KABANATA 012

1806 Words
As Eris and his cousin Aaron sat inside the luxurious confines of the BMW 5 Series car, she couldn’t help but notice that Aaron looked kinda on edge. That fancy car should made him feel like boss, but today felt more like a pressure cooker on wheels. “Pansin kong balisa ka. Don’t tell me kinakabahan ka,” puna ni Eris sa pinsan. Pagkatapos ng pagpupulong nila kahapon, ito ang unang araw na sabay silang papasok sa opisina para gampanan ang mga bago nilang posisyon. “Who wouldn’t?” inis na baling ni Aaron sa kanya dahilan para mapatawa siya nang mahina. “Seriously? Coming from you?” panunukso pa niya. “Tch, shut up! Walang may nakakatawa,” kunot ang noo habang nakahalukipkip si Aaron at ibinaling ang tingin sa labas. “You don’t know how terrible our uncles are,” dagdag pa niya. “I know. You don’t have to remind me,” Sa loob ng limang taon na namuhay si Eris bilang Eris Wilde, alam na niya kung gaano katuso ang pamilyang kinabibilangan niya. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit pinilit niya ang kanyang Lola na manirahan sa US kasama ang mga kambal dahil maliban sa magbagong buhay, ayaw niyang sumawsaw sa alitan ng mga tiyuhin niya. Pero eto siya ngayon. No choice kundi ang umuwi dahil kailangan siya ng Lola niya. “Pero sigurado ka ba talaga sa plano mo?” pag-iiba ni Aaron sa usapan. Kinakabahan siya na baka mahirapan lang ang pinsan sa gusto nitong mangyari. Malimit na tumango si Eris saka ngumiti. “This is the best way to start my first day at work,” “Kakayanin mo kaya ang dalawang linggo?” “Wala ka bang bilib sakin?” asar niyang tanong sa pinsan at pinandilatan pa ito ng mga mata. “Tch,” Erin decided na pansamantalang magtrabaho muna sa Finance Department bilang trainee sa loob ng dalawang linggo bago sumabak sa posisyon na ibinigay ng Lola niya sa kanya. She’s not used to the environment na pagtatrabahuan niya dahil ibang-iba ang trabaho niya sa US. Ayaw niyang ma-culture shock at mas makakabuti sa kanya ang magsimula sa mababang posisyon bago pasanin ang malaking responsibilidad ng pagiging CEO. “My secretary, Charlene will be waiting for you sa lobby ng main building. Siya na din ang bahalang ipakilala ka sa finance department,” Aaron informed her na sasalubungin siya ng sekretarya niya. “Tawagan mo lang ako kapag may problema ka,” “Yea, thanks.” Lumipas ang ilang minuto at narating nila ang main office ng Wilde Group. Tinanggal ni Eris ang pagkakaseatbelt at aakmang lalabas na nang muling magsalita ang pinsan. “Feel free to back out kapag nagbago ang isip mo,” “Tch, that will never happen,” She’s true to her words. Kapag sinabi niya, gagawin niya. That’s how she is. “Bye!” paalam niya pagkatapos lumabas at isinara ang pinto. She even waved her hand a goodbye to her cousin pero napailing lang ito sa inaasta niya. “Tch, wala talagang bilib sakin ang loko-lokong ‘yon,” she mumbled habang tinitignan ang papalayong sasakyan. Binaling niya ang tingin sa gusaling kaharap niya at napabuntong hininga. Working in a real office will be a new experience for her, as she previously worked as a freelance writer from home during her time in the US. As Eris entered the bustling office, a woman with a professional demeanor approached her. Her attire was sleek and tailored, with a hint of sophistication in every detail. Her hair was styled in a neat bun, adding a touch of elegance to her overall appearance. “Eris