KABANATA 016

870 Words
“Mommy!” Sinalubong ng yakap ni Zoey ang kanyang ina pagkapasok nito sa bahay. Pinaulanan niya ito ng halik sa magkabilang pisngi kaya hindi maitatangging miss niya ito. “Ang sweet naman ng baby ko,” hinalikan din ni Eris ang anak saka kiniliti habang naglalambingan. “What happened to your eyes, mom?” biglang sumulpot ang isa niya pang anak na si Zach at umupo sa tabi nila. “Did you just cry?” tanong pa nito. Masasabing kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata niya at hindi iyon nakatakas kay Zach. “Ikaw talaga, napuwing lang si Mommy,” rason niya. “Tch, you're old enough to lie to your son,” Pasimpleng kinagat ni Eris ang ibabang bahagi ng labi habang nag-iisip ng ibang dahilan. Pagdating talaga kay Zach, hirap siyang kumbinsihin ito lalo na kapag wala siyang may maipakitang proweba. “Hey, kids. Manang Sela was looking for both of you,” biglang dumating si Aaron at mahahalatang katatapos lang nito maligo dahil pinupunasan pa din nito ng twalya ang basang buhok. “Hihiramin ko muna mommy niyo, ayos ba?” Save by Aaron! Mabuti na lang at dumating siya bago pa makapagbitaw ng panibagong kasinungalingan si Eris. “Bye, mommy!” muling humalik si Zoey sa ina saka umalis palapit kay Manang Sela na naghihintay sa hagdan. Naiwan si Zach dahil nagdadalawang isip pa din ito. “I'm really worried, mom. But if you don't want to tell me, it's fine. I just want you to feel better. Have a good night, mom,” he said, leaving a kiss on her mom's cheek and left. Napaupo si Aaron sa tabi niya at sabay nilang pinagmasdan ang kambal na umaakyat sa hagdan kasama si Manang Sela. “You're lucky to have them,” naibulalas na lang ni Aaron. “Indeed,” she agreed. Hindi niya man tunay na anak ang kambal, ay masasabi niyang ito ang pinakamagandang biyaya na dumating sa kanya. She raised them well, patunay na hindi siya nagkulang bilang ina. “Pero balik tayo sa mata mo. Bakit nga ba namamaga 'yan? Maayos ka naman kanina bago ka lumabas sa opisina?” humarap si Aaron sa kanya at pinanlisikan siya nito ng mata. “I met Blaze,” prangkang sagot niya, inaamin ang nangyari kanina sa flower shop. “D-mn— I mean, bakit? Paano kayo nagkita?” Hindi malabong hindi sila magkita ni Eris lalo na't iisang mundo lang ang ginagalawan nila. “He saw me while I was waiting for my customize order inside the flower shop,” nakatitig lang siya sa center table habang kinakausap ang katabi niya. “Did he made you cry? Mapapatay ko talaga ang siraulong 'yon,” hindi mapakali si Aaron at anytime, parang gusto niyang sugurin ang dating asawa ng pinsan. He witnessed how Eris' world fell apart noong mga panahong tinalikuran siya ng lahat. Hindi siya makakapayag na bumalik na naman ang sakit na dinanas ni Eris dahil sa mga taong tinuring niyang pamilya dati. “I actually saw him yesterday and was about to tell you, kaso busy tayo kahapon dahil dumating sina tito at mommy mo,” saglit na bumaling sa kanya si Eris at muling napatitig sa malayo. “And then kanina, hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa flower shop. Sa sobrang taranta ko, nabasag ko 'yong vase at nasugatan ako sa kamay,” pinakita niya ang kanang kamay na naka-bandage. “Ginamot niya 'yong sugat ko. At first, ayaw ko pa sana, but I felt trapped at pumayag na lang na magpagamot sa kanya,” She looks at her bandaged hand and then lets out a sigh. Hinihiling niya na sana hindi magkapeklat ang sugat dahil kapag nagkataon, maaalala na naman niya si Blaze. Ayaw niyang mag-iwan ito ng kahit na anong bakas. “May hospital naman, bakit dun pa sa siraulong 'yon?” She just rolled her eyes at hindi pinansin ang reklamo nito. “Pagkatapos niya akong gamutin, nagkasagutan kami about what happened five years ago. Hindi naman niya ako sinaktan kanina, pero mababaw lang talaga ang mga luha ko kapag nakaraan ko na ang pinag-uusapan,” she turned to face her cousin. “I... I a-asked him to keep his distance from me if ever na makita niya ako,” nagbabadya na namang tumulo ang mga luha niya kaya kaagad siyang niyakap ng pinsan. “Goods 'yan. At least mapapanatag akong hindi ka guguluhin ng lalaking 'yon,” hinaplos ni Aaron ang likuran niya, para pakalmahin. Alam ni Aaron na may lihim pa ding pagmamahal si Eris sa dating asawa. Hindi man sabihin ni Eris, pero lagi niya itong nahuhuling palihim na pinagmamasdan sa magazine na may litrato ni Blaze kapag napapadalaw siya sa kambal noon sa States. “Maiba tayo,” pinaharap niya si Eris saka inakbayan. “May kaibigan ako na naghahanap ng mapapangasawa. Gusto mo bang i-set up kita sa kanya?” “Naku, tigilan mo 'ko sa mga ganyan. Hindi ako interesado,” tinanggal ni Eris ang braso niyang nakaakbay. “Try lang naman. Malay mo, mag-work kayo,” Wala na siyang ibang maisip kundi ang ibaling ang atensyon ni Eris sa ibang lalaki para tuluyan nang makalimutan ang dating asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD