Elisse Nagising akong parang ang bigat ng pakiramdam ko, nakita ko si Luis sa tabi ko, na halos naka-idlip na rin at nakasandal lang siya sa bed frame ng kama ko. Nagising yata siya nung maramdaman niyang gumalaw ako ng bahagya. “Elisse.” “Kamusta na pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo? Gusto mo ba dalhin kita sa hospital?!” Usisa at tarantang tanong niya sa’kin nung makita niyang gising na ko. “Luis, kalma ka lang. ayos lang ako.” Nakangiting saad ko sa kaniya. “Elisse, ayokong pangunahan ka..” “Pero tama ka.. tama kayo. Nung gabing nakipag-cool off ako kay Sean, yo’n na din ‘yung gabing nawala siya ng tuluyan sa’kin. I should’ve listened to you and Kierra. Tangina, sana hindi na’ko umasa na maayos pa eh kasi kung tutuusin ako naman ‘yung nakipaghiwalay eh.” M

