“Oh!” Inabot ni Eugene ang isang canned beer sa dati niyang boss na si Blaze saka umupo sa tabi nito.
Pasado alas syete na ng gabi at kasalukuyan sila ngayong nasa rooftop ng art gallery na pagmamay-ari niya. Kinompronta din siya ni Blaze na gusto siya nitong kausapin tungkol sa importanteng bagay at itong rooftop lang bakanteng lugar na pwede silang mag-usap.
“Anong gusto mong pag-usapan?” tinungga niya ang hawak na beer habang nakatingin sa malayo.
He really loves the vibes sa tuwing tumatambay siya dito.
“About Eris,” panimula ni Blaze na ikinailing ni Eugene.
“Tch,”
“Five years ago, talaga bang nakumpirma na si Eris ang namatay sa nangyaring aksidente?” walang pag-alinlangang tanong ng dating boss dahilan para mapatingin si Eugene sa kanya.
“Planado ang nangyari at hindi aksidente,” pagtatama nito dahil alam niyang kagagawan ng ama ni Blaze ang nangyaring aksidente ‘kuno’.
Muli niyang tinungga ang alak saka napasinghap at ibinalik ang tingin sa mga nagtataasang gusali sa harap nila. “Natupok at hindi na namukhaan ang sakay na pasahero at taxi driver, pero nakumpirmang si Eris ang sakay nun dahil galing sa subdivision ang kotse at nakunan ng CCTV doon na siya ang sumakay,” paliwanag niya at kinagat ang ibabang parte ng labi niya.
Nanumbalik na naman ang alaala niya dati. He was desperately pleading for CCTV footage dahil hindi niya matanggap nang malamang si Eris daw ang pasahero na natupok sa pagsabog ng naaksidenteng kotse.
“What about the autopsy?” mahahalata sa boses ni Blaze ang umaasang kahit papano ay buhay pa ang dating asawa.
“Hindi sila nag-conduct ng autopsy. Wanna know why?” baling sa kanya ni Eugene. “Simply because nobody cares about her. Kahit ikaw, wala ngang aksyon na ginawa,” dagdag pa niya at umiwas ng tingin. Inubos niya ang laman ng canned beer at muli na namang nagbukas ng panibago.
Tinungga din ni Blaze ang hawak na alak at parehas silang nilamon ng katahimikan habang malalim ang iniisip. “Pero yung CCTV sa area na nangyari ang aksidente—”
“Burado lahat ng footage dahil pinalinis kaagad ng ama mo pagkatapos ng nangyari. Yung CCTV lang sa subdivision ang nakita kong record pero kalaunan ay pinabura niya din,” hindi na siya pinatapos ni Eugene.
-- F L A S H B A C K – (five years ago)
“Pasensya na po pero saktong under maintenance ang CCTV kahapon at hindi nakuhanan ang buong pangyayari,” paliwanag ng surveillance operator kay Eugene.
Ilang beses na din siyang pabalik-balik dito at nangungulit kung pwede bang matingnan ang footage noong mangyari ang aksidente kahapon dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari, at bakit ganun na lang ang sinapit ng kaibigang si Eris.
Pero kahit ilang beses na siyang magmakaawa, parehas na sagot pa din ang nakukuha niya.
Laglag balikat siyang lumabas sa surveillance room saka sumindi ng sigarilyo. Napadako ang kanyang paningin sa kalsada kung saan naaksidente kahapon si Eris. Nilagyan ito ng ‘caution tape’ dahil iniimbistigahan din ng mga police ang nangyaring aksidente.
Nasa kalagitnaan siya ng paninigarilyo nang may biglang lumapit sa kanyang lalaki at may kung anong binulong at itinuro ang kotseng itim sa hindi kalayuan.
Someone wanted to talk to him.
Tinapon niya ang sigarilyo at inapakan muna bago umalis. Nakapamulsa niyang tinungo ang nasabing kotse saka pumasok sa loob. Nang makita niya ang taong nasa loob, biglang sumilay ang isang ngisi sa labi niya.
Hindi nga siya nagkakamali.
“I am warning you. There’s no CCTV footage for you to find kaya tigilan mo na ang pag-iimbestiga,” pagbabanta ni Mister Martell, ang ama ni Blaze. Inabot ng assistant nito ang isang briefcase saka ibinigay kay Eugene. “Accept it or leave it. Kilala mo ako Eugene, at masama akong kalabanin,”
Binuksan ni Eugene ang binigay sa kanyang briefcase at hindi na nagulat nang makitang naglalaman iyon ng libo-libong pera. Kunot noo niyang binalingan si Mister Martell. “Sorry, but you can’t buy me, sir,” ani nito saka ibinalik ang briefcase at lumabas.
His loyalty to his friend cannot be bought with money
-- E N D – O F – F L A S H B A C K –
“Possibleng buhay pa si Eris kung ang CCTV lang ang pagbabasehan natin. Hindi naman tayo sigurado na sakay nga siya sa taxi-ng sumabog dahil yung CCTV lang sa subdivision ang nakita mo,”
Possible din kasi na buhay pa si Eris lalo na’t wala silang sapat na ebidensya na magpapatunay na siya talaga ang naaksidente at namatay.
“Tch, Isipin mo na ang gusto mong isipin para lang mabawasan ‘yang guilt na nararamdaman mo. It was your fault after all,” paninisi pa din ni Eugene sa dating boss. He can clearly sense na gusto lang nito makawala sa pagiging guilty sa nangyari kaya kung ano ano na lang ang iniisip.
“I’ll hire someone to conduct an autopsy—”
“Siraulo ka ba? Nananahimik na si Eris, dre!” kunot noong bulyaw niya at napagtaasan ng boses ang kausap.
“Anong mali sa gagawin ko? Gusto ko lang makasigurado kung totoo nga bang wala na siya,” rason ni Blaze na mas lalong nakapagpainit sa ulo ni Eugene.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nakalibing na ‘yon kaya huwag mo nang guluhin. Hindi mo man siya minahal dati, pero kahit respeto na lang sana dre sa namayapa niyang kaluluwa,”
Napapikit nang mariin si Blaze. Gusto niya lang naman makasigurado para matigil na siya sa pag-iisip kay Eris.
“Ivee told me that she saw her yesterday,” naibulalas na lang niya dahil wala na siyang choice para mapapayag si Eugene na magsagawa ng autopsy.
Tinungga muna ni Eugene ang alak bago tumayo. “Tch, isa pa ‘yang asawa mo. ‘Yan ba ang dahilan at gusto mong ipabungkal ang mga labi ni Eris at mag-conduct ng autopsy? Parehas kayong baliw!” nilukot nito ang latang pinag-inuman bago ito tinapon.
Tinalikuran niya si Blaze at balak na sanang umalis nang bigla na naman itong magsalita.
“Call me insane, pero sigurado akong nakita ko din siya kanina,”