Vanya Geisler?” tanong nito. “Yes, Ma’am. Good morning,” sagot ni Eris saka ngumiti. Napagdesisyonan niya din na gamitin ang dati niyang apelyido dahil ayaw niyang makatanggap ng special treatment habang nagt-trabaho siya bilang trainee sa finance department. Wala pa namang may nakakakilala sa kanya maliban sa pamilya niya at ni minsan ay hindi pinublicize ng Lola niya ang pagkatao niya kung kaya’t malaya siyang magpanggap bilang normal na empleyado. Ayaw niyang ipaalam muna sa lahat na isa siyang Wilde. “Good morning. I’m Charlene Gonzales, and it’s my pleasure to meet you,” magalang na pakilala sa kanya ng sekretarya. “Let me guide you papuntang Finance Department,” sabi pa nito at naunang maglakad. Sinundan niya ng lakad si Charlene hanggang sa makapasok sila sa elevator. Nakasabay nila ang ilang mga empleyado kaya medyo siksikan sila sa loob. “Narinig mo na ba ang balita?” Saglit na napatingin si Eris sa babaeng nasa harap niya na nagsalita. She instantly rolled her eyes dahil paniguradong tsismis na naman ang madidinig niya. “Anong balita? Pumasok na ba 13th month pay natin?” tanong naman ng isa. “Engot! Hindi ‘yon. May bagong tsismis na kumakalat na magkakaroon na daw ng bagong CEO ang Wilde Group,” mahinang bulong ng babaeng unang nagsalita, pero dinig na dinig pa din naman ni Eris ang pinag-uusapan niya. Elevators used to be silent and peaceful not until na may makakasabayan siyang matalas ang dila. “Ang sabi, apo daw ni Donya Feliza. Marami din ang nagsabi na mas strikto at mas masungit daw ‘yon dahil nanggaling pa sa US,” “Ah, kaya pala. Narinig ko din nga galing sa iba na magtatanggal daw sila ng trabahador at papalitan ng bago. Totoo ba ‘yon?” Nasamid sa sariling laway si Eris dahilan para pagtinginan siya ng mga tao sa loob ng elevator. “I’m sorry,” paumanhin niya. This is the main reason why she hates hearing gossips. Sino ba naman ang hindi maiinis kapag nakakarinig ng kumakalat na maling impormasyon? Buti pa sila, na-informed na magtatanggal ng employee, pero siya na mismong apo ng may-ari ay hindi alam ang tungkol doon. Mabuti na lang at bumukas ang elevator. Sabay silang lumabas ni Charlene at nagpatuloy na naman sa paglalakad papuntang finance department. “Good morning, sir. She will be joining your department as a trainee starting today,” kausap ni Charlene sa Supervisor. Wala pa ang Finance Manager nila, kaya sa kanya inihabilin ni Charlene si Eris. May kung ano pang ibinulong si Charlene sa supervisor dahilan para tignan ito si Eris mula ulo hanggang paa na para bang ini-examine ang kabuuan nito. “Oh, sige. Thanks for letting me know,” Pagkatapos ng pag-uusap, kaagad na umalis si Charlene at iniwan si Eris. “Miss Eris Vanya Geisler, it’s nice to meet you. I’m Jerry Tan, isa sa mga supervisor dito sa Finance Department,” nakipagkamay sa kanya ang nasabing supervisor. “Kapag may kailangan ka, don’t hesitate to ask for my help,” nakangiting sambit pa nito at kaagad namang hinila pabalik ni Eris ang mga kamay niya. “T-Thanks. Nice to meet you too,” nakangiwing sagot niya. ‘Did that jerk break his promise?’ isip niya na ang tinutukoy ay ang pinsang si Aaron. Napaghahalataan niya kasi na masyadong mabait ang trato ng mga taong nakakasalamuha niya dahil baka ininform sila ng pinsan niya beforehand tungkol sa buo niyang pagkatao. “Anyway, do you need coffee—” “I just need my seat. Where is it?” putol niya sa pagbabalak na alok ng supervisor. “Ah, yeah,” dali-daling naglakad ang supervisor patungo sa bakanteng cubicle. “This will be your seat from now on,” sabi pa nito. “Salamat,” umupo siya sa pwestong inassign sa kanya at sinenyasan ang supervisor na lumapit sa kanya ng konti. “I wanted to work here as a trainee, kaya umayos ka. Itigil mo ‘yang kangingiti mo dahil nagmumukha kang timang sa ginagawa mo,” mahina niyang bulong, sapat na para madinig nito ang bawat diin sa sinasabi. She’s pissed. Balak pa sanang magsalita ng boss niya nang titigan niya ito ng masama. Wala na itong nagawa kundi ang umalis at bumalik sa dating kinauupuan. Ang aga-aga pero nab-bwisit na siya sa pinsan niya. Sigurado siyang sinabi nito sa lahat ng magiging boss niya sa departamentong pagtatrabahuan kung sino siya, kaya naman may pa special treatment sa kanya ang boss niya. “Newbie?” sumilip ang babaeng katabi niya ng cubicle. Kahit na iritable, sinubukan pa din ngumti ni Eris. “I’m Eris Vanya. Nice meeting you,” she extended her hands para makipag-shakehands pero inirapan lang siya nito. “Hindi ko tinatanong ang pangalan mo,” masungit na litanya nito at ibinalik ang atensyon sa trabaho. Napatingin si Eris sa kamay niyang nakalahad at dahan-dahan itong ibinalik sa bulsa ng suot na damit. Medyo napahiya siya sa part na ‘yon. “Hi, I’m Steffie,” napadungaw sa cubicle ang babaeng nakapwesto sa harap niya. “Nagagalak akong makilala ka,” nakipagkamay sa kanya ang katrabaho at kinamayan din siya ito. “Hi, I’m Eris,” ngiti niya. “Saang department ka galing?” “Huh?” naguguluhan niyang tanong. Hindi siya sigurado kung ano ang ibig nitong sabihin. “I just got hired?” patanong niyang sagot. “Woah, you mean kaka-hire mo lang? Did you know na lahat ng nandito sa Finance Department ay na-promote from their previous department. Ikaw pa lang ang kauna-unahang nakilala ko na na-direct kaagad sa department na ‘to,” tila namamanghang paliwanag ni Steffie. “Malakas ang backer kako,” pabalang na sabat ng katabi niyang nagsungit kanina. “Tumayo ka diyan at bigyan mo ako ng tig-limang copy nito,” pabagsak nitong ipinatong sa table niya ang mga dokumento at tinalikuran siya. Napatingin siya saglit sa mga dokumento at tinignan ang babaeng nasa harapan niya. “Where can I find the xerox copier?” “Ang sosyal ng English mo teh,” natatawang biro ni Steffie. “Anyway, lumiko ka lang doon, tapos katabi lang ng mini-pantry,” “Thanks,” Tumayo siya bitbit ang mga dokumento at tinungo ang direksyon na sinabi ni Steffie. Pagkaliko niya, natanaw niya kaagad ang pantry at katabi nito ang xerox copier room. Pinasok niya ang dokumento sa scanner at iniisa-isang ni-scan nang biglang mag-jam ang copier. “Anyare? Nakakatatlong kopya pa lang ako,” bulong sa sarili. Sinilip niya ang nasa loob ng tray na pinaglalagyan ng papel para tignan ang problema. “Nasira ko yata?” “Need some help?” Napatayo siya nang wala sa oras dahil sa gulat nang may biglang sumulpot sa likuran niya. Hindi niya napansin ang pagpasok nito. A man with a well-defined jawline and piercing eyes that held a hint of mystery, exuded quiet strength and charm. Dressed in crisp white shirt and tailored trousers, his lean frame and athletic build spoke of meticulous attention to detail and effortless style. “A-Ayaw gumana ng copier,” utal niyang sagot saka pumagilid at hinayaan ang binata na tignan ang problema sa copier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD