

1430 Words
“Where have you been?” salubong ni Aaron sa pinsang si Eris na kadarating lang sa Villa. “Kanina ka pa nila hinihintay,” tukoy nito sa mga kamag-anak na bumyahe pa galing Manila papunta dito sa Villa para sa isang importanteng diskusyon. Magkakaroon ngayon ng pagpupulong lahat ng executive ng Wilde Group patungkol sa magiging desisyon ni Donya Feliza kung sino ang magiging kapalit niya bilang CEO habang may sakit ito. Nandito lahat ang apat niyang anak, kasama sina Aaron at Eris para pag-usapan ang nasabing desisyon. Matagal na hinintay ng apat ang desisyong ito kung kaya’t ayaw nilang palagpasin ang pagkakataong ito. “I have something to tell you—” “Save that for later. Ayaw mo namang paghintayin ang mga bisita natin, hindi ba?” pagputol ni Aaron at hinila siya papunta sa study area kung saan magaganap ang pagpupulong. “It’s quite disrespectful to keep everyone waiting like this,” malamig na salubong ni Alexander Wilde pagkapasok nila. Alexander Wilde, the first son of Donya Feliza and the Chief Financial Officer of Wilde Group, manages the company’s finances, including budgeting, reporting, and risk management. “Sorry,” mahinang paumanhin ni Eris at umupo sa tabi ni Aaron. “At saan ka naman galing?” bulong ni Victoria sa anak na si Aaron. Victoria Wilde, pangatlong anak ni Donya Feliza. Siya lang ang kaisa-isa niyang anak na walang posisyon sa kompanya dahil sa pagiging likas na gastadora at walang alam sa pagpapatakbo ng Negosyo. Tanging paggasta at pagpapakasaya lang ang pinagkakaabalahan nito sa buhay. “Since everyone is here, pwede na tayong makapagsimula.” Binuksan ni Attorney ang dalang briefcase. “Bago pa man tuluyang magkasakit si Donya Feliza, inihabilin niya sakin kung sino ang gusto niyang pansamantalang pumalit sa posisyon niya bilang CEO,” kinuha niya ang isang dokumento at pinakita ito sa kanila. “This is the Interim CEO Agreement signed by Feliza Wilde last year, November 26, 2023. Aside from this, she has a few requests that she wants you all to follow. If any of you oppose and not in favor, you’ll lose all your assets and won’t receive any inheritance… if ever she dies,” mahinang sambit ng Attorney sa huling kataga. Kahit siya ay hindi din handa kung sakaling mangyari iyon. Wilde Group of Companies are known for multinational conglomerate with diverse business interests such as technology, finance, healthcare, energy, transportation, and consumer goods. Isa ito sa mga haligi ng ekonomiya ng Pilipinas, at kahit pa sa ibang bansa. Marami ang gustong makipag-kompetensya sa kanila, pero wala ni isa ang nanalo laban sa mga Wilde. “As for her request, Mister Alexander Wilde will no longer be our Chief Financial Officer,” Napatingin si Victoria kay Alexander at naaktuhan nito ang pagngisi. ‘He must be full of himself, tch’ napairap ito sa kanyang iniisip. Hindi talaga sila magkasundo kahit na noong mga bata pa lamang sila. “Tch,” nakangisi at kunwaring inayos ni Alexander Wilde ang suot na necktie habang nakatingin sa mga kasama. “Alam ko na ‘yan Attorney Hong. Matagal ng sinasabi sakin ng mama ang tungkol sa pagpapalit niya sa posisyon ko bilang bagong—” “You will be sent to Germany to manage the Wilde transportation and logistic Corporation and just so you know, your flight will be in two weeks from now,” putol ni Attorney Hong sa kanya dahilan para mapatawa nang malakas si Victoria. “Mom?” suway ni Aaron sa kanyang ina. “Oh my gosh, I can’t help it!” ani pa nito habang pinapaypayan ang sarili dahil halos mangiyak na siya sa kakatawa. “Are you pulling my leg?” inis na turan ni Alexander kay Attorney Hong. “That’s what Donya Feliza wants.” “At sino ang magiging kapalit ko?” Saglit na napatingin ang Attorney sa hawak na dokumento at binalingan si Aaron. “It will be Aaron Wilde.” Puno ng pagtatakang itinuro ng binata ang sarili. “B-Bakit ako? I’m currently managing the Wilde Real Estate—” hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin nang hinigit siya ng kanyang ina palapit. “Don’t be stupid, son. Hindi ba’t pagkakataon mo na ‘to para magpakitang gilas sa lola mo?” bulong ni Victoria habang nakangiti dahil lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila. “He’ll be fine with his new position, attorney.” mas lalo pa nitong nilaparan ang ngiti. Kahit na nag-aalinlangan ay hindi na lang umangal si Aaron. He’ll be getting one of the highest positions and that’s bothering him. “That will be all. The rest of you will remain in your current position without any changes—” “Aren’t you going to say who’ll gonna be the acting CEO of Wilde Group?” Benjamin Wilde, the Chief Operating Officer of Wilde Group, interrupted Attorney Hong. Kanina pa nila hinihintay na malaman ang desisyon ni Donya Feliza kung sino ang papalit sa pwesto nito. “Oh, yea,” binuklat ulit ni Attorney Hong ang Interim CEO Agreement. “Donya Feliza would like to appoint her granddaughter, Eris Wilde, as the acting CEO of Wilde Group until she recovers and return to her position. All powers and responsibilities pertaining to the CEO position are hereby transferred to Eris Wilde.” Lumipat ang tingin ni Attorney kay Erin na kasalukuyang gulat na gulat. Paisa-isang tinitigan ni Erin ang mga kasama. Malakas na kumakalabog ang kanyang dibdib at hindi alam kung ano ang sasabihin. She just attended the meeting dahil pinilit lang siya ng pinsan at sinabi din ni Attorney Hong na gusto ng Lola niya ang dumalo siya, but she didn’t expect na siya pala ang aatasang maging acting CEO. Nagkaroon man siya ng bilyonaryong asawa dati, pero anong alam niya sa pamamalakad sa isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa? This is driving her insane. “What? Paano ako?” turo ni Victoria sa sarili. Umaasa pa naman siya na gagawin siyang CEO ng ina dahil sa lahat ng magkakapatid, siya lang naman ang walang trabaho at puro shopping lang buong araw o di kaya’y mag-travel sa ibang bansa para magsaya. “I’m sorry Madam Victoria, there’s no available position for you. But no worries, you’ll remain as the rich man’s daughter. Just be mindful lang sa mga ginagastos mo dahil simula ngayon, we’ll be putting limit to your credit card,” sagot nito na mas lalong ikinapanlumo ni Victoria. “That will be all for today. See you around.” Pagtatapos ni Attorney sa pagpupulong saka tumayo at lumabas, bitbit ang briefcase na naglalaman ng mga dokomento. “Attorney Hong, wait!” nagkandarapa na si Victoria sa suot na high heal para lang sundan ang company lawyer. Tila hindi pa siya tapos at may gustong sabihin, pero malalaki ang hakbang ng attorney, kaya nahirapan itong habulin. Tumayo na din ang lahat maliban kay Nataniel Wilde na prenteng nakaupo pa din sa single sofa. “You have a striking similarity to your father, and it doesn’t sit well with me,” inis na turan ni Benjamin Wilde kay Eris bago umalis. Hindi naman nakatakas ang masamang tingin ni Alexander Wilde sa kanya at kulang na lang ang kainin siya nito nang buhay dahil sa sobrang sama ng tingin. Napayoko na lang siya at hindi binigyang pansin. Halatang ayaw ng dalawang magkapatid sa kanya. “Welcome to Wilde Group,” nakangiting sambit ng tiyuhin niyang si Nataniel Wilde, the Chief Marketing Officer. “Don’t hesitate to give me a call if you need help,” paalala nito saka ti-nap ang kanyang balikat bago umalis. Sa lahat ng Wilde, ito lang yata ang masaya na ang pamangkin niya na kauuwi lang galing States ang tinalaga ng ina na maging acting CEO. Laglag balikat na napaupo si Eris sa single sofa habang nakatulalang tinitigan ang pader. Madami ang tumatakbo sa utak niya sa mga posibleng mangyari sa sandalling magtrabaho siya sa kompanya. Hindi niya din lubusang maisip kung bakit sa dami ng anak ni Donya Feliza, bakit sa kanya pa binigay ang pinakamataas na posisyon, ni hindi nga siya mahilig sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo. “I don’t know what’s gotten into Lola’s mind.” Napahilamos ng mukha si Aaron saka napatulala din kagaya ni Eris. “Brace yourself. This is bound to be a catastrophe,” dagdag pa nito. Eris knows what he was trying to say. Isang malaking pasanin ang mapabilang sa Wilde Group of Companies lalo pa’t nandito ang mga tiyuhin niyang hindi pabor sa desisyon ng lola niyang gawin siyang CEO ng kompanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD