“I got some supplies from the pharmacy,” sambit ni Blaze pagkapasok niya sa kotse. He pulled up a small tube of antiseptic cream and fresh roll of bandages from the paper bag saka pinaalalahanan si Eris. “This might sting a little,”
Hinawakan niya ang kamay ni Eris na nasugatan at sinimulang gamutin ito. “Try to be extra cautious next time. Your cuts from broken glass can get infected easily if not properly treated,”
Nanatiling tikom ang bibig ni Eris. Ininda na ang kaunting hapdi at hindi pinahalata kay Blaze.
After what happened earlier, she felt trapped, unsure of how to escape, especially when Blaze extended his help with her wound.
Blaze carefully wrapped the bandage around her hand, securing it in place. “All done,” he said, his voice soft murmured.
“Thanks,” balak na sanang hawakan ni Eris ang handle ng pinto nang muling magsalita si Blaze.
“Allow me to drive you. Saan ang punta mo?”
Napatigil siya saglit bago muling binalingan ang dating asawa. “Salamat na lang, pero huwag na,”
How could she allow and trust someone na anak ng taong nagpapatay sa kanya dati?
“Gabi na at hindi ko hahayaang bumyahe ka mag-isa,” Blaze insisted.
Maliban sa nag-aalala siya dito, gusto niya din itong makasama pa nang mas matagal at makausap ito. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanya at tanging si Eris lang ang makakasagot nito.
“Mas mapapanatag ako kapag hindi kita kasama, Blaze. Sana maintindihan mo,” she tried staring directly at him pero kaagad ding umiwas.
“Eris, please.” hinawakan ni Blaze ang braso niya at kaagad namang napabitaw nang makita nito ang expresyon ni Eris na hindi nagustuhan ang ginawa. “I-I'm sorry,”
“I'm not expecting you to behave this way,” saglit na napatingin si Eris sa dashboard at napatigil. “You divorced me, remember?” dahan-dahang inilipat niya ang tingin kay Blaze na tila ba'y may puno ng paninisi.
“No, Eris. Hindi pa tayo legal na naghiwalay noon—”
“Then why did you marry Ivee?” she asked directly, cutting him off.
Blaze was caught off guard and unsure of what to say. “I thought you were dead. Sinabi nila sakin na wala ka na, na namatay ka sa aksidente,”
Mapaklang napatawa si Eris nang banggitin nito ang salitang 'aksidente'. She knows very well that it wasn't an accident. They were the one who plotted it.
“Ang sabihin mo, it was part of your father's plan para tuluyan na akong mawala at makasal ka kay Ivee,” she concluded. “How could you allow your Dad na gawin 'yon sakin? Yes! I begged and even knelt to you na huwag akong iwan that time, pero yung ipapatay para lang hindi na ako maging balakid sa inyong dalawa ni Ivee ay ibang usapan na,” hindi niya mapigilan ang mapaiyak.
Gusto niyang pakawalan lahat ng sakit na loob na nararamdaman niya. Ilang taon niyang kinimkim ito, at oras na siguro para ilabas ang mga ito.
“Nagkakamali ka—”
“Takot na takot ako no'n Blaze at halos mabaliw na ako sa kakaisip ng paraan kung paano makaalis nang hindi naabutan ng ama mo...” hindi niya binigyan ng pagkakataon na magsalita si Blaze. “Wala na akong matakbuhan ng mga panahon na 'yon kundi ikaw lang. Kahit sa huling hininga ko, ikaw pa din ang nasa isip ko kasi umaasa akong matutulungan mo 'ko,” she said between her sobs.
Once again, the memories of what happened to her came flooding back. It pains her every time she recalls how scared she was at that moment and had no one to turn to.
Blaze wanted to hug her, but something seemed to be holding him back. Magmula noong nawala si Eris, nawalan na din siya ng karapatang gawin ang mga bagay na dapat ay noon niya pa ginawa.
He's so stupid for letting go of someone as precious as her.
“But those hopes left in me shattered nang magising ako at makitang ikinasal ka sa iba. Parang pinatay mo na din ako sa pangalawang pagkakataon, alam mo ba 'yon?” She's still shedding tears, with streams running down her face.
“I'm sorry. I know sorry is not enough for all the things that I caused you. Sorry for making you live that way after getting married with me,” Kinuha ni Blaze ang tissue sa ibabaw ng dashboard at ibinigay ito sa kanya.
Hindi naman nagdalawang isip si Eris at kinuha ito para punasan ang mga luha niya.
A moment of silence envelops them, pero hindi din nagtagal iyon. Pagkatapos masiguro ni Eris na wala ng bakas na luha sa kanyang pisngi, maliban sa mga mata niyang namamaga, muli niyang hinarap si Blaze.
“A-Ayaw na kitang makita, Blaze,”
“Eris...”
“Pinapaalala mo lang sakin ang nakaraan na gusto kong kalimutan. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, kaya please... sana ito na ang huling pagkikita natin,” pagtatapos niya.
Nakita niya kung paano manlumo ang expresyon ni Blaze, but she has made up her mind. Tingin niya, ito ang makakabuti para sa kanila.
“Ikaw na nga ang may sabi na hindi sapat ang 'sorry lang', kaya pagbigyan mo na ang pabor na hinihiling ko sayo. Susubukan kong patawarin at kalimutan ka, kapalit ng pag-iwas at paglayo mo sakin. Alam kong hindi posibleng magkita ulit tayo, pero gusto kong umiwas ka at lumayo kung sakaling mangyari man 'yon.”
Blaze can't find the right words to say or even argue with what she wants, kasi una sa lahat, hindi sila hahantong sa ganito kung hindi dahil sa kanya.