KABANATA 014

1264 Words
Mag-aalas sinko na ng hapon at patapos na ang shift ni Eris sa trabaho. Kinuha niya ang cellphone niya para i-text si Manang Sela na mal-late siya ng uwi dahil may dadaanan pa siya. “Sinong may gusto ng tea?” tanong ni Agatha sa mga kasamahan habang nakatukod ang mga braso sa cubicle. “Caramel Macchiato sakin,” sabat ng isa “Iced Americano,” “Sakin Milk tea,” Lumapit si Agatha sa pwesto ni Eris at sinipa ang swivel chair nito. “Hoy, ikaw!” sigaw nito pero hindi siya pinansin ni Eris dahil abala ito sa pagtitipa sa cellphone.“Hindi mo ba sila narinig?” “I’m not in the mood to drink tea,” halata sa tono ni Eris ang pagkairita. Napasinghap si Agatha at tila hindi makapaniwala sa sagot nito. “Go and buy our drinks!” Umangat ng tingin si Eris at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Why would I? Naangasan lang kanina ang damit mo pero hindi ka naman nalumpo. You go and buy some for yourself. Tch,” Tumayo siya bitbit ang bag at nilisan ang opisina. Dealing with someone as immature as Agatha has left her feeling exhausted. Sumakay siya sa elevator at hindi inaasahang makakasabay niya ang pinsang si Aaron. He's with his secretary at bumati ito sa kanya. “How was your first day?” tanong ng pinsan. “What do you expect?” Natawa si Aaron sa sagot niya habang nanatiling nakapamulsa. “I heard, gumawa ka ng eksena sa cafeteria?” Hindi na sumagot si Eris at pinindot ang ground floor. Wala siya sa mood at paubos na ang energy niya dahil sa maghapong punterya ni Agatha sa kanya. “Pauwi ka na?” pag-iiba ni Aaron sa usapan ng mahalatang iritable ang pinsan niya. “I'm visiting their Dad,” simpleng sagot ni Eris sabay tingin sa suot nitong wristwatch para tignan ang oras. “Ngayong araw ba 'yon?” Aaron checked his phone to see the date today. “Gusto mo bang samahan kita?” muli niyang tanong pero inilingan lang siya ni Eris. “Kaya ko naman na,” Bumukas ang elevator at naunang lumabas si Eris nang hindi man lang nagpapaalam. May mga nakaabang kasi sa labas at ayaw niyang may kung ano pang isipin ang mga ito kapag nagpaalam siya. Nang makalabas siya sa gusali ng pinagtatrabahuan, kaagad siyang pumara ng taxi at sinabi sa driver ang destinasyon niya. While on her way, nakatanggap siya ng tawag mula sa anak na si Zoey. [Mommy, I miss you. When will you be home? I can't wait to give you a big hug,] “I miss you too, baby. May pupuntahan pa si Mommy, but I assure you that I'll be home before seven,” ngiti niya. Napa-pout na lang si Zoey saka humalukipkip na tila ba'y nagtatampo. [But I'm bored and kuya doesn't want to play with me,] Natawa siya sa reaksyon nito. “That's because you keep teasing your kuya. Try to be nice to him next time,” Kung katabi niya lang ang anak niya, malamang nakurot na niya ang pisngi nito dahil sa sobrang ka-cute-an. [But mom!?] “Alright, baby. I'll end this call now. Mommy still has things to do.” [Bye, mommy. I love you,] “I love you too. Bye!” Tinapos na niya ang tawag bago pa siya hindi makapagpigil at mapauwi nang wala sa oras. Pag dating talaga sa kambal, hindi niya magawang tiisin ang mga ito, maliban lang ngayon dahil may importante siyang lakad. Ilang minuto pa at huminto na ang taxi. “Keep the change,” inabot niya ang bayad. “Salamat po,” It's December 14th, a day that will forever etched in her memory, the day of the accident five years ago. Ito yung eksaktong araw na kung saan binalot siya ng takot at hindi malaman kung kanino hihingi ng tulong dahil hinahabol siya ni kamatayan. Hiniwalayan siya ng asawa niya at hindi man lang nasabi na buntis siya noong mga panahon na yon. Tinalikuran siya ng pamilya niya at mismong biyenan niya ay gusto siyang ipapatay. Kasalukuyan siyang nakatayo kaharap ng kalsada kung saan nangyari ang aksidente limang taon na ang nakakaraan. Pinahiran niya ang mga luhang nagbabadyang tumulo dahil kahit ilang taon na ang nakalipas, ramdam niya pa din ang sakit ng sinapit niya. Mas lalo pa siyang nasasaktan sa tuwing iisipin na nadamay ang buhay ng kambal niya. After she woke up from coma five years ago, napag-alaman niya din na hindi naka-survive ang driver ng sinasakyan niyang taxi. She's blaming herself dahil nadamay ito kahit wala naman itong kasalanan. Feeling guilt, she asked Aaron na hanapin ang pamilya ng lalaki at bigyan ito ng tulong pinansyal para kahit papano maibsan ang pagiging guilty niya, but then she found out na wala na itong pamilya maliban sa kambal nitong mga anak na kasalukuyang dalawang buwang taong gulang pa lang ng mga panahon na 'yon. Napagpasyahan niyang ampunin ang kambal sa kadahilanang wala na din namang natitirang kamag-anak ang mga ito. Sinama niya ito papuntang States at doon nanirahan. Pero kahit ganun, hindi niya nagkaligtaan na padalhan ng bulaklak ang puntod ng ama ng kambal sa tuwing sasapit and death anniversary nito. The twins really help her to move on sa pagkawala ng anak niya. Natuon ang atensyon niya sa mga ito at itinuring parang mga totoong anak. Ilang minuto pa siyang nanatili bago sumakay ulit sa taxi. Sinabi niya sa driver na dumaan muna sa flower shop para bumili ng bulaklak bago dumiretso sa puntod ng ama ng nga kambal. “Pakihintay na lang po ako,” Bumaba siya sa taxi at pumasok sa loob ng flower shop. “Good afternoon po, welcome to our little slice of floral paradise. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” bati ng isang staff sa kanya at nilapitan siya. “I would like to order a customize white lilies that's a bit more vibrant, perhaps with a touch of color. Is that something you can create?” tanong niya sa staff. “I'm not a fan of traditional arrangement by the way,” she pointed out na ikinatawa nila parehas. Sinimulan na ng florist ang pag-aayos sa bulaklak na gusto niya. Habang naghihintay, pinagtitingnan niya ang ibang bulaklak na nakadisplay. She was lost in the beauty of the flowers when a sudden clang echoed through the shop as the door swung open. “Good afternoon, welcome to Dewdrop Flower shop. How may I help you?” Revealing a stylish figure, a guy entered the flower shop. His sharp features framed by a well-groomed beard that added a touch of rugged charm to his otherwise polished appearance. His piercing gaze, a shade of deep emerald, swept across the room with a mix of curiosity and confidence. Dark, neatly styled hair complemented his chiseled jawline, giving him an air of sophistication and allure. The tailored business suit accentuated his tall, athletic frame, exuding a blend of professionalism and charisma. “B-Blaze?” napaatras si Eris dahil sa sobrang kaba at hindi inaasahang matamaan ang plorera na nakapwesto sa likuran niya. Nabasag ito sa sahig at nakagawa ng ingay. Wala sa sariling pinulot niya ang mga basag na vase dahilan para masugatan ang kamay niya. Natigil lang siya sa ginagawa niya ng hinawakan ng lalaking bagong dating ang braso niya at pinaharap siya nito. Their eyes met, silently hinting at an unspoken message they both wished to express. Ito ang unang pagkakataon na muling nagtama ang kanilang mga mata makalipas ang limang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD