“May katandaan na din ‘tong copier kaya nagkakaganito,” sabi ng lalaki at may kung anong inayos. “The ink needs to be refilled,” dagdag pa nito at kinuha ang mga tinta.
Tahimik lang nitong sinasalinan ng ink ang ink cartridge kaya hindi na din kumibo pa si Eris. Maya-maya’y bumaling ang tingin nito kay Eris, “Newbie?” pagbabasag nito sa katahimikan.
“Y-Yea. I just got hired,”
“Congrats and welcome to the team,” ngiti ng lalaki na mas lalong ikinailang niya.
Hindi siya makatingin ng diretso sa mata nito at para bang nahihiya siya sa hindi malamang dahilan.
“Thanks,” maiksi niyang tugon dahil hindi niya na din alam kung ano ang isasagot.
“Good morning po, sir Jaxon,”
Napalingon si Eris at nakita ang babaeng nagsusungitsungitan sa kanya kanina at ang nag-utos na magpa-photocopy ng mga dokumento. Bahagya pa siyang napangiwi nang makita itong nagpapa-cute sa lalaking nagkumpuni sa copier.
“Ako na ang bahala dito, makakabalik ka na,” malambing na sabi pa nito sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
‘Anyare dito?’
Balak niya pa sanang sumagot nang bigla siya nitong itulak palabas ng copier room, kaya wala na siyang nagawa at bumalik na lang sa cubicle na naka-assign sa kanya.
Nagpalinga-linga siya sa paligid at nagbabakasakaling mahanap ang supervisor niya. She’s been here for almost an hour, pero wala pa din siyang may nagagawa.
“Tabi diyan!”
Napatingala siya para harapin ang taong sumipa sa upuan niya. A girl with its face burdened with layers of makeup appeared in front of her. A mosaic of hues and textures missed the mark in highlighting its features.
“Bingi ka ba? That’s my seat,” pasigaw pa nitong sabi.
“A-Ah, s-sorry…” dali-daling tumayo si Eris at humingi ng paumanhin. “H-Hindi ko alam na—”
“Shut up, b-tch! I’m not asking for your explanation,” asik ng babae sa kanya na ikinagulat niya.
Tumingin siya sa gawi ni Steffie at sinenyasan lang siya nito na itikom na lang ang bibig na ikinakunot ng noo niya. Naguguluhan siya at hindi malaman kung ano ang sasabihin o ire-react sa babaeng bagong dating.
“Baguhan ka lang dito and you should know your place,”
Napanganga siya sa narinig at muling binalingan si Steffie pero ang tanging sagot lang nito ay simpleng pag-iling.
‘What do I do?’
***** *
Tanghalian na at kasalukuyang namimili ng makakain para sa tanghalian sina Steffie at Eris sa cafeteria. Kanya-kanya silang may bitbit na tray at paisa-isang kumuha ng mga pagkain na nakahanda sa food station.
“Isa lang ang mapapayo ko sa’yo. Huwag na huwag mong gagalitin ‘yang si Agatha,” bilin ni Steffie kay Eris habang abala sa pagpili ng makakain.
“Bakit naman?”
“Asawa ‘yan ng manager kaya ganyan na lang kung makaasta. Sobra pa sa may-ari,” nasabi na lang nito saka ibinalik ang hawak na tong sa lalagyan. “Eto lang ang tatandaan mo, hangga’t maaari, pumayag ka na lang sa lahat ng sasabihin niya dahil paniguradong ikaw ang pupuntiryahin niya kapag hindi ka niya bet,” nakangiwi pa ang mukha nito habang nagpapaliwanag.
“Ah, ganun ba?”
Sabay silang naglakad papuntang bakanteng table. Umupo sila pero yung isip ni Eris ay nandoon pa din sa babaeng nagngangalang Agatha. Hindi niya inaakalang sa pananatili niya sa finance department ay makakatagpo siya ng babaeng walang pakundangan ang bibig at ugali.
“Basta, sundin mo lang ang mga bilin ko kung gusto mong tumagal dito,” sabi pa ni Steffie at hindi na nagawang dumugtong pa ni Eris. “Tatlong araw na palaging ganito na lang ang laging available sa menu nila,” pag-iiba ni Steffie sa usapan.
“Masarap naman siguro,” sagot ni Eris at tinikman ang beef tapa na nasa tray niya.
Napangiwi na lang si Steffie habang tinititigan ang kasama. Kahit titigan niya lang na kumakain si Eris, nauumay kaagad ang sikmura niya. Pero kahit ganun, wala na din naman siyang choice kundi kainin na lang din kung ano ang nakahain ngayon sa kanya.
“Move!” biglang sumulpot ang babaeng kanina lang ay pinag-uusapan nila.
Nailuwa ni Steffie ang kinakain at dali-daling tumayo at umalis. Naiwan si Eris na patuloy pa din sa pagkain at tila ba’y hindi napansin ang biglaang pagsulpot ng babae.
“Talagang inborn na ang pagiging bingi mo, ano?” inis na iwinaksi ni Agatha ang tray ni Eris dahilan para tumilapon sa sahig ang kinakain nito. “Sorry, I’m not feeling sorry,” pang-aasar pa nito at umupo sa harap ni Eris.
Dahil sa ingay, natuon ang atensyon ng lahat sa kanila, at kahit pa si Steffie ay napabaling at automatikong napatampal sa sariling noo nang makitang naiwan niya pala si Eris dahil sa sobrang taranta.
‘Kakasabi ko lang sa kanya na huwag galitin ang dragon,’ tila nanlulumong sambit ni Steffie sa sarili.
Pabagsak na inilagay ni Eris sa mesa ang hawak na kutsara at tinidor saka iritableng tinitigan ang babaeng nakaupo sa harapan niya. “You know what, it’s pretty disrespectful to waste food when there are folks out there going hunger, right?”
“Do I give a d-mn?” she retorted, nonchalantly taking a bite.
“Well, lucky you. I don’t mind being a bit impolite,” she smirked. With a quick flick of her wrist, she grabbed Agatha’s tray and tossed its food onto her clothes.
“YAH!” napasigaw ito ng wala sa oras at nanggigigil na hinawakan si Eris sa damit. “Were you trying to mess with me? Hindi mo ba ako kilala?”
“I should be the one asking you that. Hindi mo ba ako kilala?” balik tanong ni Eris kay Agatha at sapilitang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Lumapit siya sa tenga nito saka bumulong. “Naiintindihan kong may binabagayan ang pag-uugali sa pagmumukha, pero sana naman huwag mo masyadong kapalan,” she then tapped Agatha’s shoulder at iniwan itong nakanganga.
Narinig niya pa itong sumigaw, pero hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas ng cafeteria.
“You had my respect,” sambit ng lalaking nakasandal sa entrance door ng cafeteria at napa-thumbs-up pa. Nakita nito ang buong senaryo kaya ganun na lang kung maka-react.
“M-Mister copier guy?” utal niyang turo sa lalaki.
“It’s Jaxon,” natatawang sagot ng lalaki dahilan para mamula siya sa sobrang hiya.