KABANATA 010

988 Words
Hindi na nakapagtanghalian si Blaze sa kadahilanang binabagabag siya ng babaeng kamukha ni Eris na nakita niya kanina sa fast-food. He needs to confirm it himself at kausapin ang taong may alam sa buong detalye ng pagkamatay ng dati niyang asawa. “Seems like your art gallery is doing well,” puna ni Blaze saka kinuha ang isang painting na gawa mismo ng dati niyang sekretarya na si Eugene. It’s been two years since nagpatayo ng art gallery si Eugene at hindi maitatangging paunti-unti itong umaasenso at dinadayo kahit pa ng mga taga-ibang bansa. Walang kasing galing sa pagguhit si Eugene at lahat ng mga obra niya ay talagang tinatangkilik. Matagal na niya gustong magpatayo ng art gallery, kaya naman pagkatapos niyang magresign sa kompanya ni Blaze, hindi na siya nagdalawang isip at nilakasan ang loob na ituloy ang pangarap niya. “What do you want? Alam kong hindi ka pumunta dito para lang kamustahin ang art gallery,” pabalang na sagot ni Eugene saka binalik sa lalagyan ang ginamit na paintbrush. Tumayo siya at pumunta sa sink para hugasan ang mga kamay. “Were you still holding grudges against me after all these years?” hindi mapigilang itanong ni Blaze sa dating sekretarya nang maramdaman niyang tila may sama ng loob pa din ito sa kanya kahit ilang taon na din ang nakalipas. Saglit na napahinto si Eugene sa paghuhugas, hinahayaan na umagos lang ang tubig sa kanyang mga kamay. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ulit ang ginagawa. “I-I’m sorry…” naibulalas na lang ni Blaze. “Mabuti sana kung maibabalik ng sorry mo ang buhay na kinitil niyo,” may halong panlalamig na tugon ng dating sekretarya saka pinunasan ang mga kamay. Napahigpit ang hawak ni Blaze sa painting. Hanggang ngayon ay galit pa din si Eugene sa kanya dahil sa sinapit ni Eris. Muli na namang nag-flashback sa isip niya ang nangyari sa dating asawa. Hindi man naging maganda ang huling pag-uusap nila, pero sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay nito. Siguro kung napakiusapan niya pa ang ama niya, sana kahit papano ay nailigtas pa niya si Eris. “I tried to save her at alam mo ‘yon,” Pagak na napatawa si Eugene sa turan ni Blaze. “Talaga ba?” ani nito na may halong pangungutya. “Kung hindi ka ba naman g-go, sana sinabi mo din sa lintik mong ama na ikaw talaga ang nangaliwa sa inyong dalawa ni Eris. Ikaw yung nagloko, Blaze,” pagpipilitan ni Eugene na ikinatahimik ng dating boss. Bago pa man mamatay si Eris sa aksidente, tinawagan ni Blaze si Eugene para tulungang itakas ang asawa dahil alam niyang anytime, pwedeng ipadespatcha ng ama niya si Eris. Minsan na din kasi niyang ipinaalam sa ama na gusto na niyang makipaghiwalay kay Eris pero ang ama naman niya ang panay pilit sa kanya na huwag gawin iyon. Ngunit nang makita ng ama ang hubo’t hubad na litrato ni Eris na may kasamang lalaki, labis itong nagalit. Sa sobrang galit, pinadispatcha nito ang nasabing lalaki dahil ayaw nito ng eskandalo at hindi na din ito nagdalawang isip at pinadispatcha din si Eris. “Alam mo kung gaano kademonyo ang ama mo at alam mo ding oras na hiwalayan mo si Eris, hindi magdadalawang isip ‘yon na ipapatay ang asawa mo. Pero anong ginawa mo? Ipinagwalang bahala mo lang diba? Napakamakasarili mo, g-go!” hiyaw pa nito. Ayaw ng ama ni Blaze ang ginag-go siya nang patalikod. Kung sino man ang gustong kumawala o umalis sa puder niya ay magiging isang malamig na bangkay. At naniniwala siyang, sa loob ng apat na taon magmula noong ikinasal si Eris sa anak niya ay marami na itong nalalaman patungkol sa pamamalakad nito sa kompanya niya, kaya nararapat lang na patahimikin na lang ito. “She was drugged that night by some random men and I keep blaming you sa nangyari sa kanya noong gabing hinayaan mo siyang magpunta mag-isa sa auction,” naglakad si Eugene papunta sa gawi ng dati niyang boss at kinuha sa kamay nito ang hawak na painting. “She was even crying the whole night when she called me and told me about what happened to her,” dagdag pa niya bago ito tinalikuran at ibabalik sana sa ‘display area’ ang likha nang bigla siyang higitin ni Blaze, pilit na ipinaharap ulit. “Why didn’t you tell me?” Ito ang kauna-unahang sinabi ni Eugene ang totoong nangyari doon sa litrato. He didn’t bother telling Blaze about this before dahil wala din naman itong pakialam kay Eris. Bilang kaibigan ni Eris, nasasaktan din siya sa tuwing binabalewala lang ito ng asawa. “She doesn’t want you to worry about her,” mahinang bulong niya. “And that’s because she loves you so much,” inis niyang tinabig ang kamay ni Blaze at ibinalik sa display area ang painting. Blaze was struck silent. Kinuyom niya ang sariling kamao dahil sa nagsisimula na namang mamuo ang galit sa loob niya. Galit na galit siya ngayon sa sarili dahil sa nalaman. Eris was trying to tell him the truth pero hindi siya naniwala. He was blinded by his anger at nagawa pang saktan siya noong mga panahon na ‘yon. He should’ve at least listened to her, pero huli na ang lahat. Dumungaw si Eugene sa labas ng bintana at kinuha ang pakete ng sigarilyo sa suot na jacket saka sinindihan ang isa. “Hindi ka naman bulag, but why can’t you see her worth?” hinithit nito ang sigarilyo saka ibinuga. “You even chose your mistress over her,” Saksi siya sa kung paano tratuhin ng dating boss si Eris. Siya na nga lang ang naawa dahil sa pagiging martyr ng kaibigan niyang pumanaw. “Sinisisi ko din ang sarili ko sa pagkawala niya,” Blaze said in a whisper tone, trying to hold back his tears. “At habangbuhay kong pagsisisihan ‘yon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD